CHAPTER 60

7K 150 13
                                    

CHAPTER 60

One month…

Two months…

Three months…

Four months…

Five months…

          Limang buwan, tatlong lingo at anim na araw…Ganoon na pala katagal, at isang araw na lang anim na buwan na. Nangyari na ito sa kanya noon eh…Déjà vu ba ito? Pero bakit laging sa kanya? Hindi ba sapat ang isa para matapos lahat ng paghihirap niya?

          Nahahapong napaupo sa sahig si Gift habang parang wala sa sariling nakatingin sa puting dingding sa kanyang harapan. Nakakabaliw ang paghihintay pakiramdam niya anumang oras ay bibigay na siya sa katinuan.

          Paano ba siya napunta sa ganitong sitwasyon gayong parang kahapon lang ay napakasaya niya? Parang kahapon lang masaya niyang iniisip at pinaplano ang hinaharap niya…Pero ngayon natatakot siyang isipin na baka wala ng hinaharap pa para sa kanya at para kay...

          Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata para lang muling mapamulat ng muling bumalik sa kanyang ala-ala ang nangyari.

          “Saan ba talaga tayo pupunta?” Hindi na alam ni Gift kung ilang beses na ba niyang itinanong ito kay Light pero palagi lang isang ngiti ang isinasagot nito sa kanya.

          Madaling araw ng pumunta ito sa kanila at sunduin siya at kahit na antok na antok ay wala siyang nagawa kundi ang bumangon  at sumunod dito lalo pa ng para itong batang nagtatalon-talon sa kanyang kama.

          “Light!” Naiinis na niyang sabi.

          Isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Light. “You are really cute when you whined like a child.” Anito na kahit hindi niya nakikita ang buong mukha dahil ang buong atensyon nito ay nasa pagmamaneho alam niyang may malawak itong ngiti.

          “I do not whine LIKE A CHILD.” She said indignantly.

          Isang malutong na tawa uli ang pinakawalan nito. Kinuha nito ang kamay niya at  maingat iyong ikinulong sa kamay nito. “Alam mo ba Gift ikaw ang pinakamagandang bagay na nangyari sa buhay ko at habang buhay ko iyong ipagpapasalamat sa Diyos.”

          And her hearts beats abnormally again pero hindi maitatanggi ang tuwang nararamdaman niya dahil sa sinabi nito. “Don’t talk as if you are saying goodbye.” Ang nakangiti niyang sabi.

          “Me? Never dahil titiyakin ko sa iyo na para akong mighty bond sa buhay mo na hinding-hindi mo matatanggal…Mahal na mahal kita Gift.”

          Nang tumingin sa kanya si Light kitang-kita niya ang matinding sensiridad sa mga mata nito at hindi na niya mapigilagn lumapit pa dito at isandig ang ulo sa dibdib nito.

          “Sa tingin mo ganito pa rin tayong dalawa after a year?o kaya after five, ten and many years?” Ang mahina niyang tanong.

          “Syempre naman.” Light answered without thinking na para bang napaka confident nito sa sagot nito.

          “Paano ka naman nakakasigurado?” She asked.

          “Five years from now isa ka ng ganap na doctor gaya ng gusto mo at sa harap ng lahat I’m going to ask you a question and you will definitely say yes.”

Napangiti siya sa sinabi ni Light. “So confident aren’t you.”

Tumawa si Light. “Syempre dahil hindi naman ako titigil until makulitan ka sakin at umoo ka.”

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon