CHAPTER TWENTY-FIVE

138 19 6
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

-

"What are you doing here? " mahinahong tanong ni Charles sa kapatid.

"Hindi mo ba ako namiss bro?" nakangising tugon ni Francis. Lumipat naman ang tingin nito sa katabing ina.
" Oh Hi Tita! Namimiss ko na yung masarap na breakfast na laging niluluto mo . " natatawang sabi nito.

Dumako naman ang tingin nito kay Arielle tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
"Fantastic! Alam kong maganda ka na pero hindi ko alam na may igaganda ka pa. " nakangiting wika nito.

Magka-halong kaba at takot ang nararamdaman ni Arielle ng magtama ang paningin nila ni Francis.

Humakbang papalapit si Francis papunta kay Arielle.
Ngunit agad namang hinarangan ni Charles ang kapatid.
"Get Lost! " seryosong sabi nito .

"Whoaaa! Over protective huh? "  nangiinis na sabi ni Francis.

"Tama na yan Francis! " isang malakas na sigaw ng kanilang ama na si Francisco at nag-agwat sa masamang titigan ng mag-kapatid.

"Francisco anong ginagawa mo dito? " tanong ni Charlene ng makilala kung sino ang sumigaw.

"Nandito ako para marinig mula sa inyo ang ginawa ninyong kagaguhan sa akin."
galit na sabi ng ama.

"Anong kagaguhan? " saad ni Charles.

Pumalakpak si Francis sa narinig mula kay Charles.

"Ano yan? Best actor of the year? " tumatawang wika ni Francis.
"Mr. Cortez! Lumapit ka dito ." tawag ni Francis sa reporter at pinaharap kay Charles.
"Kilala mo ba siya? Hindi ba't ito ang reporter na inutusan mo upang magpa-kalat ng issue tungkol sa pagka-bastardo mo? " nag-salubong ang kilay ni Charles sa narinig mula sa kapatid.

Maging si Arielle na nakikinig ay tila nalito at naguluhan .

"Anong sinasabi mo Francis? Walang kinalaman ang kapatid mo sa lumabas na issue. " pagta-tanggol ng ina kay Charles.

"Tumahimik ka Charlene! Tatanggi pa ba kayo? Eto na mismong reporter ang umamin! Ang gusto ko ay aminin nyo lang ang lahat at para tapos na. Wag na wag na kayo sa aking magpapakita o magpaparamdam! " galit na galit na sigaw ng ama. Tumuro siya kay Charles
" At ikaw hinding-hindi na kita kikilalanin bilang isang anak! "  napangiti si Francis sa narinig mula sa ama.

Ngunit naiyak si Charlene sa binitawang salita ni Francisco.
Samantalang ikina-ngiti naman din ni Charles ang sinabi ng ama. Tila ba hindi ito apektado.
Tinitigan niya ang  reporter.
"Hindi kita kilala." maikling wika nito.

Lalapit na sana siya sa ama ng mag-salita ang reporter .

"K-ilala mo ko Sir. I-kaw pa mismo ang nag-punta sa opisina namin noong isang buwan. " sagot nito.

Tiningnan muli ni Charles ang reporter.
"Nagpunta ba ko sayo? " nagkamot ito sa ulo at tila nag-iisip kung kailan iyon nangyare. "Anong petsa at araw nga pala nuon?" tanong muli ni Charles.

Dali-dali namang kumuha ng Cellphone ang reporter at tumingin ng date sa calendar.

"N-oong August 16 po . Parang galing pa kayo noon sa trabaho pinuntahan ninyo ako para i-discuss ang bawat detalye na nais ninyong mangyare." napangisi si Charles sa sagot na iyon ng reporter.

Magsa-salita na muli sana siya ng biglang lumapit si Arielle sa reporter.
Nag-cross arms ito.

"Magkano ang pangangailangan mo para magawa mong mag-sinungaling? " napa-atras naman ang reporter sa sinabing iyonng dalaga.

Missing Half - COMPLETED 💙Where stories live. Discover now