CHAPTER EIGHT

191 42 16
                                    

Ariel P. O. V

-
@Hospital

-

"Goodafternoon po. Ano pong room number ni Mr. Philip Santos? ". tanong ko sa nurse on duty .

"Ka-anu-ano po kayo ng pasyente Mam? " balik na tanong sa akin .

"Matalik na kaibigan po ako ng panganay niyang anak. " maikling sagot ko.

"Okay, wait a minute lang , i-check ko lang po. ". humarap na Si Ms. nurse sa Pc upang siguro ay hanapin ang room number ni Tito.

"Room 206 po Mam. ". naka-ngiting sabi ng Nurse.

"Salamat po. ". pagka-sabi ko niyon ay nag-madali na akong hanapin ang Room 206.

Madali ko lang din naman itong nahanap.

Nabuksan ko na ng kaunti ang pintuan .

Hindi ako tumuloy dahil tila may seryosong pinagu-usapan si Sofia at Tita Sunny.

Pero sa di sinasadya narinig ko ito.

"Hindi na natin kakayanin ang expenses dito sa hospital kapag nag-tagal Pa rito ang Papa mo, magda-dalawang linggo na tayo rito pero hindi Pa siya gumigising. Kailangan ko pang mag-bayad ng tuition fee ng kapatid mo. Mauubos na yung natitirang Savings namin. ". naiiyak na sabi ni Tita Sunny.

"Ma, ano ka Ba naman, may savings Pa ko di Ba? Iyon ang gagamitin nating pampa-gamot kay Papa. ". paga-aalo ni Sofia sa kanyang ina.

"Pero Anak paano kung abutin Pa tayo rito ng buwan? Ano na mangyayare satin. Hindi sasapat ang Financial Assistance na natanggap natin mula sa kompanya ng iyong ama? ". awang-awa ako sa kalagayan nina Sofia.

Inilapat ko ng muli ang pintuan at saka kumubli rito sa gilid.
Nag-iisip ako ng paraan para matulungan ang pamilya niya.

Simple lang ang pamumuhay nila. Si Tito Philip ay nagta-trabaho sa isang kompanya bilang Editor in Chief. Siguro nga ay talagang masama ang naging lagay ngayon ni Tito kung kayat malaking pera na ang kanilang naga-gastos.

Naisipan kong mag-punta sa bangko para mag-withdraw.

Dalawa ang account ko, ang isa ay account ng hacienda ni Lola na sa akin na rin naka-pangalan.

Ni minsan ay hindi ko Pa ito binawasan.

Siguro ay yung sa sariling savings ko na lamang ang aking ibibigay.
Alam kong magiging malaking tulong ito sa kanila.

Pagka-tapos ko rito sa bangko ay bumalik na akong muli sa Ospital.
Kumatok muna ako sa pintuan.

Inabutan ko Pa rin doon si Sofia at si Tita Sunny.

"Hi po Tita.". kitang-kita sa mukha ni Sofia na gulat na gulat siya sa aking pag-dating.

Para namang kinurot ang puso ko ng mapag-masdan ngayon ang itsura niya.

Pumapayat at nangi-ngitim na ang ilalim ng kanyang mga mata. Mahahalataan mo talaga sa kanya ang pagod at sakit na kanyang pinag-dadaanan.

"S-ofia. ". naiiyak kong banggit sa pangalan niya. At patakbong nag-tungo sa kanya upang siya ay yakapin.

"P-ano mo nalaman? " tanong niya na ngayon ay humihikbi na.

"Di na iyon mahalaga. Bakit di mo saken sinabi. ". hindi ko na rin mapigilan na di mapaiyak dahil sa higpit ng kanyang yakap .

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now