KABANATA 35: SANDATA O UNAWA

41 10 0
                                    

Kumatok ang isa sa mga tauhan ni Mina sa pinto ng kaniyang silid.

"Ano ang iyong kailangan?"

"Mayroon po tayong mga panauhing mga binibini na nais kumausap sa iyo."

Muli niyang ibinalik ang bestida sa baul upang magtungo sa labas.

Samantalang si Rema at ang kaniyang anak na si Leo kasama si Luminous at Joyous ay palihim na nagsiyasat kung saan ikinulong ng grupo ni Mina ang mga kalalakihan na kanilang binihag.

Sinundan nila ang isa sa tao ni Mina hanggang sa makarating ito sa isang kuta kung saan marami ang nagbabantay.

Umatras si Rema at agad na kinabig ang kaniyang anak upang magtago sa likod ng isang puno.

"Nakatitiyak akong dito na nga nila ikinukulong ang mga kalalakihang binibihag nila." Wika ni Rema.

"Kung ganoon ay dito na lamang kayo at kami na ni Joyous ang bahalang magkumperma ng ating hinala." Wika ni Luminous at lumipad na sila patungo sa loob ng kuta.

"Ngunit nais kong makita si ama."
Wika ni Leo na nagtatangkang humabol sa dalawa.

Niyakap ni Rema ang kaniyang anak.
"Mas magiging ligtas kung sila na lamang ang ating papapasukin sa kuta anak sapagkat hindi sila mapapansin ng mga bantay. Malalaman din natin at makikita ang iyong ama kung sakaling ligtas siya sa oras na matapos na sila binibining Marylane sa kanilang pakikipag-usap kay Mina. Sa ngayon ay magtago na lamang muna tayo dito at hintaying bumalik sila Luminous at Joyous."

Lumipad nga ang dalawa at nagpaikot-ikot sa loob ng kuta hanggang sa matagpuan nila ang mga kalalakihang nakakulong.

"Tingan mo Luminous sa banda roon, Tunay ngang dito nila ikinukulong ang mga kalalakihan." Wika ni Joyous.

Natanaw nila ang isang kulungan Kung saan ang lahat ng mga kalalakihan ay nasa loob nito at nakagapos ang mga kamay at paa.

"Madali,kailangan na nating magtungo agad sa kanila Marylane upang ipaalam ang ating natuklasan." Wika naman ni Luminous.

Habang sila ay lumilipad ay isang bantay ang nakakita sa kanila at dahil sa kalikasang babae nito ay agad itong naakit sa anyo ni Joyous na isang paruparo.

"Napakagandang paruparo! Ngayon pa lamang ako nakakita ng ganito kagandang paruparo. Dadakpin ko siya at ilalagay sa isang hawla ng sa ganoon ay palagi ko na siyang mapagmamasdan."

Wika nito at sinimulang hulihin si Joyous.

"Sandali lamang,ano ba ang ginagawa nito? Nagpapasalamat ako sa iyong papuri ngunit hindi mo ako maaaring dakpin." Wika ni Joyous habang nagsisikap na makailag sa bawat pagdakip nito sa kaniya.

"Aba,aba kung ganoon ay magaling kang umilag,sandali lamang." Wika nito at kumuha ng isang manipis na balabal at ginamit na panghuli.

Patuloy sa pag-ilag at paglipad ang paruparo,
"Luminous, tulungan mo akong makatakas mula sa pasaway na ito."

"Ngunit paano kung ako nanaman ang balingan niya? Hayy.. oh sige na nga."

Humarang si Luminous.
"Hoy,ikaw ginang tigilan mo ang aking kaibigan!"

Nagulat ito at napaatras.
"A-nong iyong sinabi? na-ka-kapagsalita ka?"

"Siya nga at hindi lamang iyon kaya ko ding kainin ka sapagkat ako ay lumalaki ng higit pa sa iyong laki." Pananakot niya.

"Hindi ito maaari marahil ay nananaginip lamang ako." Tinapik-tapik nito ang kaniyang pisngi.

"Hindi ka nananaginip sapagkat totoo ito at maging ako ay nagiging halimaw din. Lulunukin kita ng buo!" Sang-ayon ni Joyous.

"Hindi,hindi!"
Umatras ito at nagmamadaling tumakbo papalayo.

"Haay.. isturbo na iyon naantala pa tuloy tayo." Wika ng paruparo.

"Halika na." Wika naman ng ibon.

Nang makalabas na sila ng kuta ay agad silang lumapit kanila Rema at ikinuwento ang nakita.

Nabuhayan ng loob ang mag-ina, pagkatapos ay nagmamadali silang nagtungo kanila Marylane na ng sa mga oras na iyon ay nakatakda na ding makipagharap kay Mina.

"Ano ang kailangan ninyo sa akin?" Tanong ni Mina sa grupo ni Marylane.

Nagsalita si Marylane.
"Magandang araw binibining Mina,ako si Marylane at narito ako at ang aking mga kaibigan upang pakiusapan kang ihinto mo na ang pagdakip sa mga kalalakihan sa nayong ito at pakawalan mo na ang iyong mga bihag.Nang sa ganoon ay makasama na sila ng kanilang mga mahal sa buhay."

"At sino naman kayo sa tingin ninyo upang utusan ako sa nararapat kong gawin?hindi niyo ba naisip na maaari kong ipakitil ang inyong mga buhay ngayon din?"

"Hindi kami naparito upang makipag-away. Naparito kami upang pakiusapan kang buksan ang iyong puso sa pagpapatawad."

"Anong iyong sinabi? Pagpapatawad?"
Humakbang ito papalapit iay Marylane.

"Ano ang iyong nalalaman tungkol sa akin?"

"Batid ko ang pagmamalupit sa inyo ng iyong ina ng iyong sariling ama. At ang tungkol sa puting guwantes na ibinigay sa iyo ng isang mangkukulam na naging iyong kasangkapan upang mapaslang ang iyong ama."

"Wala akong pinagsisisihan sa aking ginawa sapagkat nararapat lamang iyon sa aking ama."

"Ngunit paano naman ang iba pang kalalakihan na wala namang kinalaman ngunit nadadamay lamang sa iyong paghihiganti?"

"Ang mga lalaki ay puno ng kayabangan,magaspang na pag-uugali at maliit ang kanilang tingin sa mga babae. Ang akala nila ay wala tayong kakayahan at hindi nararapat mabuhay o maging masaya. Kaya't hindi ba't nararapat lamang silang paslangin o ikulong upang baliin ang kanilang mga sungay? Nang sa ganoon ay mapahiya sila sa kanilang pagiging mapagmataas."

"Alam mo binibining Mina, may punto ka diyan dahil mayroon din akong nakikilalang lalaking puno ng kagaspangan ang pag-uugali. Makitid ang pang-unawa at walang pasinsya."
Wika niya habang naaalala si Jordan noong una silang magkakilala,kung paano siya pinagsungitan nito,makailang ulit na pinagtabuyan at pinagsalitaan ng masasakit.

"Aba't ano ba ang iniisip ng babaeng ito,bakit tila sumasang-ayon pa siya sa aming kalaban? At teka,tila yata ako ang kaniyang tinutukoy sa kaniyang sinasabi?" Isip-isip ni Jordan.

Naalala ni Marylane ang kaniyang ama,ang kabutihan nito sa kaniya at ang bilin nito sa kaniya bago siya lumisan sa Jemeika.

"Ngunit hindi lahat ng lalaki ay katulad nila. Sapagkat mayroon din akong ama,at siya ay mapagmahal at maalaga. Lagi niyang pinipilit na mapasaya kaming magkakapatid sa abot ng kaniyang makakaya. Handa siyang magsakripisyo upang kami ay mapabuti,naka-alalay siya sa aming paglaki at pinalalakas ang aming loob kapag kami ay nanlulumo. Hindi ko malilimutan ang bilin niya sa akin bago ako umalis sa Jemeika. Ang sabi niya ay palagi lamang akong mag-iingat at laging piliing gawin ang tama.Pag ginawa ko ito ay palaging may kalakip na kapanatagan ang bawat tagumpay na makakamit ko."

Natinag si Mina sa sinabi ni Marylane.
Tumingin siya rito.

"Bawat lalaki ay may mga magkakaibang katangian kaya't hindi lahat ng lalaki ay katulad ng iyong ama. Kaya't kung maaari ay hayaan mong ipakita nila ito at ipadama sa kani-kanilang mga mahal sa buhay."

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now