CHAPTER THIRTY

112 15 6
                                    

Matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang kaduluhan ng Hacienda at ito na nga ang ilog ng Himamawo Falls.
Dito rin kumukuha ng tubig pangdilig sa mga halaman ng Hacienda.

"Wow!! Hindi ko pa rin talaga maiwasang humanga sa lugar na ito. Wala pa ring pinag-bago. Napaka-ganda pa din. " manghang-mangha na sabi ni Sofia.

Tama siya dahil nanatiling maganda ang Himamawo Falls. Kulay asul ang tubig nito at ang isa pang nakaka-mangha ay kulay puti ang buhangin na matatapakan sa baba at mula dito sa itaas ay kitang-kita namin ang nagki-kislapang buhangin sapagkat tinatamaan ng magandang sikat ng araw at dahil na rin sa napaka-linis ng tubig.

Ang tubig ng himamawo ay galing sa itaas ng bundok at sabi ni Tatay Lucas ay isa daw itong bukal na tubig na maaaring inumin.

"Love baba na tayo gusto kong kuhanan ng picture ng malapitan  " aya naman ni Limwill kay Sofia at nagsimula na nga silang baybayin ang hagdan pababa papunta sa ilog sa ibaba.

Tila namangha rin ito dahil kaliwat-kanan ang pagkuha niya ng litrato sa lugar.

Ang pagka-kaalam ko ay si Lola at Lolo mismo ang nakaisip na pagandahin ang lugar na ito. Sa palibot ng ilog ay mayroong mga halaman  at may mga nag-gagandahang bulaklak. Kung saan ito ang mga paboritong bulaklak ni Lola.

Dito naman sa taas ay may mga malalaking kubo na maaring gawing pahingahan at tulugan ng kung sino mang nagpu-punta rito.
May apat ding mga C.R. na mapagba-banlawan at mapag-bihisan ng mga naligo sa ilog.
Sa labas ng mga kubo ay may lugar kung saan maaari kang mag-luto.

Dito naisipan ni Lola na mag-pagawa ng kubo sa itaas upang maiwasan ang pagkakalat at pagtatapon ng basura sa ilog.

"Napakaganda nga pala rito. Kaya naman pala atat na atat si Sofia na magpunta dito." napatingin ako kay Charles sa kanyang sinabing iyon.

"Ika-tatlong beses na niyang mag-punta dito pero paulit-ulit pa rin siyang humahanga."

"Nakaka-mangha talaga ang lugar na ito. Lalo na iyon." Turo niya sa Falls. "Nakaka-akit puntahan. "

"Tama ka, maganda nga duon kaso napaka-lalim ng mismong pinagba-bagsakan ng tubig. Pero paborito ko pa ring pumunta duon" sagot ko.

Delikado din dahil may mga ilang beses ng nalunod pero naiiligtas naman agad. Sa kabutihang palad naman ay wala pang nangyayareng insidente na humahantong sa kamatayan.

"So, maalam ka palang maglangoy?"

"Syempre maalam naman ako. Lumaki ako dito at noong highschool pa lamang ako ay halos araw-araw akong naliligo sa ilog na iyan." sagot ko.

Napakasarap kaya ng tubig ng Himamawo kahit napaka-lamig at adik na adik ako dati sa paglalangoy.

"Karera tayo papunta sa falls mamaya. " hamon niya kaya napatingin ako sa kanya ng seryoso.

"Naku baka mapahiya ka lang. Sanay na sanay ako sa ilog na iyan noh!" pagmamayabang ko.

Lumapit sa amin si Tay Lucas na tila narinig ang aming usapan. Dahil inakbayan niya si Charles at naki-sabat .
"Tama nga naman si Arielle. Baka mapahiya ka . Ala eh' ay daig pa niyan ang isda sa bilis mag-langoy." napatawa naman si Charles sa sinabing iyon ni Tay Lucas.

"Tawa ka diyan! Sige mamaya pag natalo kita lagot ka saken' ." banta ko sa kanya.

"Paano naman kapag ako ang nanalo. Anong premyo?" napaisip ako sa tanong niya na iyon.

"Ay alam ko na ang premyo ! Makukuha mo na ang matamis na oo ni Arielle!" singit muli ni Tay Lucas at tila tuwang-tuwa pa.

Ikinagulat ko naman iyon at hindi kaagad naka-sagot.

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now