Napalingon naman ako agad at nanlaki ang mata ko, wait..

"Drake??" mahina kong sabi. "A..Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"We're classmates! Bakit? May problema ba dun?" ani niya habang ngiting-ngiti.

"W..What?"

"Mind to share your business there Ms. Mondejar and Mr. Salvador?" napaharap ako sa harapan nang magsalita si Prof.

"Ah..Eh.. W-wala po Prof. Hehe." ani ko, kinakabahan ako. Mahigpit pa naman yang' si Prof. Vega lalo na kung nagtuturo siya at nakikipagusap ka sa kaklase mo.

"How many time do I have to tell you that I don't want to see all of you talking to your classmates while I'm teaching?? Now, Ms. Mondejar and Mr. Salvador, Makakalabas na kayo, yan ang rule ko right? So the two of you, Get out!!" galit na saad ni Prof. Vega.

"Y..Yes sir." ani ko. Kainis talaga! Ang ganda nang simula nang araw ko, tapos nasira nanaman dahil kay Drake! Nakakainis talaga!

Tinapunan ko nang masamang tingin si Drake tsaka naunang lumabas nang room.

Paglabas ko, tumayo ako sa corridor at tumanaw nalang sa baba. Pero naramdaman kong tumabi sakin si Drake.

"Alam mo kung hindi ka nangalabit, hindi ako papalabasin eh! Kainis ka!" bulyaw ko, "Tsaka isa pa pala, yung ginawa mo saking paghalik sa pisngi, (Chapter 10) hindi ako natuwa doon ha!" dagdag ko pa. Lumingon ako sa kanya at tawa lang siya nang tawa. Bwisit talaga!

(>____<) "

"Can you please stop laughing?!!" napalakas kong sabi kaya naman nagsitinginan yung mga estudyante na naglalakad sa corridor sa amin.

"Hahaha. Alright, hindi na. Im sorry! Masaya lang ako kasi nakita ulit kita after that.. night? hahaha." fokkshit! kainis talaga to!

Tumalikod ako at naglakad nalang, mamaya pa naman 1:30 matatapos yung klase sa Psycho at 12:20 palang! May 1 hour and 10 minutes pa akong ilalagak dito sa labas! Naku! Pag nalaman ni Ethan to' nakakahiya!

Naramdaman ko namang sumusunod sakin si Drake.

"Ano ba? Stop Following me!" suway ko, bakit ba kapag nakikita ko siya nabwibwisit ako? Ang lantod lantod niya kasi, tapos ugh! Yung ginawa niya kasing pag-kiss sakin, although sa cheeks lang yun pero kahit na! Hindi pa naman nadeklara na kaibigan ko siya ah' kaya hindi matatawag na Friendly kiss yon! Ewan! Ugh!

"Shairaaaa! Wait!" hinawakan niya ako sa braso kaya napatigil ako sa paglakad.

"What now?" masungit kong sabi, Im not used to be like this pero kasi nakakainis siya.

"Okay, im sorry. Im sorry dahil sakin napalabas ka, Im sorry kasi hinalikan kita sa pisngi, it's just that... I have that urge to kiss you, and... Friendly kiss lang yon, A kiss of appreciation' nang pagpayag mo na ihatid kita that night, i know di pa tayo magkaibigan at naging reason pa ako para magka-away kayo ni Ethan noon' im sorry. Yeah-- im really sorry." sabi niya at napayuko.

Kusa namang nawala yung inis ko sa kanya, okay naman na kasi sakin ang paghingi nang sorry lalo na't alam kong sincere, kanina kasi nung nagsorry siya tumatawa siya kaya hindi ko tinanggap, but now' i think he's really sincere.

"Okay, apology accepted." ani ko, at ngumiti sa kanya, inangat niya yung tingin niya at nakita ko ang pagningning nang mata niya, bigla niyang nilahad yung kamay niya sa akin at..

"Friends??" inabot ko yung kamay niya at shinake hands yon'

"Friends.." ani ko, nagulat ako nang bigla niyang hilahin yung kamay ko at bigla niya akong niyakap nang mahigpit.

Started with a Fake Relationship (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon