CHAPTER SEVEN

192 43 29
                                    


It's already 10am at syempre kagigising ko lamang, ang sarap talaga kapag Day Off.
Mahimbing na makakatulog at tanghali ng magigising.

Hindi na naman dito umuwi si Sofia. Bakit naman kaya?

Namimiss ko na kahuratan niya.
Kapag naman tintawagan ko Cannot be reach.
Ano kaya kung puntahan ko na lang siya sa kanilang bahay? 


Tama puntahan ko na lang!

-

-

Simpleng short at t-shirt lang ang sinuot ko, tutal  dun lang naman yun sa kabilang village kaya okay lang na ganito ang suotin.

Kinuha ko na ang aking bike .
Tamad akong maglakad kaya gagamitin ko ito.

Mabilis lang akong nakarating sa kanilang bahay pero napansin ko kaagad na tila ba walang tao.
Naka-padlock pa yung gate nila.
Imposible namang sa ganitong oras ay natutulog pa rin sila.
Kilala ko si Tita at Tito hindi yun nagpapa-late ng gising.

Kaka-hintay ko ay nakita kong lumabas sa kabilang gate, yung kapitbahay nila. Kaya naisipan kong mag-tanong.

Lumapit ako sa kanya para mapansin niya ako."Excuse me po, meron po bang tao dito?

"Bakit ineng? Kaano-ano ka nila Philip? " tanong din niya sa akin.

"Bestfriend po ako ni Sofia. " pakilala ko.

"Aa ganun ba? Di mo ba iha alam, na-hit and run si Philip at  ang alam ko nga hanggang ngayon hindi pa ito gumigising. Nagha-halinhinan lang yung mag-ina diyan na umuwi para siguro kumuha ng gamit na kailangan nila sa ospital ." paliwanag saken ni Manong.

Paano nangyare iyon at kelan Pa?

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang iyon.

"Sigurado po ba kayo? " tanong kong muli.

"Oo naman. Balita ko nga rin hindi pa daw nahuhuli yung naka-bangga." sobrang awa ang aking naramdaman para kay Sofia.

"Saan po kayang ospital naka-confine si T-ito Philip. "nanginginig ang boses ko ng muling magtanong.

"Ang alam ko sa St. Joseph Hospital siya naka-admit. " tugon ni Manong.

"G-anun po ba. Salamat po. " nanghi-hina akong umalis.

Kailangang maka-punta agad ako duon ngayong araw. Bakit hindi man lang sinabi sa akin ni Sofia?

Baliw talaga!

-

Umuwi muna ako sa bahay upang mag-palit ng damit.

Pagka-baba ay natigilan ako ng makitang nandito sa aking sala si Francis. 

"Hi Arielle! Bukas yung gate at itong pintuan mo kaya pumasok na ko. " saad niya ng mapansin ako.

Sa kaka-madali ko hindi ko na pala naisara ang pintuan.

Nag-tresspasser naman ang isang ito.

"Anong ginagawa mo dito. " mataray kong tanong.

.

"Wow! Haha ganyan ka na ba mag-great ng bisita? " naka-ngising sabi niya.

Bisita or bwisita?

" Pwede ba Francis, wag ako yung guluhin mo, may importante akong lakad ngayon. Kaya pakiusap lang umalis ka na. " wika ko.

Ngunit ang loko ini-snob lang ang sinabi ko.

Missing Half - COMPLETED 💙Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt