CHAPTER TWENTY-SEVEN

148 18 11
                                    

ARIELLE POINT OF VIEW.

Lumipas na ang mag-hapon na hindi ko man lang naisipang lumabas ng aking kwarto. Nanatili akong naka-higa dito sa aking kama at malalim na nagi-isip . Ayoko munang bumaba dahil baka makita ko si Charles.
Sa tuwing nakikita ko kasi siya ay tila ba naiiga ang aking utak at tanging malakas na kabog na lamang ng aking dibdib ang  naiintindihan ko sa tuwing siyay nasa malapit.

Napatingin ako sa aking pintuan ng may marinig akong sunod-sunod na katok. Baka isa ito sa mga katulong muli namin upang dalahan ako ng pagkaen.

"Pasok po." saad ko .

Bumukas ang pintuan . Si Nay Sally pala.
Bimangon ako para maupo.
Kaagad siyang lumapit sa akin at tinabihan ako dito sa aking kama.
"Okay ka lang ba? " tanong niya at bahagyang hinaplos ang aking buhok.

Nilingon ko naman siya at ngumiti.
"Okay lang po ako. "

Hinawakan niya ang aking palad.
"Umiibig ka na bang muli anak?" natigilan ako sa kanyang tanong.

Hindi ko malaman ang sasabihin ko. Kung kaya hindi ako makasagot.

"Arielle hindi masamang sumubok sa ika-dalawang pagkakataon. Hindi masamang sundin ang sinisigaw ng puso. Kung alam mo sa sarili mong ikaka-saya at ika-bubuti mo ang magiging desisyon mo." napayakap ako sa kanyang sinabi.

Kilala niya talaga ako. Alam niya kapag may gumugulo sa aking isipan. Hindi na niya ako hinihintay na sumagot at pina-ngungunahan na talaga niya ako ng isang magandang payo.

"N-ay, ang totoo po ay natatakot po ako. " wika ko habang nakayakap sa kanya.

Niyakap niya ako pabalik ng napaka-higpit.
"Hindi mo kailanganing madaliin ang mga bagay-bagay . Kung ngayon ay takot ka pa ? Huwag ka munang magde-desisyon ng kahit ano. Saka na kapag ang takot na iyan ay nawala na at napuno na ang puso mo ng saya at galak." paliwanag niya.

Humiwalay ako sa pagka-yakap sa kanya.
"H-anda daw po siyang maghintay hanggang maging handa ako." wika ko.

"Mabuti naman pala. Alam mo iha kahit ilang araw ko pa lamang nakilala si Charles nakikita ko na agad sa kanyang mga mata kung gaano ka niya kagusto . Hindi iyon maitatanggi ng bawat mga titig niya sa iyo. "

"Ramdam na ramdam ko din po pero masyado pa pong mabilis ang mga pangyayare. Naguguluhan pa po ako. " saad ko.

Ang sarap din pala sa pakiramdam na nasasabi ko ang mga mga nararamdaman ko. Hindi kagaya nuong una na umibig ako kay Francis. Naging bigla ang desisyon ko kahit alam kong naguguluhan ako. Wala akong napagsabihan ng tunay kong nararamdaman. Nahihiya pa ako nuon mag-sabi kay Sofia.

"Kagaya nga ng sabi ko hindi mo kailangang mag-madali. Kilalanin mo pa siya at kapag nakatiyak ka na sa nararamdaman mo ay saka ka lang magka-lakas ng loob na sabihin ito."  tumango ako sa kanyang sinabi.
"Siya bumaba ka na doon at may naghi-hintay sayong mga bisita. Maging si Charles ay kanina pang naghihintay sa pagbaba mo. Sinabi ko lang na hindi maganda ang pakiramdam mo kaya hindi na nag-tangkang puntahan ka dito. "

"Sino pong mga bisita? Wala po akong naalalang inimbitahan ngayong araw." saad ko.

"Wala nga pero kusa silang naparito . Kaya tumayo ka na diyan at bumaba. " pagkasabi niya noon ay nauna na siyang lumabas sa aking kwarto.

Tumayo na rin ako at humarap muna sa salamin.

"Bakit ang ganda ko pa rin kahit stress?" bulong ko sa aking sarili.
Simpleng t-shirt at kulay puting maong-short ang suot ko.
Pinasadahan ko lang ng suklay ang aking buhok at saka nag-pasya ng bumaba.

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now