Chapter 35

4.9K 173 15
                                    

JASMINE VALDEZ POV
SERYOSO ang mga mukha nilang lahat nang matapos kong ikwento ang mga nangyari sa amin sa loob ng dalawang linggo.

Gulat ang mga ito ng malamang si james pala ang may kagagawan ng kaguluhan na nangyayari sa amin at iyon pang mahal ako nito na siyang ikinainis ni alexious.

Buti na lang wala na siya baka kung ano pang magawa ni alex sa lalaking iyon.

"Hmmm.." napatingin kami sa kabilang kama ng dahan dahang gumalaw si karl at kaycee at nagmulat ng mata.

They're awake!

"Kaycee babe, okay ka na ba? Gustong mong kumain o tubig? Sabihin mo lang." Sunod sunod na sabi ni jake na siyang ikinasama ng tingin ni kaycee.

Napailing na lang ako inlove na siya!

Napatingin ako kay alexious ng maramdaman kong hawakan niya ang kamay ko.

"Why?" I asked.

"Namiss kita." Parang batang sabi nito kaya naman natawa ako ng mahina. Ito yung gusto kong side niya, a childish one.

"I miss you too."

"Hindi ka na aalis di ba?"

"Hindi na."

"Good dahil ipoposas na kita sa oras na umalis ka pa pwede naman na lagyan na lang natin iyang tiyan mo para naman hindi ka na talaga makaalis." Ngising ani nito. "Ouch!" Daing nito nang batukan siya ni kuya na ngayon ay ang sama na ng tingin sa kanya.

"Magtigil ka alexious baka masapak kita ng di oras." Malditong ani ni kuya kay alex bago inilayo sa akin at siya ang umakap.

"Selos ka naman agad kuya?" Nang-aasar kong ani na siyang ikinasimangot niya.

"Tsk! Malapit ka ng ikasal kaya hindi mo ako masisisi na maging ganito." Inis itong sabi.

Malapit na nga, excited na ako sa oras na iyon dahil magiging isang mrs. Villaluna na ako.

"Don't worry kuya, kahit naman ikasal na ako ay ikaw parin ang favorite ko." Sabay pisil sa pisnge niya.

"Bolera!" singhal nito bago nagpaalam na aalis muna para magdate sila ni ate ashley, si manager.

Magkakatuluyan pa nga ang dalawa HAHAHA.

IT'S BEEN three months since that happened. Sa loob ng tatlong buwan na iyon ay nakagradaute na kami sa college at alam niyo bang ngayon na ang pinakaspecial na araw buhay ko, ang ikasal sa taong mahal niya.

Yes, araw ngayon ng kasal namin ni alexious. Ang bilis dati ay nag-aaway pa kami dahil sa pang-aasar niya lalo na yung sa mall pero ngayon ay ikakasal na.

Nakatalikod ako sa salamin dahil ayaw akong patinginin ng dalawang nag-aayos sa akin.

Sabi nila suprise daw mamaya para kasama na ang gown. Napapailing na lang ako.

Ilang minuto pa ay natapos na sila kaya naman pinatayo nila ako at tinulungan magbihis ng gown, no worries dahil babae ang nag-aayos sa akin kaya okay lang na maghubad ako dito.

May undies naman akong suot kaya hindi talaga ako totally na naghubad duh!

Nagtilian ang dalawang nag-ayos sa akin nang maayos na ang lahat. Hindi ko alam kung anong itsura ko dahil ayaw pa nga nila ipakita kanina.

"Wow! Ang ganda mo talaga prinsesa"

"Nakakainggit! Sana all na lang may maladyosang ganda."

Napailing na kang ako bago ako humarap sa salamin.

I gash! Ako ba ito? Ang ganda! Bagay na bagay sa akin ang mahabang suot kong puting gown na long sleeve lace.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon