KABANATA 36: PAGPAPALAYA SA MGA KALALAKIHAN

46 10 0
                                    

Humakbang papalapit si Marylane kay Mina.

"Binibining Mina,nakikiusap ako sa iyo pakawalan mo na sila."

Hinawakan ni Mina ang kaniyang sandata.
"Hindi,hindi ko sila maaaring pakawalan sapagkat ito ang nais ng aking suot na guwantes."
Binitiwan niya ang sandata at itinaas ang dalawang kamay at pinagmasdan ang mga suot na guwantes.

"Itim na guwantes?." Bulong ni Marylane sa sarili.

"Hindi mo ba alam na puti ang mga guwantes na ito noon, ngunit naging itim na ito ngayon dahil sa dugo ng mga kalalakihang napaslang ko!"

Nasindak ang tatlo sa narinig.

"At patuloy pa itong nagnanais ngayon kung kaya't hindi ako maaaring huminto. Kaya kung nais pa ninyong mabuhay ay umalis na kayo sa aking harapan at huwag na ninyo muli pang pagtatangkaang baguhin ang aking pag-iisip."

Wika niya at muling pinulot ang kaniyang sandata.
"Huli na upang ako'y magbago marami na akong napaslang."

Humakbang si Jordan.
"Kung ganoon ay wala na kaming iba pang pagpipilian kundi pasukuin ka ng sapilitan."

Tumingin ito sa paligid at hinanap ang pinanggalingan ng tinig at nakita niya si Jordan na nasa anyong babae.

"Babae ang iyong wangis ngunit ang iyong tinig ay lalaki. Mapanlinlang!"

Agad nitong nilusob si Jordan.

Sinalo ni Jordan ang kaniyang paglusob gamit ang kaniyang ispada at pagkatapos ay itinulak siya. Nang napaatrads na si Mina ng ilang hakbang ay hinubad niya ang kanyang balat-kayong buhok at kasuutang pambabae.

"Kung ganoon ay isa ka nga talagang lalaki. Humanda ka sapagkat ang mga guwantes kong ito ang tatapos ng iyong buhay."

"Iyon ay kung makakaya mo,hindi mo pa ako nakikilala kaya hayaan mong magpakilala ako sa iyo sa pamamagitan ng talim ng aking ispada." Wika niya at lumusob kay Mina.

Dumating sila Luminous at Joyous sa kinaroroonan nila Marylane habang nasa kalagitnaan na ng paglalaban sila Jordan at Mina.

"Mabuti at narito na kayo,natunton niyo ba ang kinalalagyan ng mga kalalakihan?" Tanong ni Lady Elia.

"Opo." Sagot ni Luminous.

"Mabuti kung ganoon. Halina kayo at magtungo na tayo doon."
Wika niya habang humahakbang papalabas nang harangin sila ng mga bantay.

"Hindi ka makaaalis ng buhay. Lalo na kayong dalawang bubwit. "
Wika ng mga bantay.

"Anong ibig sabihin nito? Nakapagsasalita ang mga bubwit na ito?" Wika naman ng isa.

"Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo tunay ngang nakapagsasalita sila. Ngayon ay natuklasan mo na ng harapan."

Inilabas ni Lady Elia ang kaniyang baston.
"Wala akong panahong makipaglaro sa inyo kung kaya't ipagpaumanhin ninyo ang aking gagawin."

Iwanisiwas niya ang kaniyang baston at naging baging ang mga sandatang hawak ng mga babaing bantay.

Nagulat sila at napaatras.
"Mayroon siyang mahika halina kayo, baka ano pa ang gawin niya sa atin."
Wika ng isa sa mga ito at nagtakbuhan na silang lahat.

Patuloy paring sinusubukan ni Marylane na baguhin ang pag-iisip ni Mina,
"Binibining Mina,pakiusap ihinto mo na ang iyong pagkitil sa mga kalalakihan. Sapagkat naniniwala akong mayroon paring kabutihan sa iyong puso at nagnanais ka paring magbago."

Tumingin si Jordan kay Marylane.
"Hindi parin siya sumusuko? Pambihirang babae ito,naniniwala parin siyang kaya pang magbago ng ganito kasamang tao."

"Tigilan mo na ako." Wika ni Mina at lumusob kay Marylane.

SA KUTA..

Itinuro nila Luminous at Joyous ang sinasabi nilang kuta kay Lady Elia kung saan ay ikinulong ang mga kalalakihan.

Nang papasok na sila dito ay agad silang hinarang ng mga bantay.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ng mga ito.

"Hindi ko nais na may masaktan pa sa inyo kaya kung maaari ay hayaan niyo na lamang kaming makapasok." Wika ni Lady Elia.

"Nahihibang ka na ba? Sino ka at ano ang inyong kailangan sa loob ng aming kuta?"

"Kung ganoon ay wala na nga akong pagpipilan pa kundi ang gamitan kayo ng aking kapangyarihan." Wika niya at inilabas ang kaniyang baston.

Iwinasiwas niya ito at naging mga rosas ang mga hawak na sandata ng mga bantay. Nagulat ang mga ito at napaatras.

"Ano ang ginawa mo sa aming mga sandata? Mayroon kang mahika!" Bulalas ng isa sa mga bantay.

"Isa akong engkantada kaya't hayaan niyo kaming makaraan kung ayaw niyong gawin ko kayong mga puno." Pananakot niya sa mga ito.

Umatras naman ang mga ito at hinayaan silang makaraan.

Gulat na gulat naman sa natuklasan ang mag-inang Rema at Leo.

"Totoo ba ang iyong sinabi Lady Elia? Isa ka nga bang engkantada?" Tanong ni ginang Rema.

Nilingon naman niya ito, "Naisin man naming ilihim ito sa inyo ngunit tila hinihingi ng pagkakataong malaman ninyo ito. Mahabang salaysayin pa kung isasalaysay ko pa ang lahat,tulungan niyo na lamang akong mapalaya ang mga bihag dahil maikli lamang ang ating oras."

"Lady Elia,naroon po ang kulungan ng mga kalalakihan sa banda doon." Wika ni Luminous at lumipad patungo sa kinaroroonan ng mga kalalakihan.

Tumango si Lady Elia.

Nang maramdamang malapit na nilang matagpuan ang kinaroroonan ng mga ikinulong na kalalakihan ay nakaramdam ng pag-asa ang mag-ina na maaaring makita pa nila ang ama ni Leo.

Nagtinginan ang mag-ina at hinawakan ni Rema ang kaniyang anak sa kamay at saka tumango. Nagpatuloy sila sa pagtakbo habang sumusunod sa kanila Lady Elia.

Nang makarating dito ay nilusob sila ng mga bantay. Ginawang baging ng engkantada ang mga armas ng mga ito,nasindak sila at nagtakbuhan.

Itinutok niya sa kadena at kandado ng kulungan ang kaniyang baston at bumukas ang kandado.

Nagtayuan ang mga nakakulong at nagmamadaling tumakbo papalabas ng kulungan.

"Madali,kalagan ninyo sila mula sa kanilang mga pagkakatali!" Utos ni Lady Elia.

Sinunod naman ito ni Rema at Leo.

Matapos matanggal ang mga tali sa mga kamay ng lahat ay nagpasalamat ang mga ito kay Lady Elia.

Inikot ni Rema ang kaniyang mga mata sa paligid dahil sa pag-asang nariyan lamang sa paligid ang kaniyang asawa. Ngunit hindi niya ito natagpuan.

"Maraming salamat binibini sa inyong pagpapalaya sa amin." Wika ng mga ito.

Nakakaramdam na ng panghihina si Lady Elia dahil sa nagamit niyang kapangyarihan.

"Walang anuman,magmadali na kayong umuwi sa inyong mga pamilya sapagkat nasisiguro kong matagal na kayong nais nilang makasama."

"Opo,muli maraming salamat." Wika ng mga ito at isa-isa ng naglakad papalayo.

Napagtanto ni Rema na wala ng pag-asang makita pa nila ang kaniyang asawa sapagkat marahil ay matagal na itong napaslang ni Mina. Niyakap na lamang niya ang kaniyang anak at tumangis. Humagulgol din si Leo hanggang isang ginoo ang lumapit sa kanila at hinawakan si Rema.

"Huwag ka ng umiyak mahal kong asawa sapagkat buhay pa ako."

Tiningnan ni Rema ang nagsalita.
"Mahal kong asa-wa ikaw nga!" Wika niya at agad na yumakap dito. Yumakap din ito sa kaniya. At pagkatapos ay tumingin kay Leo.

"Leo,ikaw na ba iyan?"

"Opo ama,ako nga po ito."

Niyakap si Leo ng kaniyang ama. Sa labis na kasiyahan ay kinalung si Leo ng kaniyang ama sa mga bisig nito.
" Malaki ka na,hindi na tayo muli pang magkakalayo anak."

"Opo ama." Puno ng kasiyahang tugon niya sa ama.

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now