CHAPTER THIRTY - FIVE

118 14 2
                                    

Nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Louie kaya naisipan ko ng pumasok. Inabutan ko siyang nakahiga at nagbabasa ng libro habang naka-headset pa.

Lumakad ako papalapit sa kanya at naupo sa gilid ng kanyang kama.
"Louie? "

Bumangon naman siya at inalis ang headset sa kanyang tenga.

"Ate, pagagalitan mo na ba ko? Wag masyadong masakit aa. May test ako bukas -"

Ang hilig niya talagang pangunahan ang sasabihin ng kausap niya . Natatawa tuloy ako dahil ito yung katangian niya na hindi nagbago mula pa noon.
"Ssshh!" Putol ko sa sasabihin pa niya.
"Paano ka ba makipag-fling?"  tanong ko sa kanya.

"Makikipag-date ako ng isang beses sa isang Linggo tapos bibigyan ko sila ng isang hindi malilimutang goodbye kiss!" Diretso niyang sagot.

"Ano isang beses isang linggo?" Naguguluhang tanong ko.

Tumango siya.
"Ate, everyweek ibat-ibang lalake dine-date ko. Masyado kasing mahaba yung hair ko kaya madaming nakapila para makipag-date saken." Napa-pikit ako sa kanyang sagot at sinusubukang ikalma ang sarili.

"Tama ba yung ginagawa mo Louie!?" Ngunit naging matigas pa rin ang muling tanong ko.

"A-te sa tingin ko naman tama kasi nagiging mabait lang ako sa kanila . Pumapayag akong makipag-date dahil kawawa naman kapag hindi ko sila pinag-bigyan. Baka kadi umiyak. Saka mga pogi lang naman yung naga-aya." Laglag yung balikat ko sa naging dahilan niya.

"Louie...." Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. "Mali iyon. Hindi maganda sa paningin ng iba ang ginagawa mo. Mahuhusgahan ka nila at madaming negatibong paratang ang ibabato nila sayo." Paliwanag ko.

"Ate Arielle hindi naman nila ako kayang i-bully. Hindi nila ako kaya. Saka hindi ko rin pinababayaan yung paga-aral ko. Pinagbi-"

Hindi ko na nagawang ipatapos muli ang kanyang sasabihin dahil ayokong magalit sa baluktot pa niyang mga dahilan.
"Please kahit ngayon lang pakinggan mo ako. Hindi maganda ang ginagawa mong iyan. Kapag nalaman ni Tatay Lucas at Nay Sally , sigurado ako na sasabog sila sa galit. Kaya hanggat maaga pa tantanan mo ang pakikipag-fling. Kahit pa isang beses lamang yan sa isang Linggo. Hindi ko gusto dahil para sa akin napakamali . " Napatungo siya dahil siguro sa hiya. Muli ko siyang hinarap saken.
Nangingilid na ang kanyang mga luha.
"Wag kang umiyak. " saad ko. Akala ko hindi na siya iyakin. Nagka-mali pala ako.
"Sinasabi ko ito para sa ikabubuti mo. Baka hindi mo namamalayan isa na pala sa mga naka-fling mo yung destiny mo. Tapos gantihan ka bigla. Gusto mo ba nun?"

Umiling siya bilang sagot.
"Wala rin naman akong nagustuhan kahit isa sa mga naka-date ko kaya kampante ako, ang totoo pa nga n-iyan naisipan ko lang yun dahil umaasa akong makisali yung crush ko. "

"Anong ibig mong sabihin?" Takang-tanong ko.

"May crush ako Ate sa Campus. Batchmate ko na siya since highschool . Kahit anong pagpapa-ganda ko hindi niya ko napapansin o kaya ayain man lang ako na mag-date." Malungkot niyang sabi.

Medyo natawa naman ako sa sinabi niya.
So, ginagawa niya ang kalokohan na ito para lang mapansin siya ng kanyang crush?
"Kanino ka ba nagmana? Bakit ganyan ka mag-isip?"

"Ate naman eh' wag mo kong tawanan. Ito na lang yung naisip naming technique. Kailangang makilala ako bilang  isa sa mga pinaka-maganda para mapansin niya ko." Palusot pa niya.

"Mali yung technique mo. Kahit sa mga simpleng paraan at sa hindi sinasadya. Mapapansin ka niya kung gugustuhin man ng crush mo. Oh' baka naman napansin ka na pero hindi ka niya lang pinag-tuunan ng pansin. " katwiran ko.

Missing Half - COMPLETED 💙Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum