CHAPTER 49

6.6K 134 3
                                    

CHAPTER 49

          Malayo pa lang ay kita na nila ang kasiyahang nangyayari sa plaza pati na rin ang mga kabataang tulad nila na naroroon at nakakasiyahan. Mula sa kanilang kinatatayuan ay kitang-kita nila ang malaking stage kung saan may kumakanta.

          “Umaakyat diyan ang sino mang gustong kumanta para sa isang tao…Parang modern way of harana…Cool diba?” Ani Lumina na nakalingon sa kanya dahil nasa may bandang unahan niya ito. Sinagot lang niya ito ng tahimik na tango bilang sagot.

Nang makalapit sila randam na randam at kityang-kita ni Gift ang mga matang nakapako sa kanila pero hindi niya iyon binigyan ng pansin iniisip na lang niya na nasa school siya at ganoon na ganoon ang reaksyon sa kanya ng mga kaschool mate. Pero hindi niya napigilang mapatingin kay Light ng walang imik siya nitong kabigin palapit para lang makita ang matatalim nitong tingin sa mga nakakasalubong nila.

          “Just hold my hand okay.”Ang mahina nitong sabi habang mahigpit na hawak ang isa niyang kamay.

          Lihim niyang naiikot ang kanyang mga mata dahil may pakiramdam siyang kahit gustuhin niya ay hindi naman siya nito bibitiwan.

          Halos okupado na ang lahat ng mga mesa at bangko at hindi niya alam kung paano nagawa ng mga kaibigan ni Light na makakuha ng magandang pwesto pero hindi na siya nagtanong dahil may palagay siyang alam na niya kung ano ang ginawa ng mga ito base na rin sa mga nangingilag na tingin na ibinibigay sa kanila ng mga katabing mesa.

          Nang makaupo agad na napako ang tingin niya sa lalaking nasa stage. Hindi ito gwapo at hindi rin malakas ang dating nito pero iba ang masasabi niya sa boses nito na  nagkataon pang ang kinakanta ay ang isa sa mga paborito niyang kanta kaya naman hindi maalis-alis ang tingin niya dito.

          “Wow!”

          Narinig pa niyang mahinang bulaslas ni Lumina sa tabi niya na tinguhan lang niya bilang pagsang-ayon. Pero agad ding napabaling ang tingin niya sa katabing si Light ng maramdaman ang madilim na aurang linalabas nito and she almost sweat drop ng makitang halos lamunin na nito sa tingin ang lalaking kumakanta.

          “You’re frowning again.” She said pointedly with hint of amusement in her voice.

          “What so great about that man’s voice!” Ang nakasimangot nitong sabi na hindi pa rin naaalis ang pagkakakunot ng noo.

          Titingnan uli sana niya ang lalaking kumakanta pero hindi niya mapigilang mapadaing ng mahina ng walang pasabing hinigit ni Light ang dulo ng kanyang buhok. Pinagdilatan niya ito ng mata. “Masakit ha!”

          “Hindi tamang tumitingin ka sa iba kapag may kausap ka!” Ang napakasungit nitong sabi.

          Napailing siya. “Ang bipolar mo.” Pero sinimangutan lang siya nito at sapat na iyon para makabuo siya ng konklusyon sa kanyang utak kung bakit ito nagkakaganito.

          “Hindi mo ba naririnig that man’s voice can captivate the attention of every girl he desire.” She said with a straight face kahit pa sa loob-loob ay parang gusto na niya itong tuksuhin sa pagiging seloso nito.

          Tiningnan siya nito ng masama at hindi na niya napigilan ang pag-guhit ng malawak na ngiti sa kanyang labi.

          “Kung ganoon kakantahan din kita.”

          Natawa siya sa biro nito dahil hindi na niya kailangan iremind dito na hindi kasama ang pagkakaroon ng magandang boses sa mga biyayang tinanggap nito mula kay God pero agad din siyang napatigil sa pagtawa ng walang sabi-sabing tumayo ito at naglakad palapit sa may stage pagkatapos na pagkatapos na kumanta ng hindi kilalang lalaki.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon