CHAPTER FORTY - TWO

104 16 0
                                    

Bumitaw ako sa pagkaka-hawak kay Francis . Bakit umalis si Charles ? Ano bang naiisip niya ng makita kami?

Hindi ito maaari baka kung anong sinabi ng bruhang si Althea!

Kailangan ko siyang sundan.

Tumingin ako kay Francis.

"S-undan ko lang si Charles." Nanginginig na paalam ko.
Bahagya lamang siyang tumango bilang pag-payag kaya mabilis akong umalis sa tabi niya at tumakbo .

Ngunit ng tumapat ako kay Althea ay hindi ko inaasahang tatakidin niya ako..
Narinig ko ang pagsigaw ni Francis sa aking pangalan at ang pagtawa naman ng bruhang babae na ito.

Shocks!
Ang sakit bwisit!

Ang laki talaga ng sapak ng babaeng ito.

"Okay ka lang ba?" Tanong ni Francis ng makalapit sa akin

Narinig ko pa ang pag-singhal ni Althea.
"Napaka-lampa!" Saad nito.

Hindi na ako natutuwa.
Tinabig ko ang kamay ni Francis na nakahawak saken.
"Kaya ko na . " sambit ko.

Dahan-dahan akong pumilit tumayo kahit masakit ang tuhod ko. Malakas ang pagkaka-bagsak ko kaya siguro hindi imposibleng magka-roon ako ng sugat o kaya naman ay pasa. Ngayon ko lang pinagsi-sihan na nagsuot ako ng bistida.

Aish!

Pagka-tayo ko ay napansin kong napakarami na palang pares ng mga mata ang nakatingin sa amin at tila nakasaksi sa pangyayare. Nakakahiya.
May ilan pa akong naririnig na nagbubulungan.

Psh!

Sinamaan ko ng tingin si Althea.
Kahit naiinis ako sa kanya ay pinigilan ko ang aking sarili na magalit dahil ayaw kong ibaba ang lebel ko ng dahil lamang sa kanya. Hindi ako nagtapos ng paga-aral para lang mag-asal hayop katulad niya.
"What are you looking at b*tch?" Mataray na saad niya habang nakataas ng kilay pa.

Bahagya akong natawa sa naturan niya. Ako pa talaga ang b*tch?
Ang kapal lang talaga ng mukha niya.

"Wala akong oras makipagtalo sa taong nasa talampakan ang utak." Pagkasabi ko niyon ay nag-umpisa na muli akong maglakad kahit paika-ika.

Magsa-sayang lang ako ng oras at pagod kung makikipagtalo ako sa kanya kaya dapat ako na lamang ang umiwas.

Humahapdi na rin ang tuhod ko . Siguro kung nasa bahay lamang ako at walang nakakakitang ibang tao ay baka umiyak na ako ng sobra.
Semento ang binagsakan ko kaya hindi biro ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Hindi pa ako nakakalayo ng may humila ng nakalugay kong buhok paatras at halos magkan-darapa ako dahil napakahigpit ng pagkaka-hawak sa aking buhok.

"Aray ano ba!" Pag-angal ko at pilit inaagaw ang aking buhok kahit patalikod.
Pakiramdam ko anumang oras ay mababali rin yung leeg ko.

"Halika ditong babae ka. Sa tingin mo ba palalampasin ko ang sinabi mo?" Galit na sabi niya.

Bwisit talagang Althea ayaw talaga kong tigilan.
"Nababaliw ka ng babae ka!" Asik ko pero tila hindi niya ako pinakinggan dahil patuloy siya sa paghatak sa aking buhok. Labis na kahihiyan na ang nararamdaman ko dahil batid kong mdaming nakaka-kita tapos ay hindi man lamang ako makapalag.

Kahit makaharap ay hindi ko magawa dahil naging advantage niya na patalikod hilahin ang aking buong buhok. Huminto kami sa gitna at ipinaharap niya ako sa madaming tao.

Nakaramdam ako ng panghihina ng makitang samut-saring Cellphone na ang nakatutok sa amin na tila mga nagvi-video.

"Pasisikatin kita my dear friend." Bulong pa niya sa aking tenga.

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now