KABANATA 33: PAG-AALIPIN SA MGA KALALAKIHAN

48 9 0
                                    

Tumingin sila sa binatilyong nagpatuloy sa kanila.

"Maraming salamat bata sa iyong pagliligtas sa amin. "Wika ni Marylane habang nakahawak sa ulo ng bata.

Tumingin sa kanila ito.
Lumapit ang ina nito sa kanila at nakipag-usap.

"Ako si Rema at ito ang aking anak na si Leo." Wika ng ginang.

"Maraming salamat sa inyong pagligtas sa amin ginang Rema. Ako nga pala si Lady Elia,ito naman si Marylane at Jordan. Habang ang ibon na iyan ay si Luminous at ang paruparong ito ay si Joyous." Pagpapakilala ng engkantada.

"Hinahabol nila kayo dahil sa binatang kasama ninyo." Paliwanag ng ginang.

"Ngunit ano ang kailangan nila sa aming kasama?" Tanong ni Lady Elia.

"Gagawin nilang alipin o hindi kaya ay paparusahan. Ang masmalala pa ay kikitlin ang kaniyang buhay."

Nasindak sila sa winika nito.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Ang lahat ng kalalakihan sa nayong ito ay dinadakip sapagkat namumuhi ang pinuno ng aming nayon sa mga lalaki at naniniwala siyang nagdadala lamang sila ng sumpa dito sa aming lupain."

"Naku po hindi ito maaari. Iligtas niyo ako!" Wika ni Luminous habang iniisip na dinadakip siya at pinaiikot sa ibabaw ng mga uling.

"Hay naku Luminous,interesado lamang sila sa mga taong lalaki hindi sa isang ibong lalaki." Wika ni Joyous.

"Ah ganun ba? Mabuti naman." Wika ng ibon na nakahinga ng maluwag.

Natulala ang mag-ina ng makitang nagsasalita ang dalawa.

"Nagsasalita pala ang ibong iyan?"
Tanong ng binatilyo.

"Huwag niyo po siyang intindihin,isa lamang po siyang karaniwang ibon na nakapagsasalita." Wika ni Marylane.

"Ngunit maging ang paruparo ay nakapagsasalita din." Wika din ng ina nito.

Hindi na nakasagot si Marylane.

"Ginang,sinabi mong namumuhi ang inyong pinuno sa mga lalaki,isa ba siyang babae?" Tanong ni Jordan.

"Oo,isa siyang babae." Tugon nito.

"Kung ganun marahil ay nabigo lamang siya sa pag-ibig kung kaya siya ay naghihiganti sa mga lalaki."

Napatingin sa kaniya ang apat.

Tiningnan din niya sila.
"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?"

Umiling-iling ang mga ito.

"Upang malaman ninyo ay hindi ko pa napagdadaanan ang bagay na iyon. Kunklusyon ko lang naman ito."

"Ah.." sabay na wika ng mga ito.

"Hayaan ninyong isalaysay ko sa inyo. Ang aming pinuno ay nagngangalang Mina. Nagsimula ang kaniyang pagkapoot sa mga lalaki ng siya ay bata pa. Ayon sa mga nagpasalin-saling kuwento,ang ama ni Mina ay bihasa sa paggamit ng ispada ngunit may mabigat na kamay sa kanyang ina. Pinagmamalupitan at pinagbubuhatan nito ng kamay ang kanyang ina na naging dahilan ng pagkakasakit nito at pagpanaw.Mula noon ay nagsanay sa paggamit ng armas si Mina hanggang isang araw ay isang mangkukulam ang nagpakita sa kaniya at nagbigay ng isang pares ng puting guwantes. Ang guwantes na ito ay gagawing mahusay gumamit ng anumang uri ng armas ang sinumang magsusuot nito. Isinuot nga ito ni Mia at kaniyang kinalaban ang kaniyang ama at pinaslang. Gayunpaman ay hindi doon nagtatapos ang pagnanais ni Mia na pumaslang sapagkat lahat ng mga lalaki sa nayong ito ay kaniyang hinamon at ang lahat ng natatalo ay kaniyang walang awang pinapaslang. Maging ang aking kabiyak ay dinakip din niya at magpahanggang ngayon ay wala na kaming balita kung buhay pa ba siya o patay na.." wika nito at nagbuntong-hininga.

"Ikinalulungkot po namin ang aming narinig. Tunay nga marahil na nilamon na ng paghihiganti si Mina." Wika ni Marylane.

"Ginang Rema,ang mangkukulam na inyong tinutukoy ay nagngangalan bang Mondevita?" Tanong ng engkantada.

Umiling-iling ang ginang.
"Paumanhin ngunit walang nakaaalam ng kaniyang pangalan maliban kay Mina."

"Kung ganoon ay nararapat nga natin siyang harapin sapagkat maaaring si Mondevita nga ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ginamit niya ang galit at poot na nasa puso ni Mina upang gamitin siya sa kadiliman." Wika ni Marylane.

"Ako ang haharap sa kaniya at kukunin ko ang guwantes na iyon upang mawalan na siya ng kakayahang makipaglaban. Tuturuan ko siya ng leksyon." Wika ni Jordan.

"Ngunit paano kung hindi din ito ginusto ni Mina. Marahil kahit papaano ay may natitira paring kabutihan sa kaniyang puso,ninanais parin niyang magbago ngunit hindi na niya lamang ito magawa dahil sa guwantes na nasa kaniya. Hindi ba may posibilidad din namang minamanipula lamang siya ng guwantes? Sapagkat kung nakapaghiganti na naman siya sa kaniyang ama,bakit kailangan pa niyang idamay ang iba pang kalalakihan sa nayong ito. Ano pa ba ang kaniyang ibang motibo?" Pagtataka ni Marylane.

"Sapagkat marahil ay nahihibang na siya at kahit ipagpalagay pa nating minamanipula lamang siya ng kaniyang suot na guwantes ay huli na ang lahat. Sapagkat marami na siyang napaslang na mga inosenteng tao kung kaya't ang nararapat na lamang sa kaniya ay pagbayaran ito." Giit ni Jordan.

Napaisip si Lady Elia.
"Nananakit ba siya ng mga babae?"

"Hindi." Tugon ni ginang Rema.

"Kung ganoon ay mayroon parin tayong pag-asa na mababago pa natin ang kaniyang isipan. Susubukan natin siyang kausapin bilang isang babae. Baka sakaling makinig siya sa atin at magbago ang kaniyang pag-iisip at pakawalan na niya ang kaniyang mga bihag na lalaki o ihinto na niya ang pagpaslang sa kanila."

"Kalokohan. At kung hindi siya makinig sa inyo?" Tanong ng binata sa engkantada.

"Kung mangyari man iyon ay wala na tayong pagpipilian pa kundi kalabanin siya. At dahil walang magaling makipaglaban sa ating lahat maliban sa iyo mahal na prinsipe, syempre ay kasama ka."

"Ngunit ang pakikipag-usap kasama ang isang lalaki ay maaaring magdulot lamang ng agad na kaguluhan. Maaaring marami pa ang madamay at masaktan." Wika ni Marylane.

"Hindi marahil kung magiging babae ang mahal na prinsipe." Wika ni Lady Elia at kumindat.

SA KINAROROONAN NI MINA.

"Pinuno,paumanhin ngunit narito po ang mga taga-ulat at maydala silang mahalagang ulat." Wika ng isang babae kay Mina habang nakikipag-insayo ito sa kaniyang mga kasama.

Huminto ito at nagwika,
"Siguradohin ninyong mahalaga nga ang inyong iuulat sapagkat ginambala ninyo ang aking pag-iinsayo."

Lumapit sa kaniya ang mga bantay.
"Mayroon po kaming nakaharap na isang grupo kanina,sila ay mga dayo lamang dito sa ating lugar at mayroon silang kasamang isang binata."

"Kung ganun ay bakit hindi ninyo dinakip at iniharap sa akin?"

"Mahusay sa pakikipaglaban ang binatang aming nakaharap kanina kung kaya't nakatakas sila ng kaniyang mga kasama."

Ngumiti siya.
"Mahusay? Interesado ako sa binatang inyong tinutukoy. Nais kong idagdag ang kaniyang ulo sa aking mga koleksyon." Wika nito habang itinataas ang ispada at pinagmamasdan ang talim nito.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Hanapin ninyo siya at iharap ninyo sa akin,matagal-tagal na din akong hindi na nakapag-iinsayo ng tunay."

"Opo." Tugon ng mga ito.

Daffodil KingdomUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum