CHAPTER THIRTY-THREE

139 15 0
                                    

"Charles ! Arielle! " sabay kaming nag-angat ng tingin para makita ang tumawag sa amin.

Kasalukuyang bumalik kami sa hapag-kainan upang ituloy ang pagkaen. Matapos makalabas galing sa Cr.

Pa-simple kong binabawi ang aking kamay mula sa pagkaka-hawak ni Charles ngunit likas na pasaway siya at ayaw pakawalan.

Hindi talaga ito natatakot mahuli eh' . 

"Oh' Sofia. Saan ka galing at pawisan ka?" Salubong na tanong ko ng makalapit siya sa amin. Pawisan siya at tila hinihingal.
Mabuti na lamang at nasa ilalim ng lamesa ang aming mga kamay ni Charles na magka-hawak kaya hindi agad mapapansin ni Sofia.

Maarte siyang nag-punas ng pawis gamit ang panyo niyang hawak.
"Sino bang hindi? Kanina pa namin kayo hinahanap . Sabi ni Will wala kayo dito sa kusina kanina. Saan ba kayo nang-galing?"

Tumingin ako kay Charles pero ang mokong hindi sumagot dahil binalik niya muli ang kanyang tingin sa kanyang pagkaen at nag-simula na muling sumubo.
Kaya binalingan ko muli si Sofia.

Naka-taas ang kilay niya. Sasagot na sana ako ng magsalita muli siya.
"Hindi pala importante kung saan kayo galing. Ang mahalaga ay sumama ka saken ngayon din." Saad niya at lumapit sa akin upang hilahin ako patayo.

Napahinto siya ng makitang naka-hawak din si Charles sa isa kong kamay.

Halata ang pagka-gulat sa mukha ni Sofia pero kaagad itong ngumiti ng may kakaibang ibig sabihin.

Ngunit nawala rin agad ng pag-sungitan siya ni Charles.
"Bitawan mo siya Sofia. Cant you see? Kumakaen kami." Napangibit si Sofia sa sinabing iyon ni Charles.

"Ito naman ayaw paabala. Emergency ito lover boy. Kanina pa siya hinahanap ni Tatay Lucas dahil may problema ang Hacienda." Paliwanag ni Sofia.

Naramdaman kong lumuwag ang pagkaka-hawak ni Charles sa aking kamay.
"Problema? Anong nangyare ?" Nag-aalalang tanong ko.

Tumingin siya saken ng seryoso.
Minsan lang siya magka-ganito kaya medyo kinabahan ako.
"Hindi ko sigurado pero ang narinig ko lang ay nagsi-simulang atakihin ng mga peste ang mga pananim na gulay." Sagot niya na ikina-bigla ko.

Napatayo rin si Charles .
"Oh my gosh, nasaan sina Tatay Lucas? " Natatarantang tanong ko.

"Nandoon sila sa may labas kasama niya ang mga magbu-bukid. Kaya tayo na." Pagkasabi niya noon ay hinayaan na ako ni   Charles na sumama kay Sofia.

Pagkalabas namin ay bumungad agad sa akin ang mga trabahador ng Hacienda. Naagaw ko ang atensyon ng ilan ngunit ang karamihan ay abala ay may kanya-kanyang usapan.

"Ayan na pala si Mam Arielle." Dinig kong bulungan ng aking nadadaanan.

Nakita ko si Tay Lucas at Nay Sally na nasa gitna ng isang kumpulan. Kung kaya naglakad ako papalapit sa kanila.
"Tay ano pong nangyare?" Tanong ko .

Inalis niya ang kanyang sumbrerong gawa sa abaka at malungkot niya akong tiningnan.

"Iha, umaatake na naman ang mga peste sa ating mga pananim. Napakalawak na ng kanilang nasisira. Kapag yun ay hindi naagapan ay baka lahat ng ating pananim ay maubos ng peste. Kabilis naman eh' ng pangyayare. Wala pa naman kahapon ay bakit ga ang nag-daang magdamag ay naatake agad nila ang kanlurang bahagi ng Hacienda. "  Kwento niya.

"Oo nga . Tunay ngang napakabilis ng pangyayare." Sang-ayon ng iba.

"Malulugi tayo niyan ."

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now