KABANATA 38: PAGKALIGAW SA KAGUBATAN

44 8 0
                                    

Dahil sa ginawa ng grupo ni Marylane na pagliligtas sa buhay ng mga taga-Flora at pagpapalaya sa mga kalalakihan ay pinagpasyahan ng mga tagarito na ipagkaloob sa kanila Marylane ang isang pares ng puting guwantes. Ito ay sapagkat naniniwala silang mayroong kakayahan ang dalagang si Marylane na panatilihin ang kaputian nito at makontrol ang kapangyarihang mayroon ang guwantes na ito.

Lubusan ang pagpapasalamat sa kanila ng pamilya ng batang si Leo sapagkat muling nabuo ang kanilang pamilya. Gayundin ang lahat ng mamamayan sa Flora.

Nagpatuloy sila sa paglalakbay at naabutan sila ng dapit-hapon sa paghahanap ng bahay-panuluyan ngunit wala silang natagpuan.

Wala pa silang nararating na bayan kung kaya't pansamantala na lamang silang huminto hindi kalayuan sa isang kagubatan upang magpalipas na lamang ng gabi dito. Gumawa sila ng apoy dito upang magbigay sa kanila ng init.

"Marahil ngayon ay napakasaya na ni Leo sapagkat kapiling na niya ang kaniyang ama na matagal ng nawalay sa kanila ng kaniyang ina." wika ni Marylane.

"Marahil nga Marylane,masaya ako para sa kanila."

Sa hindi kalayuan ay nakaupo si Jordan na tila malalim ang iniisip.

Nasulyapan ito ng dalaga.
"Lady Elia,pagmasdan mo po si Jordan,tila napakalungkot ng mundo niya. Naaawa ako sa kaniya,sapagkat marahil ay napakahirap at napakasakit ang lumaking walang mga magulang. Bagama't naiinis ako sa kaniyang ugali ay nauunawaan ko namang hindi naging madali ang kaniyang pinagdadaanan kaya marahil ay ganiyan siya makitungo sa ibang tao."

Hinawakan siya ng engkantada sa kamay.
" Natutuwa ako sapagkat tunay na napakabusilak ng iyong puso.
Pagtuloy mong taglayin ang ganiyang katangian Marylane at nakatitiyak akong balang araw ay matutulungan mong unti-unting magbago ang prinsipe ng Daffodil."

Makalipas ang ilang sandali ay nagpasya nang matulog si Lady Elia sa gilid ng apoy,gayundin sila Luminous at Joyous.

Nang naglalakad na si Marylane patungo sa kaniyang tutulugan ay mayroon siyang napansin.

"May kakaiba akong nararamdaman."
Tumingin siya sa paligid.

Tumayo si Jordan at tumingin din sa paligid.

"Kung ganoon ay nararamdaman mo din?" Tanong niya sa binata.

"Sa pakiwari ko ay nasa paligid lamang si Mondevita at minamanmanan tayo." Tugon ni Jordan.

Humakbang si Marylane papalapit sa kanila Lady Elia.
"Kailangang malaman ito ni Lady Elia,gigisingin ko siya."

Hindi na-ipagpatuloy ni Marylane ang planong paggising sa engkantada sapagkat biglang lumindol at namatay ang apoy.

Napaupo siya.
"Lady Elia, Luminous, Joyous nasaan kayo?" Tawag niya sa mga ito habang kumakapa sa paligid.

Ngunit walang sumasagot.
"Jordan,nariyan ka ba? Namatay ang apoy at hindi ko kayo makita."

Dahan-dahan siyang tumayo at humakbang habang naka-angat ang dalawang kamay.

Muli siyang tumawag hanggang isang kamay ang humila sa kaniya. Napasigaw siya sa sobrang gulat.

"Maaari bang tumahimik ka sapagkat sumasakit ang tainga ko sa iyo."

"Jordan." Wika niya at nilingon ang humila sa kaniya. Ngunit hindi niya makita ang mukha ni Jordan sapagkat madilim ang paligid.

Humawak siya sa bisig ng binata at naglakad sila.

Naglakad si Jordan na tila mayroong hinahanap.

"Ano ba ang iyong hinahanap?" Tanong niya.

Huminto ito at dinampot ang isang bagay na nagliliwanag. Ito ay ilang parte ng mga nabubulok na kahoy at ang mga ito ay nagliliwanag sa dilim.

Daffodil KingdomUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum