CHAPTER THIRTY - NINE

120 13 7
                                    


Matinding takot at kaba ang nangingibabaw sa akin . Ngunit tila naglaho na parang bula ng makilala ko kaagad ang taong nasa aking harapan.
"C-harles?" Gulat na bulalas ko.
Ngumiti siya at masuyong dinampian ng halik ang aking mga labi. Nanatiling magkahinang lamang ang aming labi at hindi gumagalaw hanggang sa mawala ang aking mga hikbi.

Maging ang aking panginginig ay unti-unti na ring nawala lalo nang ipulupot niya sa aking bewang ang kanyang mga bisig. Naguguluhan man sa pangyayari ay pakiramdam ko ay ligtas na ako dahil nandito na siya sa aking tabi.

"I'm sorry, I didn't mean to scare you? " naga-alalang sabi niya ng umagwat siya ng kaunti mula sa akin.  "Hindi iyon kasali sa plano ko. Ang gusto ko lang sana ay mapasaya ka ngayong gabi. Kinapos ako sa oras kanina . May inihahanda pa ko nang mag-message si Louie na baka hindi ka na niya mapigilan na pumunta dito sa kwarto mo. Kaya mabilis na kumilos si Tatay Lucas pababa at naisip patayin ang ilaw kung sakaling papasok ka na dito. " paliwanag niya habang nagka-kamot sa ulo.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko.

Pinahid niya ang aking mga luha gamit ang kanyang maiinit na palad.
"Happy first monthsarry half." Pagkasabi niya niyon ay umalis siya sa aking harapan.

Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ng makita ang parte ng aking kama na may isang malaking puso na gawa sa petals ng rosas at sa loob nito ay may napakalaking bouquet of flowers at bouquet of chocolates. Maging ang tapat ng aking kama ay napupuno ng lobo na hugis puso na sa dulo ng tali ay mga larawan. Sa taas ng headboard ay mayroong nakalagay na Happy First Monthsarry.

Humarap ako kay Charles na hindi halos makapaniwala. Gulat na gulat at sobrang saya.
"P-aanong nangyari ito ng hindi ko alam?"

"Hindi mo ba nagustuhan..? " umiba ang ekspresyon niya at tila nalungkot. "Hindi ko kasi alam kung paano kita mapapasaya ngayong araw. Humingi ako ng kaunti- "
Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil tumingkayad ako para siya ay saglit na mahalikan.

"I love it Charles. Napaka-ganda sobra. Pero paano? Oh my gosh! Hindi ko man lang nahulaan na mayroong ganito . " komento ko habang malaki ang pagkakangiti ko.  Ngayon ko lang naranasan ang masupresa ng ganito.

"Planado ko na itong lahat. Kinuha ko ang number ni Louie nung huling punta ko dito. Sinabi ko sa kanya ang plano ko maging sina Tatay Lucas at Nay Sally ay alam ito. Sinuportahan nila ako kaya naging madali ang lahat. " paliwanag niya.

"Ibig sabihin ako lang pala talaga ang walang kaalam-alam na may paganito ka. " hindi pa rin makapaniwalang sabi ko at muling pinagmasdan ang kanyang ginawang effort na napakaganda .

"Tss, hindi na suprise yung tawag doon kung sinabi ko rin sayo." Singhal niya.

Oo nga naman may punto nga siya.
"Eh' di alam na nila na tayo na?" Muli kong tanong.

"Alam na sadya ni Tay Lucas." Tugon niya.
Siguro nga dahil kung mayroon mang unang makaka-alam ay si Tatay Lucas iyon dahil sa tingin ko ay close na close na sila.

Tumango-tango ako.
"Pero sa totoo nga niyan nalimutan ko ang araw na ito." Nahihiya kong sabi.
Kasi naman naging busy ako nitong mga huling araw at hindi talaga pumasok sa isipan ko ang araw na ito.

Napanguso siya at isinuot ang kanyang kamay sa bulsa.
"Kaya pala naman." Rinig kong bulong niya at tumingin sa ibang direksyon.

Bahagya akong natawa dahil halata sa kanyang mukha ang disappointment. .

Aish! Ang cute,cute niya talaga .

Lumapit ako sa kanya at pilit na iniharap muli sa akin ang kanyang gwapong mukha.
"Sorry na." Panglalambing ko.
"Paano mo ba ko mapapatawad? Para makabawi man lang ako sa ginawa mong effort." Dugtong ko pa habang hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi.

Missing Half - COMPLETED 💙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon