KABANATA 10: BAGSIK NG GALIT NG MGA TAGA-GALGO

65 9 0
                                    

"Sige itali ninyo ang mga iyan at siguraduhin ninyong hindi sila makakatakas. Sinimulan nila, ako ang tatapos! Sila ang naghukay ng sarili nilang libingan hahaha." Pag-uutos ni Chunbo sa mga kasama.

Bagamat natatakot ay sinubukan parin ito ni Caleb pakiusapan,
"Chunbo, pakiusap pakawalan mo na kami wala kaming ginagawang masama sa iyo."

Ngunit hindi parin ito natinag sa kaniyang pasya.
"Anong wala? Mga pakailamero kayo. Sinira ninyo ang aking mga plano. Ngayong alam na ng hari at ng mga mamamayan ng Galgo ang aking mga ginawa ay mahihirapan na akong ipagpatuloy pa ang aking planong pabagsakin si haring Zuris."

Naglakad ito papalapit sa kinaroroonan nila Caleb.

"Nasa kamay ko na sana ang tagumpay, ang pagbagsak ng palasyo ni Zuris ngunit dahil sa pakikialam ng inyong mga bisita ay nasira ang aking mga plano."
Inilabas nito ang kaniyang ispada at itinutok sa leeg ni ginoong Caleb.

Lubos ang pangamba ni ginang Aksa sa kanilang kaligtasan. Kaya nangingilid ang mga luha nito sa mga mata na nakiusap sa bumihag sa kanila na si Chunbo.
"Huwag! Parang awa mo na Chunbo huwag mo kaming sasaktan."

Muli itong nagsalita habang patuloy na nakataas ang ispada.
"Kaya masmabuti pa kung hindi na lamang kayo mag-iingay upang hindi na lalo pang mag-init ang aking ulo."

Matapos itong sabihin ay ibinaba na nito ang hawak na ispada, humalakhak at pagkatapos ay tumalikod upang umalis.

Makalipas pa ang ilang oras ay nababakas na sa mukha ni Chunbo ang pagkayamot.Muli niyang inilabas ang kaniyang ispada at paulit-ulit na pinunasan ito at pinakintab.

Habang ginagawa ito ay muling nagbalik sa kaniyang alaala ang mga panahong masaya pa ang kanilang pagsasamahan ng kaniyang matalik na kaibigan na si Zuris. Ang kanilang mga biruan,tawanan, paglalaro at ang kaniyang kaarawan kung saan ibinigay ang ispadang ito sa kaniya ng ama ni Zuris,ang dating hari bilang isang handog sa kaniyang kaarawan.

Hanggang sa muling nagbalik sa kaniyang alaala ang kaniyang mga magulang. At dahil dito ay muling sumibol ang kaniyang galit at pagnanais na maipaghiganti ang mga ito.

"Chunbo,lumabas ka, narito na kami!"
Isang sigaw ang kaniyang narinig mula sa labas ng abandunadong bahay.

Muli itong nasundan ng isa pa.
"Ilabas mo ang aking mga magulang!"

"Tila narito na ang aking mga hinihintay na bisita." Nakangiting wika nito.

Mayamaya pa ay isang lalaking malaki ang katawan, mayroong mga mata na puno ng galit,may hawak na latigo at walang alam kundi humalakhak ang lumabas ng abandunadong bahay.
Pagkatapos nito ay sumunod ang mga kasama nito sa kaniya.

"Hahaha sinasabi ko na nga ba at darating kayo mga pakialamero."

Nang makita siya ng kaniyang mga kasama na humahalakhak ay humalakhak din ang mga ito.

"Chunbo,narito na kami huwag mo ng idamay ang mga taong wala namang kasalanan sa iyo. Hindi ba't kami lang naman ang kailangan mo? Pakawalan mo na sila." Wika ni Marylane.

"Ohh huwag kayong magmadali." Wika ni Chunbo at tumingin sa kaniyang mga kasama.

"Hulihin ninyo sila."Sigaw nito at agad na dinakip ng kaniyang mga kasama sina Marylane.

Isang lambat mula sa itaas ang hinulog ng mga ito na siyang tumabon sa kanila kung kaya't maging sina Luminous at Joyous ay hindi na nakatakas pa at sina ay ikinulong sa hawla.

Pilit na nagpupumiglas si Lady Elia,
"Manluluko ka talaga Chunbo."

Ipinasok silang lahat sa loob ng abandonadong bahay at itinali.

Daffodil KingdomWhere stories live. Discover now