KABANATA 53: PAGTATAPAT NG PAG-IBIG (COMPLETED)

90 9 5
                                    

Samantala nakikipagkwentuhan naman si Paul Jay kay Jordan. Nagtatawanan ang mga ito.

"Oo. Ganoon nga ang nangyari kung kaya Paul Jay ang aking pangalan. Hindi ko alam na noong panahong iyon ay naroon ka din pala at ikaw pa ang pasaway na naghulog sa kanila Marylane at Lady Elia sa balon."

"Oo tama ka. Isang nakaraang nais ko mang kalimutan ay pipiliin ko paring itago sapagkat doon nagbago ang aking buhay." Wika ni Jordan.

"At doon mo nakilala si Marylane,hindi ba?" Dugtong pa ni Paul Jay.

Hindi siya nakaimik.

Muling nagsalita si Paul Jay.
"Iniibig mo siya tama ba ako? Lalaki din ako kaya batid ko ang mga tingin mo sa kaniya. At nakikita ko din kay Marylane na espesyal ka sa kaniya."

"Sa tingin mo ba? Walang halong biro?"

"Oo. Kaya kung ako sa iyo ay umamin ka na sa kaniya. Dahil kung hindi mo gagawin ay ako ang gagawa."

Tumingin sa kaniya si Jordan ng may pagkainis.
"Nais mo bang mamatay?"

Tumawa ito at tinapik siya sa balikat.
" Iniibig mo nga siya.Sige,mahal na prinsipe mauuna na lamang akong matulog sa iyo."

Nag-isip ng malalim si Jordan.

Lumipas ang mga araw at itinakda na ang pagbabalik nila Marylane, Luminous at Joyous sa Jemeika. Samantalang sila Paul Jay at ang kaniyang pamilya naman ay kinuhang tagapamahala ng hari. Nagpasya na din sila Lady Elia at Lady Stella na magbalik na din sa Fairydot.

Pumasok ang hari at reyna sa silid ng prinsipe.
"Anak,nakahanda na ang lahat sa pag lisan nila binibining Marylane pabalik ng Jemeika. Sa ilang sandali ay aalis na sila. Hindi ka man lamang ba magpapaalam?" Tanong ng reyna.

Nakasilip lamang sa bintana si Jordan.

Lumapit sa kaniya ang kaniyang amang hari.
"Maaari ngang hindi mo kami nakasama sa iyong paglaki. Gayunpaman ay anak ka namin kaya nababasa namin ang iyong mga kinikilos. Batid naming iniibig mo si binibining Marylane." Wika ng kaniyang ama.

"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya ang iyong tunay na nararamdaman?" Paghihikayat ng kaniyang ina.

Yumuko si Jordan. Inakbayan siya ng kaniyang ama.
"Ang tunay na pag-ibig ay minsan mo lamang mararamdaman at matatagpuan. Kaya hindi mo dapat itago ang iyong tunay na nararamdaman. Huwag mo na hayaan pang lumipas na naman ang isang libong taon bago ka kumilos."

"Paano kung piliin parin niya ang umalis?"

Ngumiti ang reyna.
"Ang mahalaga ay naipaalam mo ang iyong tunay na nararamdaman sa kaniya."

Lumapit ang isang kawal kay Marylane.
"Binibining Marylane,nakahanda na po ang lahat sa ating pag-alis."

Nagpaalam na sa kanila ang hari at ang reyna ngunit hindi nagpakita si Jordan.
Nagpaalam na din sa kanila sila Paul Jay at ang kaniyang mga magulang. Gayundin sila Lady Elia.

Nagsimula ng tumakbo ang karuwahe papalabas ng palasyo. Habang papalayo ay nakatingin si Marylane sa bintana ng karuwahe.
"Ano kaya ang problema at bakit hindi man lamang nagpakita sa atin si Jordan?" Pagtataka niya.

"Tingnan niyo mayroong humahabol sa ating nakakabayo." Sigaw ni Joyous.

Tiningnan nila itong mabuti habang papalapit.

"Si Jordan ang nakakabayong humahabol sa atin." Wika ni Luminous.

Ipinahinto ni Marylane ang karuwahe at bumaba siya dito at gayundin si Jordan.

"Ayon sa reyna ay hindi mabuti ang iyong pakiramdam." Wika ni Marylane habang papalapit sa kaniya ang binata.

"Aba,tila nga nilalagnat ka sapagkat namumula ngayon ang mukha. Nararapat mong alagaan ang iyong sarili mahal na prinsipe lalo na at hindi na kita maaalagaan pa." Wika niya habang idinadantay sa noo nito ang kaniyang mga palad.

Kinuha ni Jordan ang kamay ng dalaga at niyakap niya ito ng mahigpit.
Nagulat si Marylane.

Nagsalita ito.
"Pakiusap huwag ka munang magsalita. Pakinggan mo muna ang aking sasabihin."

Yakap parin niya ng mahigpit si Marylane.
"Ang bilis ng tibok ng kaniyang puso." Bulong ni Marylane sa sarili.

Nagpatuloy si Jordan sa pagsasalita habang nakayuko.
"Ayaw kong maging makasarili subalit hindi ko kayang mawalay ka sa akin. Hindi ko batid kung ako ba ang makapagpapasaya sa iyo ngunit nakatitiyak akong ikaw ang tanging makapagpapasaya sa akin. Iniibig kita ng buong puso, Marylane at hindi ko kayang isipin ang bukas ng wala ka sa buhay ko. Ikaw ang nagpabago ng buhay ko at ang kauna-unahang taong nagpadama sa aking mahalaga ako at maaari pa akong magbago. Pakiusap huwag ka ng umalis pa ng palasyo. Dito ka na lamang sa aking tabi. Nais kong makasama ka habang-buhay." Pagkawika nito ay binitiwan na niya ang dalaga.

Tumingin siya sa mga mata ni Marylane at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Sana ay pumayag kang maka-isang dibdib ako at maging aking prinsesa?"

Nakatitig sa kaniya si Marylane."Bakit ganito bumibilis ang tibok ng aking puso?"

Napalunok siya,hinawakan niya si Jordan sa mga bisig nito at inalalayang tumayo.
"Tumayo ka Jordan. Ang isang prinsipe ay hindi dapat lumuluhod sa isang simpleng taong gaya ko. Magkakarumi ang iyong suot."

Ngunit hindi tumayo si Jordan. At muli nitong hinawakan ang kaniyang kamay.
"Bago pa man ako maging prinsipe ay ako na ang magnanakaw na si Jordan. Ngunit sa kabila noon ay pinahalagahan mo parin ako at pinagkatiwalaan. Handa akong ibaba ang aking sarili para sa iyo."

Ngumiti si Marylane habang nakatingin sa binata na hawak ang mga kamay niya.
"Ang pagpapakilala mo sa akin sa iyong tunay na pagkatao ang pinaka-unang bagay na hinangaan ko sa iyo. At kahit ngayong isa ka ng ganap na prinsipe ay hindi ka parin nagbabago. Sabihin mo, ano ang kukumpleto sa iyong kasiyahan?"

Sumagot si Jordan.
"Ang makasama ka habang buhay."

Ngumiti siya.
"Kung ganoon ay tumayo ka na diyan mahal na prinsipe sapagkat ipinagkakaloob ko na ang iyong nais."

"Totoo?"

Tumango siya.
"Nais mo bang bawiin ko?" Tanong niya at tumawa.

Ngumiti si Jordan at tumayo at pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. Niyakap din niya ito.
"Iniibig kita Marylane."

"Iniibig din kita Jordan."

Nasaksihan ng lahat ang mga nangyari.

"Hay mahal ko,tunay ngang ganap ng binata ang ating prinsipe." Nakangiting wika ng hari at inakbayan ang reyna. Nakangiti naman ang reyna.

Agad na ipinasundo ng hari ang buong pamilya ni Marylane sa Jemeika. Nagdiwang ang palasyo ng Daffodil at ikinasal si Jordan at Marylane. Mula noon ay namuhay na sila ng magkakasama at masaya habang buhay.

WAKAS

Daffodil KingdomWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu