KABANATA 3: PAG-AAKALA

103 10 0
                                    

Dinidiligan ni Marylane ang kaniyang mga tanim na bulaklak habang patuloy niyang binabalikan ang lahat ng mga naganap sa kagubatan.

"Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na tunay nga ang lahat ng ito." Nagbuntong-hininga siya.

"Hindi ka makapaniwala na nakapagsasalita na kami?"
Tanong ni Luminous.

"Oo. Ang propesiya, tunay nga kaya iyon?" Nagbalik-tanaw siya sa mga ikinuwento ng engkantada.

"Kami man ay hindi makapaniwala Marylane. Ngunit sa tingin ko ay sapat na kaming patunay upang maniwala kang tunay nga na nagpakita sa atin ang isang engkantada." Wika ng paruparo sa kaniya.

"Tama ka joyous." Pagsang-ayon niya dito.

"Sandali lamang Marylane, natatandaan mo pa ba ang sinabi ng engkantadang iyon?"

"Ha? Ang alin Luminous?"

"Iyong sinabi niyang nakatakdang magtagpo ang inyong landas ng prinsipe."

Pilit niyang inalala ang lahat ng naganap sa kagubatan.
"Oo, ngunit bakit?"

Nagpatuloy sa pagsasalita di Luminous.
"Naalala mo ba ang binatang nakabungguan mo paglabas natin ng kagubatan?"

"Sino? Si Ryoma?"

"Siya nga! Hindi kaya siya na ang mahal na prinsipe?"Sapantaha ni Luminous.

"Tunay ngang napakagaling mong mag-isip Luminous." Pagpuri ni Joyous.

Napaisip si Marylane.

"May punto kayo. Siya nga kaya ang prinsipeng tinutukoy ng propesiya na prinsipe ng Daffodil?"

"Paano nga kaya natin matitiyak kung siya na nga ba ang prinsipe?" wika ni Joyous.

Samantala,ang mga magulang naman ni Marylane ay pinag-uusapan ang kaniyang pagpapaalam upang maglakbay.

"Miro, nakatitiyak na ba tayo sa ating desisyon na pagpayag sa pag-alis ni Marylane? "

"Sa totoo lamang Seni ay maging ako ay nagdadalawang-isip pa rin. Lalo na at hindi man lamang natin nakita ni nakausap ang engkantadang kaniyang tinutukoy."

Biglang lumitaw ang engkantada sa kanilang harapan.

"Kamusta? Ako si Lady Elia ang engkantadang tinutukoy ni Marylane."

Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa at hindi nakapagsalita.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Lady Elia,
"Huwag kayong matakot. Narito lamang ako upang pormal na ipagpaalam ang inyong anak."

"To- totoo bang isa kang engkantada at nais mong isama ang aking anak sa isang paglalakbay?" Nanginginig ang boses na tanong ni Miro.

"Gayun na nga.Isa akong tunay na engkantada at ang inyong anak na si Marylane ang nakatakdang tumupad sa propesiya. Kaya't naparito ako ngayon upang pormal na hilingin sa inyo na sana ay payagan ninyong isama ko ang inyong anak."

Nagsalita si Seni.
"Kung ganoon ay nais lamang sana naming masiguro na hindi mo pababayaan ang aming Marylane at ligtas siyang makababalik dito sa aming piling."

Tumango naman ito sa kaniya at ngumiti,
"Ipinapangako ko."

Narinig ni Marylane ang kanilang pag-uusap at lumapit ito sa kanila.

"Lady Elia mabuti naman po at narito kayo. May isang bagay lamang po ako na nais itanong sa iyo. Paano po natin malalaman kung ang prinsipe na ng Daffodil ang ating kaharap?"

Sandaling natahimik ang engkantada at saka tumugon.
"Sa ngayon ay iisa pa lamang ang pinanghahawakan kong patunay upang mapatunayan kung siya na nga ang prinsipe ng Daffodil na ating hibahanap."

Daffodil KingdomOnde histórias criam vida. Descubra agora