CHAPTER FORTY - NINE

99 19 1
                                    

Dalawang Linggo na ang lumipas simula ng ini-anunsyo namin ni Charles na nais na naming magpa-kasal. Napaka-raming nagulat dahil iilan lamang naman ang nakaka-alam na mayroon kaming relasyon ni Charles. Ngunit wala na silang magagawa dahil buo na ang desisyon namin.

Bukod saken ay si Sofia ang isa napaka-excited sa aking kasal. Nakakatuwa dahil suportado talaga niya kami sa aming naging desisyon.
Noong nakaraang naka-usap ko nga siya ay panay ang sabi niya na naiinggit siya saken' kaya raw pinari-ringgan na rin niya si Limwill.

Pinayuhan ko siya na gayahin ang ginawa namin ni Charles. Nagka-tampuhan ng bongga dahil inakalang hindi niya man lang ako mine-message o tinatawagan. Letcheng! Airplane plane mode. Bakit nauso pa yun? Bwisit!
Siya yung may kasalanan kung bakit naisip kong wala ng pakialam saken non' si Charles. Haist!

Shunga!

Kabadtrip pa rin talaga pag naalala ko.

"Ate Arielle." Nilingon ko ang tumawag na si Louie.

"Nasa labas na raw si Kuya Francis. " balita niya saken'.

Humiling kasi saken itong si Francis na makausap si Charles kahit ngayon lamang. Paalis na daw siya at ayaw naman niyang umalis na hindi nakaka-hingi ng paumanhin sa kapatid. May rebelasyon itong inamin saken' at hindi ko sana siya tutulungan ng dahil sa nalaman kong iyon. Pero nanaig ang awa sa puso ko ng marinig lahat ang kanyang paliwanag. Kaya heto ako at pinilit na gumawa ng plano na sila ay magka-usap.

Walang kaalam-alam si Charles dahil hindi naman siya papayag kung sasabihin ko. Mamaya ko na lamang siya papaliwanagan.
Pero alam ni Tita Charlene ang plano kong ito. Nauna silang nagka-usap ni Francis at nagka-paliwanagan.
Kaya suportado niya ako dahil nais na rin niyang magka-bati ang mag-Kuya.

"Salubungin mo muna papuntahin mo siya sa may garden. Ako ng bahala rito kay Charles." Utos ko at naglakad na papunta sa kinaroroonan ni Charles.

Nakikipag-kwentuhan ito sa ilang taga-Hacienda . Hindi ko lubos akalain na sa kaunting panahon niyang pananatili rito ay makakasundo na niya halos lahat ng taga-rito. Ibang-iba ang nakikita ko ngayon sa kanya kumpara noon. Ang dating Charles na tahimik at ubod ng suplado ngayon ay nagbago na. Naging palatawa ito at natutong makisama at makipag-kwentuhan sa ibang tao.

Parang lalo akong nahulog sa kanya sa pinakikita niyang bagong katangian. Napakasarap niyang panoorin na sobrang saya.

"Half sama ka muna saken' " bulong ko ng makalapit sa kanya.

Binati ko naman ang kanyang mga ka-kwentuhan .

Nginitian niya ako at hinawakan ang aking kamay . Binalingan naman niya muli ang taong kausap niya para mag-paalam .
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya ng naglalakad kami papunta sa may hardin.

"May gusto kasing kumausap sayo. " saad ko at itinuro ang taong nakatalikod .

"Sino ang taong yon'? " takang tanong niya at pinag-taasan pa ako ng kilay.

"Aish! Kuya mo. Kailangang mag-usap na kayo okay?" Sagot ko at pinagtulak-tulakan pa siya.

"Ano? Ayoko !" Pagma-matigas niya at hinarap ako.

"Pauwiin mo na ang taong yan. Wala kaming dapat pag-usapan." Seryosong sabi niya.

"Ganun ba?" Nag-cross arms ako at pinaningkitan siya.
"Sige bumalik ka na doon . Ako na lang ang kakausap kay Francis." Pagkasabi ko niyon ay nilampasan ko siya.

Mabilis naman siyang kumilos at pinigilan ako sa aking braso.

"Ano bang ginagawa mo? Gusto mo bang magalit ako sayo. Alam mo namang hindo ko gustong magka-usap kayo." Salubong na ang kanyang mga kilay na sa tingin ko ay naiinis na siya.

Missing Half - COMPLETED 💙Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang