Final Chapter (Last Part)

54 0 0
                                    

#WhatWouldItBeFinalChapter

Tama lang pala na sinusunod ko ang kutob ko na may mali tungkol kay Tiffany. Kahit wala na siya sa harapan ko, kahit patulak na kami sa firm nina Stefan, iyon pa rin ang iniisip ko.

Does she... know him? Bakit sila magkakilala? Si Von din ba ang kausap niya? Ako ba ang pinag-uusapan nila? Kasi sa mga nakita kong date ng texts nila, karamihan ay mga oras na magkasama kaming dalawa.

Damn it! Dapat mas isipin ko kung anong mangyayari ngayon dahil si tatay ang nakasalalay dito!

"This way mga Sir, nasa loob na rin si Atty. Arcilla.." the girl paved the way for tatay and I.

Malalim ang tingin niya sa akin, maybe she can recognize me with glasses and scarf covering my mouth. Hindi ko na lang pinansin at pumasok na lang sa loob.

The guy in suit immediately stood up as tatay opened the door for us. Habang ako ay natulala nang makita na nga siya sa harapan. He's right there, just centimeters away from me, the guy that is probably Stefan's current lover.

"Mr. Redido, glad you came," mabilis siyang lumapit. "I'm Attorney Arcilla, please to help you with this case."

Bumaba ang mata ko sa nakaalok niyang kamay. Should I accept it? Ngayon pa lang ay kumukulo na ang dugo ko dahil sa nakikita. I can't promise to hold all of my shits together because of that smug on his space.

My gut's telling me to fucking get rid of that. Parang nanunuya na nang-iinsulto. Then great! He has Stefan now! Ano pa bang pakialam ko, hindi ba?

Kalaunan, tinanggap ko na iyon at naupo sa malapit sa mga shelves. Dahil hindi sa akin ang sentro ng atensyon, nilibot ko na lang ang tingin. Is this his office? Ang pangit.

Maraming libro sa paligid, bawat isa ay may mga taon, kung tama ako ng basa, may iilan na libro pa na may fifty years na nakalagay sa spine.

Inalis ko ang tingin at binalik sa abogado na nasa harapan. Nandito ba si Stefan? Anong ginagawa nilang dalawa rito bukod sa trabaho? Is he really his new boyfriend? Kahit na isang beses ko lang napanood ang video, alam ko na siya ang lalaking nakapatong sa mahal ko rati.

The only difference now is that he looks so formal. Pormal na akala mo kung anong linis ng kalooban. It got me thinking to set it on fire kasi mukhang bagay. He killed the love we had before, I got the right to kill him too.

"So, the complaint is all about the parents, so.." sumulyap siya sa akin. "Why are you here?"

Tinagilid ko ang ulo. What does he mean? I already told the firm what am I here for. Hindi ba siya nasabihan at bakit pinapalabas niya na bakit pa ako nagpakita?

"Anak nila ako, bakit hindi puwedeng kasama ako?"

"Well, the complaint is just about the properties. Clearly, you are not a lot to discuss about. Unless you're just like it, huh?"

A grin escape my lips. Naguguluhan na ang tingin sa akin ng magulang, lalong-lalo na si tatay dahil hindi naman niya alam na kilala ko 'tong gago na 'to.

Damn. Siguro nga tama si Hero, sana sa kaniya na lang kami lumapit. Anong mapapala ko sa gago na 'to?

Hindi ako nakasagot. Hinayaan ko na lang na lumipas iyon pero nagpatuloy siya sa mga hirit niya sa akin, mga hirit na sobrang layo sa dapat pag-usapan namin dito.

"Tell me, how can you be so good to come here without thinking what you did before?" he asks.

Now he's really getting at it. "Attorney, mukhang hindi naman tama na gani—"

Hindi ko pinatuloy ng salita si tatay. "Why? Tell me too how come you be this calm when you, too, ruined something before?"

Biglang dumapo sa akin ang palad ni nanay, "Trent.."

What Would It Be? (COMPLETED)Where stories live. Discover now