KABANATA 34: SI MINA AT ANG ISINUMPANG GUWANTES

42 10 0
                                    

Pumasok si Mina sa kaniyang silid. Ipinatong niya ang kaniyang hawak na ispada sa ibabaw ng lamesa at umupo sa ibabaw ng kaniyang higaan. Nang akma na niyang huhubarin ang suot na sapatos ay natanaw niya ang isang baul sa sulok ng kaniyang silid. Napahinto siya at tinitigan ang baul. Lumapit siya sa baul at binuksan ito, sa loob nito ay mayroong isang makulay na bestida na may mga bulaklak na disenyo. Kinuha niya ito at ipinatong sa kaniyang mga tuhod.

"Ina.." bulong niya.

Muling nagbalik sa kaniyang alaala ang kaniyang kabataan. Ang panahon kung kailan ibinigay sa kaniya ng kaniyang ina ang bestidang ito. Noong siya ay isang munting paslit pa lamang.

Galing noon sa pamilihan ang kaniyang ina at nang makauwi na ay agad siyang tinawag.

"Mina,anak,halika."

"Bakit po ina?" Tanong niya habang nakatago ang mga kamay ng kaniyang ina sa likuran nito.

Ngumiti ang kaniyang ina,kumunot-noo naman siya.

"Binilhan kita ng isang bestidang tunay na magugustuhan mo."

"Talaga po ina?" Tanong niya ng may pananabik.

Inilabas nito mula sa kaniyang likuran ang isang makulay na bestida na may mga bulaklak na disenyo.

"Napakaganda po ina! Sa akin po ba ito?" Manghang tanong niya habang tinatanggap ito.

Tumango ang kaniyang ina.
"Syempre naman,bakit hindi mo na sukatin agad? sapagkat hindi na ako makapaghintay na makitang suot mo ito."

"Opo.maraming salamat po ina!" Wika niya sabay yakap dito.

"Walang anuman,anak."

Agad niya itong isinuot at ipinakita sa kaniyang ina.

"Sinasabi ko na nga ba at babagay ito sa iyo, Mina, natutuwa ako at nagustuhan mo." Nakangiting wika sa kaniya ng kaniyang ina.

Habang nag-uusap sila ay dumating ang kaniyang ama na lasing.

Agad siyang sumalubong dito.
"Ama,tingnan mo po,binilhan ako ng isang napakagandang bestida ni ina."

Hindi man lamang ito tumingin sa kaniya,kinabig siya papalayo mula dito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa upuan. Tumingin ito sa kaniyang ina.

"Bakit ka na naman nag-aksaya ng salapi sa walang mga kuwentang bagay?" Tanong niya dito.

"Hindi kailanman pag-aaksaya ng salapi ang pagbili ng bestida para sa ating anak."

"Anak na kailanman ay hindi ko pinangarap,batid mo iyan! Lalaki ang nais kong maging anak sapagkat ang mga babae ay mahihina at hindi maaasahan sa paghawak ng ispada. Mga lampa at ang tanging makakaya lamang ay ang mga gawaing bahay." Wika ng kaniyang ama at pagkatapos ay ipinukpok ang kamao nito sa lamesa.

"Digo,ang bibig mo naririnig ka ni Mina!"

Nagulat si Mina sa narinig mula sa kaniyang ama.
"Hin-di ako pi-na-ngarap ni ama.."
Napaatras siya.

Tumayo ang kaniyang ama at kinuha ang isa sa mga ispada nitong nakasabit sa dingding. At pagkatapos ay hinila si Mina at pilit na pinahahawak sa kaniyang mga kamay ang ispada.

"Heto,hawakan mo." Wika nito.

Nagsimulang humikbi si Mina. Sapagkat may kabigatan ang sandata ay hindi niya ito maitaas ng maayos.

"Itaas mo!" Wika ng kaniyang ama sa malakas na tinig.

Dahil dito ay napuno siya ng takot at nagsimula ng umiyak.

"Bitiwan mo ang ating anak sapagkat tinatakot mo na siya dahil sa iyong ginagawa." Pagpigil ng kaniyang ina sa kaniyang ama sabay hila sa kaniya.

Nabitiwan ni Mina ang hawak na ispada at nagtago siya sa likuran ng kaniyang ina.

Daffodil KingdomOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz