Final Chapter

27 0 0
                                    

#WhatWouldItBeFinalChapter

Umikot sa buong kuwarto ang lakas ng sampal sa akin ng sariling manager. Some gasps, some stay still on their seats, habang ako ay hawak-hawak ang pisngi habang nasa baba ang tingin.

"Trent, big break mo na sana 'to! Bakit kailangan magtapos pa?!"

Umalingawngaw lalo ang sigaw niya sa akin. Nagpatuloy iyon hanggang patahanin siya ng kapwa-manager niya. "H-hindi naman ako ang may kasalanan.."

"Anong hindi? Binigay na sa akin ang statement ng company niya! Ikaw daw ang nagloko!" singhal ni Hera sa akin.

Ilang kasinungalingan pa ba ang sinabi niya sa akin? Na gaya nga ng sabi kanina, galing daw sa ex ko na ginagawa pa akong masama kahit ako na ang naperwisyo.

"Diyos ko, Trent, alam mo na kapakanan mo ang iniisip mo, sayang 'to oh! Puwede na kayong tumapat sa mga sikat na loveteams! Talagang ngayon ka pa nakipaghiwalay?"

Mahinang umihip ang hangin galing sa aircon. Inabot ko ang likod ng leeg at doon nag-angat ng tingin. "Kausapin mo na lang ako kung matutunan mo nang hindi maniwala sa nilabas ng hindi mo talent.."

At mabilis akong umalis sa kuwarto kahit na ilang beses na nila akong tinawag para pabalikin. Walang nakakapansin sa akin sa pasilyo dahil na rin wala pang nakakaalam sa nangyayari.

Hindi ko alam kung malalaman ba ng mga taga suporta ko ang nangyari pero bahala na si Hera roon. Basta magpapatuloy ako kahit na pinintahan niya ako na masama.

Nakakatawa. Kaya ayoko na uli magmahal ng babae. Karamihan sa kanila, ako ang binabansagang manloloko o kaya dahilan ng breakup kahit na ang tanging ginawa ko lang ay mahalin sila sa paraang alam ko.

Halos ihampas ko ang sarili sa manibela nang makasakay sa kotse. Hinayaan ang sarili na sumigaw sigaw hanggang maramdaman na masakit na ang lalamunan.

Mabilis akong umalis sa parking lot at bumili ng puwedeng maiinom. Maraming sumusunod ng tingin sa akin pero hindi ko pinansin.

Malaki ang pagmamahal ko sa mga nakakakilala sa akin dahil kung wala sila, I wouldn't be here. Okay lang sa akin na magtanong sila para sa picture o kung ano pa.

Pero ngayon?

Wala ako sa mood para mag-entertain ng sinuman. Gusto kong uminom. Gusto ko uli sumigaw sa isang lugar na walang makakarinig sa akin bukod sa mga hayop na nasa paligid.

Gusto ko bago ako bumalik sa dati, okay na ako. Baka kasi walang maniwala sa akin kapag nagsabi ako ng totoo. Na hindi naman talaga ako ang may dahilan ng hiwalayan naming dalawa.

Maraming nagsasabi na guwapo ako. Alam ko iyon. Nagmana ako sa Tatay Gessy ko, e, pero never in my life na gagamitin ko ang itsura para lang makapanloko sa ibang tao.

Tanging gusto ko lang at magmahal ng taong baka mahalin din ako pabalik. Pero tang ina, bakit wala akong makuhang babaeng ganoon?

"Salamat.." mahina kong sabi sabay alis sa tindahan.

Walang ano-ano ay pinaharurot ko ang kotse patulak sa isang lugar na alam kong walang manghuhusga sa akin. Lugar na kahit walang salita ang kayang bitawan, hinding-hindi ako huhusgahan at pag-iisipan ng kung ano-ano.

Dito, walang mag-iisip na ako ang dahilan ng hiwalay.

Dito, malalaman nila na ako pa ang nakaalam na niloloko nila ako.

Dito, bibigyan ako ng comfort pagkatapos. Sa kanila? Wala.

Patuloy kong tinungga ang mga binili. Kapag kinakaya, sumisigaw ako hangga't mapaos ako at nainom na lang.

What Would It Be? (COMPLETED)Where stories live. Discover now