CHAPTER 57

6.5K 135 3
                                    

CHAPTER 57

LIGHT POV

          Sinadya niyang gumising ng maaga para sa araw ng competition ni Gift. SInadya rin niyang bulabugin ang pito niyang mga kaibigan para samahan siya ng mga ito na bumili ng regalo para kay Gift. Hindi nga lang niya naabutan si Giordan dahil maagap daw itong umalis at kahit na anong tawag niya sa cellphone nito ay hindi nito sinasagot kaya mas pinili na lang niyang huwag itong hanapin dahil napakahalaga ng araw na ito at ayaw niyang mabawasan ang oras ng preparasyon niya para kay Gift.

          Alam niyang napakahalaga ng kabanatang ito para kay Gift at gusto niyang mas maging masaya ang araw na ito sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng regalong hindi nito makakalimutan. Regalong hindi lang para sa competition nito kung hindi maging para sa unang buwan ng kanilang pagiging magnobyo.

          “Boss…ang agap pa.” Ang inaantok na reklamo ni Luke sa kanya na hindi man lang nakabawas sa kanyang ngiti.

          “Ano ba boss ang gusto ninyong ibigay kay Princess ng makauwi na kami at makatulog uli.”

          “Oo nga naman boss.” Ang naiiling na segunda ni Nashon sa sinabi ni Nate dahil natitiyak niyang pipilitin din sila ng kanilang boss na manood ng competition ni Princess.

          Mabilis na tumigil sa paglalakad si Light at humarap sa kanilang pito. “Flowers, chocolate, stuff toys…everything that can make her smile.” Ang masiglang sabi ni Light na hindi pa rin mawala-wala ang napakalawak na ngiti sa labi bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

          “Itong bang si boss ay nasapian? Everything? Ano naman ba yung everything?” Blue said almost irritatedly peor hindi maitatanggi ang amusement sa mga mata nito habang sinusundan ng tingin ang boss.

          “Ang swerte ni Giordan at nakatakas siya.” Ashton said tiredly, paano kanina pa sila paikot-ikot dito sa infinity mall pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapili ng kahit na ano ang boss nila. For God sake lampas lunch time na kaya!

          “Pabayaan nyo na mas maganda na ang masyang boss kaysa sa boss natin na parang pasan pati ibang planita sa universe.” Yujuan said with an amuse smile.

          Halos sabay-sabay na nagpakawala ng napapagod na buuntong hininga ang lima na napilitang sumunod kay Yujuan na sinusundan ang kanilang boss.

GIFT POV

          Kahit na anong pigil sa sarili hindi pa rin mapigilan ni Gift na mapakunot ang noo habang panay ang kanyang tingin sa kanyang wrist watch. Malapit na kasing magsimula ang competition niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita kahit anino ni Light o kahit na sino sa mga alipores nito. Nakailang tawag na rin siya sa cellphone ng mga ito pero panay mga out of coverage area.

          “Light, where are you?” Ang mahina niyang bulong sa sarili. Nandoon siya ngayon sa labas ng venue ng competition at inintay si Light.

Alam niyang hindi siya bibiguin ni Light, nangako itong darating at hindi siya naniniwalang sisirain nito ang pangako nito sa kanya. Pero sa paglipas ng oras hindi pa rin  niya maiwasan ang malungkot kahit pa mas malaki ang bahagi ng kanyang puso ang naniniwala sa binata.

          “You look nervous.”

          Hindi niya mapigilang mapapitlag ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran para lang makita si Giordan na nakatayo hindi kalayuan sa kanya habang prenting nakapamulsa at nakatingin sa kanya. Agad na naglakbay ang paningin niya sa paligid upang hanapin ang pamilyar na bulto ng taong kanina pa niya hinihintay bagay na hindi nakaligtas sa paningin ni Giordan.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon