CHAPTER ONE

524 93 140
                                    

FG ENTERPRISES


-

Pumasok agad ako sa trabaho ng makabalik ako sa Maynila. Nais kong maisaayos muna ang lahat ng aking maiiwan sa kompanya ng FG Enterprises bago pa man ako tuluyang mag-resign.

Sa oras na matapos na ang lahat ng gagawin ko rito ay babalik na akong Batangas.

" Okay ,please tell to the next applicant, pumasok na. Salamat." sabi ko sa katatapos ko lang i-interview .

Kasalukuyan akong nagha-hanap ng pamalit sa aming Marketing Officer. Nag-resign ito dahil malapit na ang kanyang kabuwanan sa panganganak.

Hindi naasikaso agad ng mga naiwan kong staff ang paghahanap ng kapalit nito dahil natambakan sila ng trabaho.
Kaya ito na muna ang una kong ginagawa.
Dapat kaming ma-kompleto upang mapadali ang aming trabaho.

"Ma'am?" napukaw ang atensyon ko ng mayroong magsalita sa harapan ko.

"Andito ka na pala. Maupo ka muna ." nakangiti kong saad sa kakapasok lamang na aplikante.

I look at him and his features is almost ....
a Nerd?

Pero parang slight lang.

Matangos ang ilong, mapupulang labi , one sided na buhok na parang naka-wax
Ngunit hindi maitatago ng makapal niyang eye glasses ang kanyang pagka-chinito.
Maging ang kanyang kayawan ay matipuno at maganda ang kanyang tindig , dahil may katangkaran din ito.

Okay na sana, kaso ang pangit ng istilo ng kanyang buhok at hindi bagay sa kanya ang kanyang glasses.

Sinimulan ko ng basahin ang resume nya.

Woahhh!

Filipino-Chinese ang nationality.
Kaya naman pala singkit at napaka-puti.

" Hi ! Im Ms. Alliyah Czarielle Amore, Chief Operation Officer of FG ENTERPRISES, pwede mo kong tawagin na Ms. Arielle or Ma'am Arielle basta kung saan ka mas komportable and you are? "

" Good day Ms.Arielle I am Charles Liam D. Cheng, applying as your Marketing Officer."

Nagulat ako sa magandang accent niya . Maganda rin ang pagkakabigkas ng ingles at lalaking-lalake ang tono.

"Okay, nice to meet you Charles. So, base in your resume' you dont have past experience in marketing job. How should I hire you? " may dating pero mahinahon ko itong tinanong.

Mahirap i-hire ang taong wala pang experience. Pero kung my potential naman, aba bakit hindi?

" I am loyal and hard-working person.
I am someone who believes that my personality will be a big asset to my employer, my willingness to go above and beyond and also my hunger for learning and developing new skills.

I am particularly attracted to your company because I want to work for someone who gives their employees the opportunity to thrive." he explained.

Halos mapa-nganga ako sa kanyang naging sagot.

"Magaling Mr. Cheng, iyan talaga yung mga hanap ko sa mga aplikante !" pumapalakpak kong sabi.

Pagkatapos pa ng ilan ko pang katanungan sa kanya ay napag-pasyahan ko na siyang i-hired.

Mahusay ang kanyang mga naging kasagutan. Kaya ang mga ganyang tao ay dapat binibigyan ng pagkakataon upang lalo pang mahasa sa pagta-trabaho.

" Congratulations Your hired! Welcome to our team. " nakangiting sabi ko , ngunit kahit isang ngiti ay hindi man lamang sumilay sa kanyang labi.

Missing Half - COMPLETED 💙Où les histoires vivent. Découvrez maintenant