CHAPTER TWENTY-NINE

116 15 15
                                    

Napa-balikwas ako ng bangon dahil sa narinig kong sunod-sunod na kalampag mula sa aking pintuan. Tiningnan ko ang orasan na nasa aking side table. Nakita kong ala-sais pa lamang ng umaga.

Bumaba ako mula sa aking kama upang lumapit sa pintuan.

"Sandali lang!" sigaw ko ng mag-patuloy pa rin ito sa pag-kalampag ng aking pinto.

Binuksan ko ang aking pintuan ng kaunti at sinilip kung sino ang lapastangan na kumakatok.

Napailing ako ng makitang si Sofia ito.

"Good morning! Bumaba ka na at madami pa tayong ihahanda para sa picnic. " napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Napaka-aga pa. Wag kang masyadong atat!" singhal ko .

Itinulak niya ang aking pintuan at pumasok. Pinasadahan niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Sus buti na lang pala at hindi si Charles ang pina-akyat ko . Ganyan ka pa rin pala matulog kahit dito. " naiiling niyang sabi.

Pinag-masdan ko ang itsura ko. Wala namang masama at nakasanayan ko na ang matulog na naka-bestidang manipis. Problema nga lang wala akong pang-ilalim na saplot.
Ano bang magagawa ko? Dito ako kumportable matulog.

"Naka-lock naman ang pintuan ko kapag natutulog. Kaya walang problema duon. " katwiran ko.

"Maayos bang katwiran  yan? Siya mag-ayos ka na at bumaba ka na. Mas maganda kung maaga tayong makakapunta para mahaba ang oras natin na mag-enjoy. "

"Oo na! Sige na labas na. " pagtataboy ko bako pa ako marindi sa mga sasabihin niya..

"Bilisan hah! Pag di ka pa diyan bumaba si Charles na paakyatin ko. " pananakot niya bago tuluyang lumabas ng aking pintuan.

Bakit feeling ko mas maganda iyon?
Napasampal ako sa sa aking pisnge sa isiping iyon at kaagad ng  pumasok sa aking Cr.

Nahihibang na ako!

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na akong mag-palit ng damit. Nag-suot ako ng simpleng sando at short para presko sa pakiramdam. Nag-pasya na akong bumaba ng matapos kong maitali ng mataas ang aking mahabang buhok.

Inabutan ko sa kusina si Sofia at si Nay Sally na may kung anong inaayos sa mga basket.

"Good morning ! " masiglang bati ko .
Kung kaya napalingon silang dalawa sa akin.

"Magandang umaga din. " saad ni Nay Sally. Kaya nginitian ko siya .

"Ang tagal mo namang bumaba , okay na ang lahat ng dadalhin. Ika-karga na lang sa sasakyan." wika naman ni Sofia.

"Talaga?? Anong oras pa kayo gising? Bakit ang bilis niyo namang naihanda?"

"Naku iha kagabi pa kasi nasabi sa akin ni Sofia na gusto daw ninyong pumunta sa Himamawo Falls. Kaya kami ng Tatay Lucas mo ay alas-kwatro gumising para ihanda ang mga pagkaen ninyong dadalhin. Maging ang Tita Charlene mo ay tumulong. Bumalik lang muli sa kanyang kwarto kani-kanina at inaantok pa daw." paliwanag ni Nay Sally.

"Kitams? Ang babait nila." sabat ni Sofia.

"Naku kaw talaga Sofia. Sana tayo na lang nag-ayos . Nang-abala ka pa ng iba. "

"Okay lang iha. Ang ibang mga naka-pake naman diyan ay hindi pa luto. Duon na lamang ninyo ihawin." ani ni Nay Sally.

"Salamat po Nay . " lumapit ako sa kanya para yumakap. "Matulog po rin muna kayo muli maaga pa naman po ."

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now