CHAPTER TWENTY-EIGHT

156 19 2
                                    

"Iha dapat naga-aral ka na ulit mag-luto . " wika ni Nay Sally sa akin habang pinapanood namin si Charles na abala sa pagluluto.

Una ko kasi dating inaral ay ang prito-prito. Hanggang duon lamang ang aking natutunan.
Pinagmasdan ko muli si Charles.

Aish! Bakit ang pogi niya tingnan kahit naka-apron?

Nandito din si Tita Charlene at  Nay Sally sa Kusina. Nadatnan na namin sila dito dahil kanina ay dito nila trip mag-chismisan.

"Ang hirap po kasing kabisaduhin ng tamang mga timpla. Saka hindi po yata talaga kami meant to be ng kusina. " sagot ko .
Kasi naman nalilito ako kapag yung dami na ng ingredients yung nilalagay. Baka mapasobra o kaya naman kulang.

"Sally okay lang iyan maalam naman itong si Charles ko na mag-luto , siya na ang bahala sa kusina kapag sila ay naging mag-asawa. " sabay kaming napatingin ni Nay Sally kay Tita Charlene.

Asawa?

"Naku Charlene hindi iyon maaari. Dapat itong si Arielle ay maalam din. Paano pag sila ay nagka-anak . Tapos itong si Charles ay may trabaho. Alangang hintayin niya pa ang kanyang asawa para mag-luto. Kawawa naman pagka-ganun itong si Charles." saad naman ni Nay Sally.

Anak?

Teka bakit ba pinag-uusapan nila ang mga bagay na iyan? Saka bakit parang hindi nila ako nakikita kung makapag-usap sila.

Nilingon ko muli si Charles. Buti na lamang at busy ito.
Nakakahiya kapag nagkataong naririnig niya ang mga sinasabi nila Nay at Tita  .

"Sabagay nga. Pero siguro dapat nandun na lang din tayo sa bahay nila. Para tayo na lang magluluto. Tapos tayo din ang mag-aalaga ng mga apo natin." tumatawang sabi ni Tita Charlene at nag-apir pa silang dalawa, unti-unti akong napa-atras.

Ano ba yang mga sinasabi nila?
Napaka-advance nila mag-isip, hindi pa nga kami ni Charles.

Kaka-atras ko ay may nabunggo ako mula sa likuran. Kung kaya mabilis akong napaharap .

"Oh Charles."  wika ko ng makitang siya pala ang naatrasan ko.

Hinuli niya ang aking kamay .
"Dont mind them. Maalam ka man magluto or hindi , hindi pa rin magba-bago yung pagtingin ko sayo. " nakangiti niyang sabi.
Awtomatiko namang nag-init ang pisngi ko dahil sa kilig.
Pero nahiya rin ako ng ma-realize na naririnig pala niya ang mga sinasabi nina Nay Sally.

"Medyo maalam naman ako . "  saad ko.
"Hindi nga lang perfect." dagdag ko pa.

Napag-isip-isip ko, may punto nga naman si Nay Sally. Kung sakaling maga-asawa ako ay hindi pa pala ako maalam magluto.

Nakakahiya.

"Oo maalam ka naman. Konting turo lang makukuha mo rin yung tamang pagluluto.  Luto na yung pasta . Ipaghain na kita gusto mo?" alok niya.

Napangiti ako sa sinabi niya.
"Ako na lang kukuha. " tugon ko at saka nilampasan siya.

Bakit feeling ko ang bait-bait na niya? Hindi na suplado. Yiieee!

Habang nagsa-sandok naman ako ng Sphaghetti ay siya namang dating nina Sofia galing sa pagli-libot. Kung kaya naisipan kong mag-ahin na lamang para sa lahat ng nandito.
Pero dahil ayaw ni Charles mahirapan ako ay nag-prisinta na siya na mag-hayin para sa aming lahat.

Unang tikim ko pa lang sa Spag grabe nasarapan na kaagad ako.

"Kamusta lasa?" tanong sa akin ni Charles ng malunok ko ang kinaen kong Spaghetti.

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now