KABANATA 17: ANG MAG-ASAWANG HALIMAW AT SI MONDEVITA

56 9 0
                                    


Malalim na ang gabi at nakabibingi na ang katahimikan. Sa silid nila Marylane ay mahimbing na ang kanilang pagkakatulog hanggang sa isang yapak mula sa hindi kalayuan ang bumasag ng katahimikan.

Ang mga yapak ay papalapit ng papalapit at palakas ng palakas. Bumukas ang pinto at isang ginang ang dahandahang pumasok sa loob ng silid nila Marylane,tahimik itong nagmasid at naglakad upang hindi magising ang sinuman sa loob ng silid.

Mayamaya pa ay lumapit siya sa isang nakahiga  ito ay si Marylane. Maingat niyang inilabas ang kaniyang patalim at walang pag-aalinlangan nitong sasaksakin ang dalaga.

Habang natutulog si Marylane ay hindi sinasadyang napahawak siya sa kaniyang kuwintas.

Bigla itong napabalikwas mula sa kinahihigaan,
"Aray ang init!"

Bumangon siya at tiningnan ang kaniyang kuwintas.
"Ang init ng aking kuwintas." Wika niya at siniyasat ang suot. Nang akma na niya itong huhubarin ay napatingin siya sa kaniyang harapan.

"Ginang,bakit gising pa po kayo?"
Tanong niya dito at napansing nakataas ang mga kamay nito. Nang tingnang mabuti ang mga kamay nito ay nakita niyang mayroon itong hawak na patalim at nakatutok sa kaniya.

"A-ano pong i-big sabihin nito?"
Nanginginig ang kaniyang tinig.

"Mamatay ka!"
Sigaw nito at pagkatapos ay tinangka siyang saksakin.

Napigilan niya ito, Sinalo niya ang mga kamay nito na may hawak na patalim.
"Kailangan mong mamatay!" Paulit-ulit na wika nito habang sinusubukang ibaon sa kaniyang dibdib ang patalim.

Hawak parin niya ang mga kamay nito. Habang ang dulo ng patalim ay papalapit na ng papalapit sa kaniyang dibdib.

"Bakit mo po ako nais patayin?" Tanong niya.

Biglang may humila sa ginang at itinulak ito sa sahig.

Tumayo si Marylane at tumakbo sa engkantada,
"Salamat po Lady Elia."

Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdib.

Namula ang mga mata ng ginang na sing-pula ng dugo at unti-unting humaba ang mga kuko nito pagkatapos ay sumigaw,
"Kades, Paul Jay."

Gulat na gulat ang apat habang nakikita ang mga pagbabago sa itsura ng ginang.

Bumukas ang pinto at pumasok sa loob ng silid ang mga tinawag. Tumayo ang ginang mula sa pagkakaupo sa sahig.

Isang nanginginig na tinig mula kay Paul Jay ang narinig nila,
"Kailangan niyong mamatay! Papatayin ko kayo upang hindi na kami muli pang maging mga halimaw!"

Tuluyan nang nagbagong-anyo ang tatlo. Humaba ang kanilang mga kuko at pangil pagkatapos ay tumubo ang makakapal at itim na balahibo sa buo nilang katawan. Sila ay naging mga halimaw at agad na sinugod ni Paul Jay si Marylane.

Dahil sa sobrang takot ay napaurong ang dalaga. Itinaas ni Lady Elia ang kaniyang baston at lumitaw ang isang tila salamin na bumalot sa kanilang kinalalagyan.

Nang umatake si Paul Jay ay dito siya tumama. Galit na galit niyang pinagsusuntok ang bagay na nakaharang. Nahahawakan niya ito ngunit hindi niya nakikita.

"Kailangan mong mamatay upang maging tao na kami habang-buhay!"

Nang napaurong si Marylane dahil sa takot ay tuluyan siyang natumba at napaupo. Isang pangitain ang kaniyang nakita.

Nakita niya ang isang magandang babae. Mayroon itong mahahabang kuko at nakalugay na mahabang buhok. Nakasuot ito ng korona at nakaupo sa isang trono.

"Magaling ang inyong ginawa. At ngayon ay magdiriwang tayo dahil nasa aking mga kamay na ang kaharian ng Daffodil!"

Daffodil KingdomOù les histoires vivent. Découvrez maintenant