KABANATA 29: PAGLALAKBAY NG MAGKASAMA

45 9 0
                                    

Sa panahong ito ay naroon parin sa hindi-kalayuan sa kanilang kinaroroonan si Jordan. Nakahiga ito sa ilalim ng isang puno habang mayroong apoy sa kaniyang harapan.

Nagbalik sa kaniyang alaala ang pagsampal sa kaniya ng dalaga at ang mga katagang binitiwan nito habang pumapatak ang mga luha.

Bigla itong napabangon mula sa pagkakahiga.

"Nararamdaman ko na naman ang masamang pwersa na iyon." Napansin niya ang kaniyang kuwintas na nagliliwanag.

Isang uod mula sa sanga ng puno ang nahulog sa kaniyang braso,napatitig siya dito at pagkatapos ay pinitik ito papalayo. Bumagsak ito sa mga damo habang naaaninag ang anino nito sa lupa.

Nanlaki ang mga mata ni Jordan nang makitang lumalaki ito. Hindi nagtagal ay naging kasinglaki na niya ang uod. Inatake siya nito at sa tuwing madadampi ang mga kamay nito saan mang bahagi ng kaniyang balat ay sumisipsip ito at nasusugatan ang bahaging kaniyang kinakapitan.

Malakas ito,napasigaw siya sa sakit at nagmamadali niyang hinila ang kaniyang ispada,pagkatapos ay isinaksak ito sa halimaw.

Umiyak ang higanteng uod na tila isang tigre na nagmamakaawa ang tinig ngunit hindi pa rin ito bumitiw mula sa pagkakadikit sa kaniyang braso at likod.

Muli nya itong sinaksak at sa pagkakataong ito ay nabitiwan na siya nito.

Ilang segundong hindi nakagalaw si Jordan dahil sa pagkagulat at pagkatapos ay agad na tumayo at napatakbo.

Pilit na nagpupumiglas si Marylane habang hawak ng halimaw na isda ang kaniyang isang paa. Ibinuka nito ng malaki ang kaniyang bibig at humarap sa dalaga.

Tumulo ang likidong mula sa bibig ng higanteng isda. Dahil sa pagkagulat ay isinisipa niya ang kaniyang isang paa dito ngunit napakalagkit ng katawan nito kaya't dumidikit lamang ng bahagya ang kaniyang paa tuwing tumatama sa katawan nito.

Iwinasiwas ni Lady Elia ang kaniyang baston at itinutok sa higanteng isda,nagkaroon ng napakalaking lambat mula sa itaas at bumalot dito.

Sinubukan ng halimaw na tanggalin ang lambat na tumabon sa kaniya kung kaya't nabitiwan nito ang paa ng dalaga. Itinayo siya ni Lady Elia at agad silang tumakbo papalayo.

Pinunit ng halimaw ang lambat ng walang kahirap-hirap.

"Pumasok na kayo sa karawahe,madali!" Hiyaw ni Marylane kay Luminous at Joyous.

Pumasok ang tatlo at naiwan siya sa labas upang patakbuhin ang karawahe. Hindi pa nga naisisirado ng engkantada ang pinto nito ay nakita na nila na naglalakad papalapit patungo sa kanila ang halimaw na isda,gamit ang mga palikpik nito na naging kamay.

Hinarangan ni Marylane ang pinto ng karuwahe.

"Lady Elia,bigyan mo po ako ng kahit na anong maaari kong maging sandata." Wika nito habang nakatingin sa halimaw.

"Ano bang sinasabi mo Marylane? Umalis ka diyan bago ka pa mapahamak."

"Sige na po, Lady Elia."

Muling ikinumpas ng engkantada ang kaniyang baston at lumitaw ang isang ispada at nahulog sa lupa.

Dinampot ito ni Marylane.

"Ispada? Paano ko naman ito gagamitin? Bahala na!" Wika niya habang papalapit sa kaniya ang halimaw.

"Tatapusin kita.." sigaw niya habang akmang lulusob na siya sa halimaw. Nang bigla niyang maramdamang mayroong humawak at pumigil sa kaniyang mga kamay.

Idinilat niya ang kaniyang mga mata at nakitang si Jordan ang dumating at inagaw ang kaniyang hawak na ispada.

"Ako na ang bahala sa kaniya." wika ng binata.

Napaluhod si Marylane habang nanginginig.

Inatake ni Jordan ang halimaw ngunit hindi ito tinatablan ng ispada dahil sa kaliskis nito. Sa ikalawang pagkakataon ay muli niya itong inatake ngunit nasalo naman nito ang kaniyang ispada at hinila ito.

Hindi binitiwan ni Jordan ang ispada Kung kaya't sa pag-angat ng halimaw sa ispada ay nakakapit parin siya dito at pagkatapos ay inihagis ito ng halimaw habang naroon parin siya at nakakapit.

Tumilapon ang binata at pagkatapos ay muling tumayo. Nagdugo ang kaniyang bibig ngunit hindi siya sumuko at muling umatake sa halimaw.

Hinabol siya nito at nagpadulas siya patungo sa pagitan ng dalawang kamay nito. Yumuko ang halimaw ng bahagya upang sundan siya ng tingin.

Nang makahanap ng pagkakataon ay lumusot siya sa gilid nito at agad tumakbo patungo sa harapan ng halimaw.

Muling itinaas ng halimaw ang kaniyang ulo at sinalubong ito ni Jordan at sinaksak ang kabilang mata.

Nasaktan ng husto ang higanteng isda,humakbang paurong si Jordan at unti-unting natunaw ang halimaw at bumalik sa pagiging tubig.

Lumapit ang binata sa kinalalagyan nila Marylane.

"Salamat.. ngayon pa lamang ako nakakita ng ganiyang uri ng halimaw maliban sa pamilya nila Paul Jay na aming nakatagpo noon." Wika ni Marylane.

Lumabas ng karawahe sila Lady Elia.

"Napakahusay palang makipaglaban ng binatang ito." Bulong ni Joyous kay Luminous.

"Noon? Kung ganun ay nakatagpo na kayo noon ng halimaw habang kayo ay naglalakbay?" Tanong ng binata.

"Oo.sila ay nasa ilalim din ng sumpa ni Mondevita." Tugon ni Marylane.

" Kanina lamang ay pinagtangkaan akong patayin ng isang higanteng uod at pagkatapos ay natagpuan ko naman kayong inaatake din ng isang higanteng isdang. Sabihin niyo ito ba ay kagagawan din ng mangkukulam na inyong tinutukoy?"

Nagkatinginan ang dalawang si Lady Elia at Marylane.

"Bago iyon maganap,mayroon ka din bang naramdamang kakaiba?" Tanong ng dalaga.

"Oo.isang kakaibang puwersa at pagkatapos ay nagliwanag ang aking suot na kuwintas."

Nagsalita ang engkantada.
"Kung ganoon ay magkapareho ang nangyayari sa inyo ni Marylane kapag may paparating na panganib. Ang tinutukoy ninyong puwersa na inyong naramdamang dalawa kanina ay ang kapangyarihan ni Mondevita. At kung hindi ako nagkakamali ay maging ang mga halimaw na nakalaban natin kanina ay nagmula din sa kaniya. Ito ay upang subukang paslangin kayo, nang sa ganun ay hindi na matupad ang nakasulat sa propesiya. Ang mga naganap kanina ay patunay lamang na kahit pa magkalayo kayo sa isa't-isa ay hindi parin kayo titigilan ni Mondevita."

"Kaya't wala na tayong iba pang pagpipilian pa Marylane kundi ituloy na lamang ang misyon." Sabat ni Luminous.

Sabay na tumingin sa kaniya si Marylane at Jordan.

"Ahmm.. ito ay opinyon ko lamang.." dugtong niya.

Nag-isip ng malalim ang dalawa.

Mayamaya ay umakyat si Jordan sa bubungan ng karawahe at humiga. Sinundan siya ng tingin ng apat.

"Umalis na tayo." Wika nito habang dine-di-kuwatro ang mga paa sa pagkakahiga at ginagawang unan naman ang kaniyang kabilang braso.

Ngumiti si Lady Elia kay Marylane at tumango. Ngumiti din naman si Marylane at sinimulan ng patakbuhin ang karawahe.

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now