KABANATA 4:SIMULA NG PAGLALAKBAY

85 9 0
                                    

Habang nag-uusap ang tatlong sina Marylane, Luminous at Joyous ay lumitaw sa kalagitnaan nila ang engkantada.

"Kamusta?"

"Kamusta po Lady Elia." Bati niya at bumati din sina Luminous at Joyous sa engkantada.

"Nalaman mo ba ang nais mong malaman sa binatang iyong tinutukoy?"

Umiling si Marylane.

"Ha? Ngunit bakit?" Tanong ni Joyous.

" Hindi ako nagtanong sa kaniya ng anumang tungkol doon."

Nakita niya sa mukha ng engkantada ang pagtataka.

"Sa pakiramdam ko rin naman po ay hindi siya ang taong ating hinahanap."

"Bakit Marylane? Pinakitaan ka ba niya ng hindi mabuti. Sabihin mo lamang at makakakita siya ng ibong sumisipa." wika ni Luminous

"At ng paruparong nananampal." Sang -ayon ni Joyous.

"Hindi. Pakiramdam ko lamang ay nakatakda akong pumunta sa isang lupain upang makita ang isang tao. At sa pakiwari ko ay naroon ang sagot sa ating mga katanungan."

"Ano ang ibig mong sabihin Marylane?" Tanong ng engkantada.

"Lady Elia, posible po ba na magkaroon ang isang gaya ko ng isang pangitain?"

Ngumiti ang engkantada, "Posible Marylane. Naalala mo ba ang sinabi ko sayo noon sa kagubatan tungkol sa nakasulat sa propesiya? Nakatakdang magtagpo ang inyong landas ng prinsipe at sa oras na mangyari iyon ay ipagsasama ninyo ang inyong mga kapangyarihan upang magapi si Mondevita. Kung kaya't posibleng magkaroon ka nang kapangyarihan at marahil ito ay ang pagkakaroon ng mga pangitain."

Natuwa ang dalawang sina Luminous at Joyous.

"Sabihin mo, Ano ang iyong nakita?" tanong ng engkantada.

"May nakita po akong mukha ng isang lalaki na may balbas. May suot siyang korona at nakaupo siya sa isang trono."

"Kung ganoon,marahil ay isa siyang hari." Wika ni Luminous.

"Siya kaya ang prinsipe?" Pagtataka ni Joyous.

"Sa palagay ko ay hindi siya ang prinsipe. Dahil ayon sa propesiya ay muling ipapanganak ang prinsipe kasabay sa oras na ipanganak ang makatutulong niya sa pagputol ng sumpa kaya dapat ay pareha lamang siya ng edad ni Marylane." wika ng mahal na engkantada.

"Kung ganoon marahil ay isa siyang hari." wika naman ni Marylane.

"Maliban doon mayroon ka pa bang ibang nakita Marylane?"

"Opo Lady Elia. May ipinakita sa aking isang anyo ng bayan. Maaaring ito ang bayan na pinaghaharian ng haring aking tinutukoy."

" Maaaring sa bayang iyon natin matatagpuan ang mahal na prinsipe. Kailangan nating hanapin ang bayan na nakita mo sa iyong pangitain. Ito na ang tamang oras upang ating simulan ang paghahanap sa prinsipe." wika ng engkantada.

Kinagabihan, habang natutulog ang mga kapatid ni Marylane ay kinausap niya ang kaniyang mga magulang.

"Ama,ina nagkaroon po ako ng isang pangitain. Nakakita po ako ng isang tao at isang bayan na maaaring magtuturo sa amin kung nasaan ang prinsipe ng Daffodil. Kung kaya't ngayon po ay napagpasyahan namin ni Lady Elia na magtungo sa lugar na nakita ko sa aking pangitain."

"Anak,sa totoo lamang ay hindi madali para sa amin na tanggapin ang mga nangyayari. Lalo na ang malamang malalayo ka sa amin ng iyong ina." wika ng kaniyang ama habang hinihimas ang kaniyang ulo.

Nagsimulang humikbi ang dalaga at yumakap sa kaniyang ina at ama,
"Maging ako ay nagulat sa mga pangyayari. Patawad po,maging sa aking panaginip ay hindi man lamang sumagi sa aking isipan na mangyayari ang mga bagay na ito sa akin."

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now