Chapter 11: Sportfest

5.7K 236 2
                                    

CHAPTER 11: SPORTFEST

* * *

ALEXIOUS VILLALUNA POV
Nandito kami ngayon sa hallway para pumunta sa cafeteria dahil nagutom daw ang player ng volleyball sa paglalaro.

Ang galing maglaro ni jasmine! Para siyang professional na manlalaro.

Nakaupo na kami dito sa palagi naming pwesto sa cafeteria at umoorder na ang ibang mga lalaki.

Ang naiwan ay ang volleyball player at kami ni jake. Yung iba ay nandun na sa counter para bumili.

"Alam mo captain ang professional mong mag laro ng volleyball, nakakabilib." manghang sabi ni nadine kay jasmine na captain nila.

"Haha hindi naman. You know magiging ganon ka din kung pagsisikapan mo, i love to play volleyball kaya ayon." she said then shrug.

"Teach us more, captain." Natawa na lang si jasmine sa mga ito.

"Soon, girls." naghiyawan naman ang mga ito.

"Anong nangyari at nagsisigawan kayo? Look guys oh pinagtitinginan na kayo." naiiling na sabi ni mark nang makalapit sa amin.

"Baby, this is your food." sabi ni jasrone sabay abot ng food kay jasmine. Magsisimula na sana kaming kumain nang biglang nagmamadaling lumapit ang president ng archery.

"President?!" Hinihingal nitong tawag.

"What happened?" I asked.

"Pres. Wala ang representative natin sa solo sa girl. Hindi makakalaro si geramae dahil namamaga ang kamay nito." Nag aalalang ani yves, ang presidente ng archery club.

"Paano yon nangyari?"

"Ang sabi niya ay binangga ng kalaban ang kamay niya para di makapaglaro. President, anong gagawin natin?" Nag aalalang tanong nito.

"Wala na bang ibang player na pwedeng pumalit?" I asked.

Kailangan may pumalit dito, malapit na ang laro nila. 20 minutes from now magsisimula na yun.

Umiling ito. "Wala na president, ayaw nilang lumaro. Ang ilan naman ay nasa duo na katulad ko." I sighed at tumingin sa mga volleyball player.

"May marunong maglaro sa inyo, girls?" Nagsiilingan ang mga ito maliban sa isang babae na patuloy parin sa pagkain habang nakaheadset.

Tumingin ako kay jasrone na nagtatanong kung marunong si jasmine. He just shrug his shoulder.

Kinalwit ko si jasmine para mapansin kami. Halatang gutom! Hindi ba naman kami pinansin na nag-aalala ngayon sa laro.

"What?" She asked with her cute voice.

"You know how to use archer?" Tumingin ito sa amin na nagtataka bago tumango.

"Why you asked?" Sabay inom ng tubig.

"Ikaw sana ang ilalaro namin sa archery emergency lang kung pwede miss jasmine." deretsong sabi ni yves kaya naman naibuga ni jasmine ang iniinom kay jake.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon