KABANATA 22: PAGKABILANGGO

44 9 0
                                    

Nagpatuloy ang binata sa paghakbang patungong unahan at iniabot ang supot sa nakatindig na ginoo. Nakangiti naman itong tinanggap ang supot at nagwika,
"Hindi kayo nagkamali sa pagbili ng diyamanteng ito ginoo,marahil ay napakayaman mo! Maaari ko bang malaman kung bakit mo naisipang bilhin ito?"

" Isang simpleng handog lamang para sa isang binibining aking iniibig." Tugon niya.

Iniabot naman ito ng ginoo sa tagapagbilang.

"Napakasuwerte ng binibining iyong iniibig ginoo." Nakangiting wika nito habang dahan-dahang itinataas ang salaming kahon na pinaglalagyan ng diyamante. Gamit ang isang kasangkapan sa mata na nakapagpapalaki ay sinuri ng tagabilang kung mga tunay bang ginto ang laman ng supot.

Matapos suriin ay bumulong ito sa nakatindig na ginoo na siyang nagmamay-ari ng diyamante.

"Manloloko! Hindi tunay na ginto ang mga ito." Sigaw nito.

Tumawa si Jordan at pagkatapos ay inihagis ang isang bagay sa sahig. Nang nahulog ito sa sahig ay naglikha ito ng makapal na usok. Nagkagulo ang mga tao dahil wala na silang ano pa mang makita pagkatapos ay sumigaw ang may-ari ng diyamante at agad na kumilos ang mga bantay.

Nang ganap ng naglaho ang maitim na usok ay naglaho na din ang binata. Mabilis itong nakalabas mula sa museyo at nakabalik sa karuwahe.

Nang makasakay na siya at akma na niyang patatakbuhin ang karuwahe ay biglang may pumigil sa kaniyang mga kamay kaya't tila hindi na siya makagalaw.

"Sobra na ang iyong kasamaan binata nararapat ka ng turuan ng leksyon." Wika ni Lady Elia habang ginagamit ang kaniyang kapangyarihan sa kamay ng binata kung kaya't hindi ito makagalaw.

"Ano ang ginawa mo sa akin?" Tanong nito habang pilit na iginagalaw ang naninigas na mga kamay.

Nagwika dito si Marylane.
"Napakasama mo! Wala kang awa maging ang isang ginang na pilit na nagsusumikap upang buhayin ang kaniyang mga anak sa mabuting pamamaraan ay nakuha mong nakawan. At ngayon ay isang malaking isda na naman ang nais mong bingwitin."

Tumingin dito si Jordan.
"Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ko kayo maintindihan. Mga mangkukulam tanggalin niyo ang mahikang ginagamit niyo sa akin ngayon din bago pa ako magalit ng husto."

"Hulihin sila!" Sigaw ng pinunong bantay ng museyo.

Agad silang dinakip ng mga ito.
Gulat na gulat naman sila Marylane at Lady Elia.

SA KULUNGAN.

"Ginoo, ano ba ang nagawa naming kasalanan? Bakit ninyo kami dinakip? Dapat pa nga ninyo kaming pasalamatan sapagkat kung hindi dahil sa amin ay hindi ninyo mahuhuli ang magnanakaw na ito." Wika ni Lady Elia.

"Tumahimik ka na lamang binibini sapagkat nahuli na kayo sa akto. Kasabwat kayo ng binatang iyan sa pagnanakaw ng mamahaling diyamante." Tugon ng bantay sa kulungan.

"Ngunit wala po iyang katotohanan gino-" Paliwanag ni Marylane ngunit hindi pa man siya natatapos magsalita ay nagsalita si Jordan.

"Kasalanan ninyo ito,kung hindi lamang kayo nakialam ay wala sana ako dito ngayon mga pakailamero."

Tumingin sa kaniya si Marylane.
"Wala kaming ginawang kasalanan kaya hindi kami nararapat dito. Kung mayroon man ditong may ginawang kasalanan ay ikaw iyon. Kaya ikaw lamang ang nararapat manatili dito."

Habang nagsasalita ay humakbang ang dalaga papalapit dito.

"Wala kang awa maging ang isang ina ay nagawa mong pagnakawan." Patuloy pa niya.

Sumagot sa kaniya si Jordan,
"Ano ba ang iyong pinagsasabi? Kanina pa ninyo ako pinararatangan. At sinong ina naman ang aking ninakawan at kailan?"

Ngumiti ng may pang-aasar si Marylane.
"Nagmamaang-maangan ka pa! Hindi ka lang isang magnanakaw kundi isa ka rin palang sinungaling!"

Dala ng galit sa narinig ay lumapit ito sa dalaga at hinila ang braso nito.

Nagpumiglas si Marylane ngunit sadyang malakas si Jordan.

Nagwika ito,
"Mga pakailamero kayo ayaw niyo talaga akong lubayan mula pa sa tiatro hanggang dito ay sumusunod kayo sa akin. Ngayon naman ay pinagbibintangan ninyo ako."

"Hayaan mong ipaalala ko sa iyo ang lahat,marahil ay nakalimutan mo na. Nilinlang mo kami ni Lady Elia at itinulak sa loob ng balon at pagkatapos ay tinangay mo ang aming karuwahe maging mga pagkain. Ngayon naman ay sinasabi mong ayaw ka naming lubayan na tila hindi mo alam ang dahilan. Maaari mo ba akong bitiwan?"

"Makinig ka babae, maaari ngang magnanakaw ako at sinungaling ngunit hindi ko kayang lapastanganin ang isang ina." Pagkawika ay binitiwan ang dalaga.

Hinawakan ni Marylane ang kaniyang braso. Nang tumalikod na si Jordan ay muli siyang nagsalita,
"Isang bagay pa binata hindi ka namin sinusundan,sadya lamang na nagtatagpo ang ating mga landas."
Pagkawika nito ay humakbang papalayo si Marylane.

Nang sumapit na ang hating-gabi at tahimik na ang lahat ay nakatulog ang mga bantay. Dahandahang tumayo si Jordan at nagmasid sa paligid kung ganap na nga bang natutulog ang lahat.

Nang masigurong tulog na nga ang lahat lalo na ang mga bantay ay lumapit siya sa rehas na bakal at naglabas ng isang mahaba at matulis na metal at ito ang ginamit niya upang mabuksan ang kandado ng rehas sa kulungan.

Hindi nagtagal at nagising si Lady Elia.
"Marylane,gumising ka."

Nagising si Marylane at tumingin sa paligid.

Muling nagsalita ang engkantada, "Nakatakas siya, tunay nga siyang tuso."

Tumayo siya at nakitang bukas na ang pinto ng kulungan, "Tama ka Lady Elia, bukas ang pinto at pagkakataon na natin ito upang tumakas bago pa magising ang mga bantay."

"Saan tayo pupunta? Tatakas ba tayo?" Wika ni Joyous ng may malakas na tinig.

"Pssst.. Hinaan mo lang ang iyong tinig Joyous." senyas ni Marylane.

"Patawad..."

"Hay naku,utak-paruparo ka talaga."
Wika ni Luminous at binatukan ang kaibigang paruparo.

Nang makalabas na sila mula sa gusaling pinagdalhan sa kanila ng mga bantay ay ginamit ni Lady Elia ang kaniyang baston upang makabalik sila sa kanilang karwahe.

"Salamat naman at narito na muli tayo sa ating karuwahe." Masayang wika ng dalaga.

"May hindi magandang nangyari sa ating karuwahe." Sigaw ni Luminous.

"Ang binatang iyon ay dinala ang ating kabayo,paano pa tatakbo ang ating karuwahe kung wala ang kabayo? Kainis talaga siya!"

"Walang problema Marylane ako na ang bahala."

At muling iwinasiwas ng engkantada ang kaniyang baston at muling lumitaw ang isang panibagong kabayo.

Muling nakaramdam ng panghihina ang engkantada dahil sa pangalawang beses niyang paggamit ng kaniyang kapangyarihan.Ikinabit nila ang kabayo sa kanilang karwahe at agad na umalis.

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now