CHAPTER FORTY - FOUR

112 13 2
                                    

ARIELLE POINT OF VIEW

Naalimpungatan ako ng maramdamang may mabigat na nakapatong sa aking tiyan.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.

Gulat na gulat ang naging reaksiyon ko ng mapag-tantong may taong nakayakap saken at iisa ang aming kumot.

Dahan-dahan kong nilingon ang nagmamay-ari ng mga bisig . Halos tumalon ang puso ko sa tuwa at kilig ng makitang si Charles ito at tila mahimbing na natutulog sa aking tabi.

Inikot ko ang aking paningin.
Teka! Nasaan nga ba ako?
Hindi ito ang kwarto ko.

Muli kong tiningnan si Charles.

Oh my gosh!
Kwarto kaya niya ito??

Binalak kong tanggalin ang kanyang bisig na nakayakap sa akin. Pero nagulat ako ng lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya.

"Just stay here." bulong niya.

Ibig sabihin ba ay gising siya.

Shocksss!

Pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko dahil sa sobrang hiya.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata at inisip na lang na matulog ulit. Ngunit hindi nakisama ang aking tiyan sa aking plano dahil kumalam ang sikmura ko at gunawa ng ingay.

Ngayon ko lang naisip na hindi pa pala ako kumakaen simula nung umalis ako sa bahay kahapon.

Bigla siyang bumangon .
"Gutom ka na. Dito ka lang. Ikukuha kita ng pagkaen."
Paalam niya saken at iniwan na ako magisa dito sa kwarto.

Dali-dali akong lumabas mula sa kumot .

Nasaktan ako ng biglang kumirot ang aking tuhod.
Doon ko lamang naalala na mayroon nga pala akong sugat.

Muling nagbalik sa aking ala-ala ang mga nangyari sa akin kagabi. Nag-taasan ang aking balahibo sa takot. Hindi maalis sa aking isipan kung paano ako sinaktan ni Althea. Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng trauma ng dahil sa ginawa niya.

Hinanap ko ang aking sling bag at ng makita ito sa gilid ng kamay ay inabot ko iyon at kinuha ko ang aking cellphone. Ang kaso lobat na pala ito. Hindi rin pala ako makakatawag kina Tatay Lucas na kasama ko si Charles. Baka naga-alala na sa akin ang mga iyon.

Pero nasaan nga ba ako?

Napatingin ako sa bilog na orasan na nakasabit sa dingding , nagulat ako ng makitang alas-dos pa lamang pala ng madaling araw.

Bumaba ako ng aking kama at kahit paika-ika ay pinilit kong maglakad patungo sa malapit sa bintana.

Doon ko lamang nakumpirma na madilim pa nga sa labas . Namangha naman ako ng matanaw mula sa labas ang tabing dagat.

Ibig bang sabihin ay nasa resort ako nila Charles?

Dito pala niya ako dinala matapos kong sabihin na ayokong umuwi at nang nakatulog ako sa kanyang yakap.
Napapikit ako nakakahiya sa mga tao sa bahay kapag nalaman nilang hinayaan ko lang na apihin ako ng babaeng iyon.

Hindi man lang ako nakalaban kay Althea .

Nasaktan pa ni Charles si Francis ng dahil din saken.

Paano pa sila ngayon magkaka-ayos nito?

Lalo ko lamang pinagulo ang kanilang sitwasyon.

Napasandal ako sa pader .

Pero agad din naman akong tumuwid ng tayo ng magbukas muli ang pintuan ng kwartong ito at pumasok si Charles.

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now