KABANATA 6:PLANO LABAN KAY CHUNBO

71 10 0
                                    

Tumingin si ginoong Caleb sa grupo ni Marylane.

"Kung hindi ninyo mamasamain nais ko sanang itanong sa inyo kung saan kayo nagmula?"

Nagkatinginan si Marylane at Lady Elia.

"Kami po ay nagmula sa lupain ng Jemeika. Narito po kami upang hanapin ang isang tao." Tugon ni Lady Elia.

"Isang tao?" Tanong ni ginang Aksa.

Tumango siya.
"Opo isang tao. At sa pakiramdam namin ay mayroong gagampanang papel ang inyong hari upang makita namin ang aming hinahanap."

Nagtanong si Marylane,
"Kung ganun Lady Elia, ayos lamang ba sayo kung tulungan natin sila sa kanilang problema? Lalo na't kailangan din naman nating makaharap ang kanilang hari."

Tumingin ang engkantada kay Marylane at sa mag-anak.
"Oo.tutulongan natin sila Marylane.Ngunit sa ngayon ay kinakailangan muna nating matukoy kung sino nga ba talaga ang mga taong nakaharap nila kanina."

Bahagyang nagalak si Aksa sa narinig na pasya ng engkantada.
"Kung iyan ang inyong pasya,ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na kami sa inyo."

Humawak si Marylane sa kamay ni ginang Aksa ngumiti siya dito at nagwika,
"Walang anuman po."

Tumindig si Caleb mula sa pagkakaupo at saka nagsalita habang nakahawak sa brasong may sugat.
"Wala kaming ibang maiaalok sa inyo kundi ang aming munting tahanan.Wala kaming nadala na anumang maipagbibili upang dalhin kayo sa ibang ligtas na lugar.Ipagpaumanhin ninyo."

Tumingin si Zena sa kanila Marylane at Lady Elia at pagkatapos ay sa kaniyang ama bago nagsalita.
"Ngunit ama, ayos lamang ba kung babalik tayo sa ating bahay? Papaano kung nandoon pa ang mga taong nanakit sa atin?"

"Zena,kahit saan tayo magpunta ay makatatagpo tayo ng tulad nila. Wala tayong ginawa sa kanilang masama, sa halip pa nga ay sila ang gumawa sa atin ng hindi mabuti.Lalaban tayo ng patas."

Inakbayan ni Marylane ang batang si Zena,
"Huwag kang matakot. Narito kami magtutulungan tayo upang protektahan ang isat-isa."

Tumingala naman ito sa kaniya.

Nang makauwi na sila ay wala na rito ang grupo na nakalaban nila.Inasikaso ng mabuti ng mag-anak ang grupo nila Marylane.Pinakain sila at pinatulog sa kanilang pinakamagandang silid.

Subalit hindi makatulog si Marylane. Umupo ito at dumungaw sa bintana.Mula rito ay tinanaw niya ang mga bituin at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin.

Samantalang naroon sa bintana nakatungtong ang dalawang sina Luminous at Joyous. Napansin nilang malalim ang iniisip ng dalaga.

"Joyous,sa palagay mo bakit kaya malungkot si Marylane?"

"Hindi ko rin alam eh, ang mabuti pa ay itanong mo sa kaniya kung bakit siya malungkot."

"Ikaw na lang ayaw kong abalahin ang kanyang iniisip."

"Hindi ba't ikaw ang nagtataka? Kung ganun ay ikaw ang magtanong."

"Ikaw na.."

"Ikaw na nga.."

"Ikaw.."
Nagpatuloy sila sa pagtutulakan kung sino nga ba ang dapat magtanong kay Marylane ngunit hindi nila napansin na naririnig sila nito.

Hindi nagtagal ay sumabat na din ito sa kanilang usapan.
"Ano nga ba kasi ang inyong itatanong at bakit maingay kayo diyan?"

Huminto ang dalawa sa pagsasalita at tumingin kay Marylane.

Unang nagtanong si Luminous.
"Ahmm.. Marylane napansin kasi namin na malungkot ka.Ano ba ang inyong iniisip?"

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now