KABANATA 16:KATOTOHANAN

54 10 0
                                    

"Ama." Sigaw niya habang ikinukumpas sa hangin ang kabilang kamay. Tumingin naman sa kaniya ang tinatawag ngunit kumunot ang noo nito nang makita ang mga kasama ng kaniyang anak.

"Sumunod kayo sa akin." Utos niya sa grupo nina Marylane at lumapit sila sa kinaroroonan ng kaniyang ama.

Pabiro naman siyang kinausap ng kaniyang ama.
"Oh,sino ang mga kasama mo anak? Sino sa magagandang binibining ito ang iyong kasintahan?"

"Ama naman. Huwag po kayong magbiro ng ganiyan, sila ay aking mga panauhin. Nalinlang kasi sila ng mga magnanakaw kung kaya't nakuha ang kanilang mga pagkain at karuwahe. Kaya't kung maaari po sana ay patuluyin natin sila sa ating tahanan  kahit ngayong gabi lamang upang sila ay makapaghapunan at makatulog ng maayos."

"Ganoon ba? Hahaha nagbibiro lamang ako. Ako nga pala si Kades,tunay na maginoo itong aking anak."
Pagpapakilala niya sa kaniyang sarili sa kanina Marylane at pagkatapos nito ay inakbayan niya si Paul Jay.

"Tila masyadong masayahin ang ama ng binatang ito ah." Puna ni Joyous.

"Kaya nga eh baka naman nagugutom lang siya."
Sang-ayon ni Luminous.

Nasulyapan nito ang dugo sa braso ng dalaga.
"Te..teka dugo ba iyan? Mayroon kang sugat binibini? Gawa din ba iyan ng mga nagnakaw ng inyong karuwahe at pagkain?" Pagtataka nito.

"Naku, hindi po. Huwag niyo po itong intindihin ginoong Kades maliit lamang po ito. Hehehe..." Wika ni Marylane habang ikinukumpas ang mga kamay.

"Kahit na maliit pa iyan ay nararapat nating magamot agad. Ano pa ang ating hinihintay?" Nagsimula na silang maglakad pauwi.

Nang makarating na sila sa bahay nina Paul Jay ay ipinaliwanag nila sa ina niya ang lahat ng nangyari at pumayag naman itong patuluyin sina Marylane.

Pinalitan ni Lady Elia ang benda ng sugat ni Marylane matapos itong malinis.

Kinausap sila ng ina ng binata.
"Ayos ka na ba binibini?"

Sumagot naman si Marylane.
"Opo. Ayos na po ako, maraming salamat po sa inyong pagpapatuloy sa amin dito."

Umupo ito sa tabi nila.
"Naku, walang anuman. Sinabi sa akin ni Paul Jay ang inyong pinagdaanan kung kaya't lubusan akong nalungkot ng marinig ito. Ngunit paano kayong napadpad dito sa aming nayon?"

Sumagot si Lady Elia.
"Ang totoo po niyan ay mayroon lamang po kaming hinahanap na isang tao para sa isang misyon."

Tumingin sa kaniya si Marylane at napaisip.
"Balak na nga kayang sabihin ni Lady Elia ang buong katotohanan?"

Sumulyap siya Kay Paul Jay,
"Ngunit ang taong ito,hindi pa kami lubos na nakatitiyak kung siya nga ba talaga ang aming hinahanap."

"Mayroon kayong taong hinahanap? Ayos lang ba kung itanong ko kung sino iyon?" Patuloy na tanong ng ginang.

Hindi nakasagot si Lady Elia.

Pumasok sa usapan si ginoong Kades.

"Mahal, ang mabuti pa ay itigil mo na ang kakausisa sa ating mga panauhin. Dinala sila rito ng ating anak upang ating asikasuhin at hindi upang usisain."

"Ngunit..." Magsasalita pa sana ito ngunit inakbayan na siya ng kaniyang asawa at dinala sa kusina.

"Sigurado akong nagugutom na kayo. Hali kana aking asawa at ipaghanda na natin sila ng makakain." Magiliw na wika ni Ginoong Kades.

Nakahinga ng malalim ang dalawa.

Nang naroon na sila sa harap ng hapag-kainan ay muling nagsalita ang ina ni Paul Jay.
"Mga binibini, matapos ninyong kumain ay maaari na kayong magpahinga. Ituturo ko sa inyo ang inyong matutulugan.

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now