KABANATA 46: ALOK NI PRINSIPE REX

32 7 0
                                    

SA HAPUNAN.

Nakaupo sa mahabang lamesa ang lahat. Mayamaya ay lumapit na si prinsipe Rex sa harap ng lamesa at umupo siya sa kalagitnaang upuan.

Tumingin siya kay Marylane at pagkatapos ay ngumiti.
"Tunay na napakaganda mo binibining Marylane." Wika nito.

"Salamat po kamahalan. Ngunit kung maaari po sana ay nais kong makuha ang aking dating kasuotan."

"Para saan pa gayong hindi mo na rin naman susuutin pa ang kasuotang iyon."

"Paumanhin po kamahalan subalit maskomportable po ako na suot iyon sapagkat iyon ay nagpapa-alala sa aking pinagmulang bayan at sa aking pamilya."

"Magkakaroon ka pa ng higit pa doon dito sa aking palasyo binibining Marylane."

Nagtaka sila sa sinabi nito.

"Ha?" Pagtataka ni Marylane.

Tumayo ito at lumapit kay Marylane at pagkatapos ay hinagkan ang kamay nito. "Nais kitang maka-isang dibdib at maging aking prinsesa."

Tumaas ang isang kilay ni Marylane dahil sa sinabi nito.
"Seryoso ka?" Gulat na tanong niya.

Tumango ito.

Muli siyang nagtanong.
"Nagtatanong ka po ba o nag-uutos?"

"Hindi nakikiusap ang kagaya kong prinsipe, kaya ako ay nag-uutos." Tugon nito at tumayo upang magbalik sa kaniyang upuan.

Natahimik ang lahat sa sinabi nito.

"Ang akala ko noon ay si Jordan na ang pinakamayabang na taong makikilala ko subalit mayroon pa palang masmayabang pa sa kaniya." Bulong ni Marylane sa sarili.

"May sinasabi ka binibining Marylane?" Tanong nito sa kaniya.

"Ah wala po kamahalan."

"Mabuti kung ganoon. Ipa-aasikaso ko na sa madaling panahon ang ating pag-iisang dibdib."

"Hindi na po kailangan kamahalan."

"Ha? Bakit naman?"

"Sapagkat hindi po ako makikipag-isang dibdib sa iyo."

Nagulat ito sa kaniyang tugon.
"Ngu-nit, ba-bakit? Magiging isa kang prinsesa,titira sa isang palasyo at magiging iyo ang lahat ng iyong naisin. Wala ka ng kakailanganin pa sapagkat ang lahat ng ito ay mapapasaiyo."

Nag-isip si Marylane. Nakatingin lamang sa kaniya si Jordan.

Muling siyang tinanong nito.
"Nagbago na ba ang iyong isip?"

Ngumiti si Marylane.
"Hindi na po magbabago ang aking isip. Hindi ko kailangan ang lahat ng bagay upang maging masaya. Masaya na po ako kung ano ang mayroon ako ngayon at kung sino ako ngayon. Ang palasyo ay hindi para sa akin.  Masaya na akong kasama ang aking mga kaibigan." Tugon niya dito habang nakatingin siya sa kaniyang mga kasama.

Lumunok si prinsipe Rex.
"Ipagpatawad mo subalit hindi ako tumatanggap ng pagtanggi." Wika nito at itinaas ang kanang kamay.

Lumapit ang kaniyang mga kawal. Tumayo sila Marylane mula sa pagkakaupo.

Nagsalita si Jordan habang binubunot ang kaniyang ispada.
"Narinig mo na ang tugon ni Marylane, hindi ba?Huwag mong sabihing sapilitan mong kukunin ang iyong nais."

"Hindi ako tumatanggap ng pagkatalo." Tugon nito habang umiinom ng alak.

"Kung ganoon ay ako ang iyong harapin." Paghamon niya dito.

Hinubad nito ang panyo na na sa kaniyang leeg at pagkatapos ay tumayo.
"Hinahamon ako ng isang gusgusing prinsipe." Tumatawang wika nito.

"Tama ka. At ang gusgusing ito na tinutukoy mo ang siyang magpapaluhod sa iyo."

Daffodil KingdomUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum