KABANATA 9: ANG KUWINTAS

69 10 0
                                    

Matapos na mawala ang kumpol ng mga tao ay muling kinausap ng hari ang grupo nila Marylane.

"Sa ngalan ng aking ninunong si haring Jero, buong-puso akong nagpapasalamat sa inyong ginawang tulong sa akin. Hindi ko malalaman ang lahat ng nangyayari sa labas ng palasyo kung walang naglakas-loob na humarap dito sa akin upang hingin ang aking panig."

Magalang naman itong tinugon ni Marylane.
"Walang anuman po iyon mahal na hari. Kung mayroon man pong nararapat ninyong pasalamatan iyon ay ang pamilya ni Zena na patuloy na nagtiwala sa inyo sa kabila ng pagsira ni Chunbo sa inyong pangalan."

Tumingin ang hari Kang Zena, hinawakan ito sa ulo at magiliw na nagsalita.
"Tama. Bata,nais kong makita at makilala ang iyong mga magulang."

Tumingin sa kaniya si Zena,
"Opo mahal na hari."

Pumihit ang hari Kay Lady Elia at kinausap ito.
"Hayaan ninyong ako na naman ang gumanti ng tulong sa inyo. Sabihin ninyo, ano ang aking maipaglilingkod?"

Tumugon si Lady Elia.
Isinalaysay niya sa hari ang tungkol sa kanilang tunay na pakay kung bakit sila naroon sa lugar na iyon.

"Isang batang prinsipe?" Sambit ng hari.

"Opo.Ngunit ngayon ay isa na lamang siyang karaniwang binata ayon sa propesiya." Sagot ni Lady Elia.

Matagal na nag-isip ang hari.

"Isang kaharian ng Daffodil..." Bulong nito sa kaniyang sarili.

Iniangat nito ang ulo na tila mayroong binabalik-tanaw na kaganapan sa kaniyang nakaraan. "Ang kwentong iyan ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga matatanda.Gayunpaman,para sa akin ang kwentong iyan ay sadyang hindi pangkaraniwan. Hali kayo sumunod kayo sa akin."

Dinala sila ng hari sa isang silid at binuksan ng kawal ang pinto nito.

Muli siyang nagsalita habang kinukuha ang isang bagay sa loob ng isang salaming kahon.
"Matagal ko ng iniingatan ang kwintas na ito mula pa sa aking pagkabata. Ito ay nagmula pa sa aking Lolo at ayon din sa kaniya ay nagpasalin-salin na daw ito sa kamay ng mga nagdaang hari."

Nababakas na sa anyo ng kwintas ang pagkaluma dahil sa dami ng mga nakadikit na alikabok dito.

Habang tinititigan ito ni Marylane ay napagtanto niya na nahati ito. Kung kaya't hindi niya mapigilan ang sarili na magtanong sa hari.
"Ngunit bakit tila nahati po ito? Nasaan ang kalahati?"

"Tama ka binibini kalahati na nga lamang ito. Ngunit hindi ko alam kung nasaan ang kadugtong nito. Sapagkat ni isa sa mga nagdaang hari ay walang nakaaalam kung nasaan ang kalahati nito. Ito ay nananatiling palaisipan din sa akin hanggang ngayon. "

Nagsalita si Lady Elia.
"Hindi kaya.. maaaring ito ang kuwintas ng reyna ng Daffodil. Ito ang kuwintas na ibinigay niya sa batang prinsipe bago pa siya maging bato?
Maaaring nahati ito noong sinubukan nitong protektahan ang batang prinsipe laban sa kapangyarihan ni Mondevita."

Tumango si haring Zuris.
"Maaari. At marahil nga ay ito ang dahilan kung bakit patuloy naming iniingatan ang kuwintas na ito mula pa sa mga naunang hari. Sapagkat nakatakda kang dumating upang kunin ito binibini."
Saad niya habang nakatingin kay Marylane at pagkatapos ay kaniyang isinuot ang kuwintas dito.

Hinawakan ito ni Marylane at tumingin sa engkantada.

Muling nagsalita ang hari.

"Sana'y matagpuan ninyo ang inyong hinahanap sa tulong ng kuwintas na iyan. Magmula ngayon ay ipinagkakatiwala ko na sa inyong kamay ang isang kayamanan na matagal din naming iningatan."

Yumukod si Marylane at Lady Elia.

"Maraming salamat po.Maka-aasa ka kamahalan na iingatan namin ito." Wika ni Marylane.

Daffodil KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon