CHAPTER SEVENTEEN

165 31 9
                                    

Still Arielle P. O. V

Mabilis akong napabalikwas ng bangon ng maramdaman ang masakit na sikat ng araw na dumadampi sa aking balat mula sa siwang ng aking bintana.

Shocks!!!!

Anong oras na???

Dali-dali kong tiningnan ang orasan ko at nakitang alas-otso na ng umaga.

Halos tumalon ako sa kama papuntang Cr para maligo at mabilis na gumayak.

Kainis ka Charles!
Kasalanan mo ito!
Madaling- araw na ako nakatulog kakaisip sa mga sinasabi mo.

Paghu-hurementado ko.

Bwisit! Matatanggal ako nito sa trabaho!

Halos magkan-darapa ako sa paglabas ng bahay ng matapos akong maka-gayak.

Pero muli akong na-estatwa ng makita ang isang lalake na nakatayo sa aking gate.

Ang dahilan kung kayat hindi ako nagising sa aking malakas na Alarm!

Babalik na ba ko muli sa loob?
Ayoko siyang makita.

Hahakbang na ako pabalik ng muli siyang mag-salita.

"What do you think your doing? Its ready quarter to 9 Miss. Di ka pa ba magma- madali? ". naka- pamulsang sabi niya.

Manliligaw ba talaga siya? Bakit ang sungit-sungit pa rin niya?
Napaka-bipolar .

Hiyang- hiya naman ako sa kanya late na rin siya noh!
Pero anak siya ng may-ari kaya pwede talagang ma-late ang lokong ito.

Ei ako???? Empleyado lang.
Huhuhuhuhu!!

Tumayo na ako ng tuwid at saka tumikhim.

Malapit ko na siyang malampasan.

Konti na lang...

Kon---

"Saan ka naman pupunta. " hinarang niya ang kanyang isang kamay upang mapahinto ako.

"Aish! Ano ba Charles! Tama na kasi. ". sigaw ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at tiningnan ako na para bang nababaliw.

"Tama na agad? Nagsi- simula pa nga lang ako. Eto nga oh, dinamayan pa kita sa pagkaka- late mo. Kanina pa kong Ala-syete dito Ma'am . ". mahinahon niyang sabi.

Nakonsensya naman ako.

Tumikhim muna ako bago mag-salita.

Hindi naman ako makatingin sa kanya ng diretso dahil kakaunti lamang ang aming agwat.

"U-hmm , ibig kong sabihin aa- , Aish! sino bang may sabing hintayin mo ako? ". pasigaw kong tanong sa kanya.

Pero ang lalaking ito hindi man lang nasindak sa sigaw ko!

"Wala namang may sabi . Pero liligawan kita remember? At ang manliligaw ay hinahatid - sundo ang kanyang nililigawan. ". paliwanag niya .

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now