Chapter 23

4.5K 178 3
                                    

JASMINE VALDEZ POV
It's been a week since that happened. Ang pang-aambush ng di kilalang tao sa akin sa parking lot.

But now i know who's that person did that to me.

Hindi ako bobo para di malaman na siya yun. Maraming paraan para malaman at makilala ang taong nasa likod ng pangyayaring iyon lalo na kung ang taong may gawa ay hindi marunong maglinis ng kalat.

Isang malaking tanga!

Malapit ng maubos ang pasensya ko sa kanya kaya umayos siya dahil baka mapaaga ang dalaw niya kay san pedro.

By the way nandito kami sa loob ng bus dahil ngayon ang camping namin.

Nasabi rin nila sa isang gubat daw ito gaganapin kaya naman nakakaexcite.

Napahikad ako bigla. Antok pa akoooo

Sino ba naman hindi aantukin kung 4 palang gising ka na? Sige nga sagutin niyo ako!

"Inaantok ka baby?" malambing na tanong ni alexious na nasa tabi ko.

"Hmm.." tumango ako. Natatamad akong mag salita lalo na't nasira ang tulog ko kanina.

"Come here." lumapit ako sa kanya bago sumandal sa dibdib nito. Nasabi ko bang ang upuan dito ay naihihiga?

Naihihiga yung mga upuan kaya naman makakatulog ka talaga kung gugustuhin mo.

Maya maya pa ay kinain na ako ng dilim.

NAGISING ako ng maramdaman kong may pumupupog ng halik sa buong mukha ko.

Isa lang ang alam kong may lakas ng loob para gawin yon. Ang nag-iisang kong fiancee!

"There you go. Let's go nandun na sila sa baba." sabi nito. Pagtingin ko sa labas ay tama nga siya. Nandito  na kami sa lugar kung saan gaganapin ang camping.

Sabi pa naman nila ay papasok pa kami dito sa loob ng gubat para makahanap ng patag na magpagtatayuan ng tent.

Hindi rin naman nag tagal ay nagawa na ang mga tent, pinagpahinga muna kami ng mga prof namin.

Mamaya na lang daw ang unang activity, mamayan gabi.

Pumasok agad ako sa tent namin, yes namin dahil kasama ko sa loob si Alex.

Pinayagan naman kami dahil wala naman kaming gagawin na milagro.

Yung tent namin ay palubo yung nasa baba kaya naman parang may kama ka ng hinihigaan.

Pagnasa loob ka ay makikita mo kong anong ginagawa ng mga taong nasa labas pero pagnasa labas ka naman ay hindi mo makikita kung anong ginagawa ng taong nasa loob

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pagnasa loob ka ay makikita mo kong anong ginagawa ng mga taong nasa labas pero pagnasa labas ka naman ay hindi mo makikita kung anong ginagawa ng taong nasa loob.

Nang humiga ako ay naramdaman kong may pumulupot na braso sa bewang ko pero ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil alam ko naman na si Alex lang  yon dahil sa pamilyar niyang pabango.

JAKE BARCELON POV
NANDITO na kaming lahat sa labas ng tent at nakapalibot sa bonfire. Kanya kanyang ginagawa ang lahat may ilan na nakikipagkwentuhan, tahimik lang sa isang tabi o kaya naman ay nakikipaglandian ang iba.

Wala naman daw munang gagawin ngayon kundi ang mag get to know each other.

"Babe, kailan mo ako sasagutin?" tanong ko kay kaycee na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Kanina kasi ay nakatitig lang ito sa apoy na napapalibutan namin.

Tumaas ang isang kulay nito bago sumagot.

"Bakit naiinip ka na ba?" mataray nitong tanong. Nasanay na ako sa ugali niya kahit noon ay itinali pa nila ako na para bang kinikidnap.

Isang buwan ko nang nililigawan si kaycee na di man lang napapansin ng mga pinsan niya.

Lagi ba naman kaming aso't pusa kaya talagang di nila mapapansin yun.

May mga nalaman rin ako kay kaycee na malambing ito kapag dalawa lang kami hindi siya yung mahilig sa public mas gusto palaging private.

"Hindi hah! Hindi ako naiinip at hindi rin ako susuko agad alam mo naman na mahal na mahal kita kaya hindi ko magagarang sukuan ka." nakangiting ani ko.

Nakita ko rin ang pagguhitt ng isang ngiti sa labi niya bago sumandal sa balikat ko at sinabi ang salitang nagpatulala sa akin.

"Sinasagot na kita babe." usal nito habang nakapikit ang mga mata.

Natulala lang akong nakatingin sa kanya na para bang hindi parin nagsisink in sa akin yun.

Sinasagot na kita babe

Sinasagot na kita babe

Sinasagot na kita babe

Sinasagot na kita babe

"YES! SINASAGOT NA DAW AKO SI KAYCEE. YES! YES! YES! GIRLFRIEND KO NA ANG BABAENG ITO."

Bakla man pakinggan pero sa tuwa ay nagtitili ako kaya naman napatingin ang mga nakarinig sa amin lalo na sila Jasmine na mabilis kong ikinatikom ng bibig.

Nakakakaba ang mga tingin ng mga ito na para bang may kalasanan akong nagawa.

Ano nga bang sinabi ko ulit?

"YES! SINASAGOT NA DAW AKO SI KAYCEE. YES! YES! YES! GIRLFRIEND KO NA ANG BABAENG ITO."

"YES! SINASAGOT NA DAW AKO SI KAYCEE. YES! YES! YES! GIRLFRIEND KO NA ANG BABAENG ITO."

"YES! SINASAGOT NA DAW AKO SI KAYCEE. YES! YES! YES! GIRLFRIEND KO NA ANG BABAENG ITO."

"YES! SINASAGOT NA DAW AKO SI KAYCEE. YES! YES! YES! GIRLFRIEND KO NA ANG BABAENG ITO."

"YES! SINASAGOT NA DAW AKO SI KAYCEE. YES! YES! YES! GIRLFRIEND KO NA ANG BABAENG ITO."

Paktay! Nanlalaking mata akong napatingin kay kaycee na ngayon ay nakatingin na rin sa akin ng masama.

Sabi ko na nga ba eh! Wala talagang magandang magagawa ang bibig ko.

Ihahanda ko na ang tenga ko sa mga sasabihin nila. Sana lang ay hindi ako mabugbog ng dalawang lalaki na ang sasama ng tingin ngayon.

Tumingin ako kila mark na para bang nanghihing ng tulong pero ang mga gago nginisian lang ako na para bang gustong gusto nila ang nakikita nila ngayon.

Wala talagang kwenta mga kaibigan. Hindi man lang pinagaan ang loob ko.

Hayst! Wala naman akong aasahan sa mga ito.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon