#23

17 0 0
                                    

#WhatWouldItBe

09127******: Stefan, si Hera 'to. Pwede ba tayong magkita? Usap?

"Who is that?"

Mabilis kong binaliktad ang telepono nang magsalita si Von. We're taking our dinner for tonight when I received that text.

Bigla akong nakaramdam ng takot. "Ah. Si mama lang.."

Hindi ko puwedeng sabihin na si Hera 'yun, hindi pwede na nagtext sa akin bigla ang manager ni Trent dahil alam ko, alam niya where this would go.

Kung o-oo ako sa sinabi niya.

"Talaga?" he gulped at his water. "Dapat sinagot mo, bakit mo binaliktad?"

Umiling ako. "Wala lang naman, nangumusta at nagtanong kung kailan na magsstart ang susunod na taon."

Laking pasasalamat ko na hindi na siya nagtanong pa. Pagkatapos namin kumain, naglibot lang kami saglit hanggang mapagpasyahan namin na umuwi na.

"See you tomorrow?" he says while I'm unbuckling my seatbelt.

"Okay.." ngiti ko at mabilis na kinuha ang mga gamit.

Bago pa ako makababa, he pulled me closer so he can kiss me. Again. "You tastes like milktea," tawa niya.

I pulled his hair for that. But instead of saying anything, kumaway na lang ako at mabilis na bumaba.

Pinanood ko muna na mawala siya sa paningin bago tumakbo sa loob ng kuwarto. Binagsak ko sa sahig ang mga pinamili.

I quickly dialed Hera's unknown number and waited for her to answer. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko.. kailangan ko.

Dapat hindi. She has connection with Trent and this is the first time she talked or come for me after her alaga broke up with me.

Kaya nakakapagtaka rin.

"Hello, Stefan? Nandiyan ka ba?"

"Yes.. I'm here.." mas lalong sumandal ako sa pintuan. "What I should do? Napa text ka.."

Gusto kong magsaya dahil nagkausap kami uli. The last time we talked was pure happiness. Nagkasundo kami kaagad, without knowing it'd be the last time for us.

Ayoko nang balikan ang nakaraan. Nakakasawa na.

"Puwede ka bang pumunta rito? Sa bahay?"

Napalunok ako, "N-ngayon na?"

"Please?" naghihintay ako ng susunod niyang sasabihin pero isang malakas na pagbasag ang umalingawngaw sa kabilang linya hanggang mamatay iyon.

She didn't say where I should go, pero mukhang sa dati pa rin naman siya nakatira? Kaya agad din akong nagpalit ng damit, baka kasi nandiyan pa si Von kaya kailangan.

Agad akong sumakay ng tricycle habang nakasuot ng cap kahit na wala naman na ang araw sa kalangitan. Nag mask na lang ako kaysa salamin dahil baka magtaka na ang mga tao kapag sobrang tago na ng mukha ko.

Nang mapansin ko na nasa mga pamilyar na kabahayan na kami, nagpatigil kami sa kulay pula na bahay. Nagbayad ako kaagad at hindi na kumatok sa gate, deretso na ako hanggang makita ko ang loob ng bahay ni Hera.

Bago pa ako makapagsalita at magtanong kung bakit ang daming basag na mga bote ng alak sa sahig, sinalubong na niya ako ng yakap.

Sa sobrang lakas ng pwersa niya ay muntikan na akong mawalan ng balanse. "Salamat... Thank you at nagpunta ka!"

Binaba niya ang mask ko, doon niya napansin na nakaawang pa rin ang labi ko. "Akala ko.. akala ko hindi ka pupunta.."

"B-bakit? Ano.. bang nangyari?"

What Would It Be? (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora