CHAPTER 4 "First Encounter..."

29K 624 2
                                    

Chapter 4

                 Mariing naipikit ni Gift ang mga mata ng makapasok sila sa isang parang conference room at mapunang halos lahat ng tao roon ay sa kanya nakatingin ng dahil sa eksenang ginawa ng weirdong mga  kasama niya. She  buried her face in the guy’s chest out of embarrassment.

                 “What happened to her!”  said a very baritone voice.

                 Isang impit na tili ang napakawalan niya ng walang anu-ano ay may bigla na lang humablot sa kanya mula sa kasama at kinailangan niyang ihawak ang dalwang kamay sa batok nito upang hindi mahulog.

                 Tiningnan niya ng matalim ang pangahas na lalaking ngayon ay may buhat na sa kanya  pero wala iyong silbi lalo pa at sa kasama niya ito nakatingin at kung nakamamatay lang ang tingin marahil nakapatay na ito sa talim ng tinging ibinibigay nito sa kasama niya.

                 Hello nandito kaya siya kaya sana lang huwag siyang itrato ng mga ito na parang hindi nag-eexist.

                 The guy is drop dead gorgeous at hindi siya ipokrita para itanggi iyon but when the guy suddenly looked at her, her green eyes met a gray eyes that held a familiar emotion na matagal na niyang hindi nakikita.

                 “Are you okay?” naguluhan si Gift sa bilis ng pagbabago ng expresyon ng lalaki na nakatingin na sa kanya with so much concern unlike before na tila lalamon ito ng tao “What did you do to her Giordan!” Ayon nanaman ang kabangisan sa boses nito pati na rin ang napakadilim nitong expresyon.

                 Dyos ko sa isang Asylum ba siya naroroon! O_____O

                 “Hey!Hey !Hey!Huwag kang mambintang Boss.”

                 Bago pa natapos ni Giordan ang sasabihin ay nakatalikod na si Light habang maingat na buhat ang naguguluhan na talagang si  Gift.

                 “Our boss will be stupid kung hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung ano ang nararamdaman niya for that girl.” Naiiling na sabi ni Yujuan na tahimik namang sinang-ayunan ng ibang member ng infinity na tahimik lamang nanonood sa nangyayari kanina.

                 Halos manlaki ang mata ni Gift ng makita ang malaking painting niya sa loob ng isang malaking room na pinasukan nila. She can’t remember kung kailan nangyari iyon kung saan siya nakasuot ng isang simpleng white dress while smiling softly at something.

                 God! Dapat nab a siyang kabahan! Ganitong-ganito iyong eksena sa isang pelikula kung saan piñata iyong isang babae ng isang super obsess sa kanyang lalaki.

                 “Are you okay ?May masakit ba sa iyo?” Ang sunod-sunod na tanong nito matapos siya nitong ibaba sa isang mahabang sofa.

                 Wala sa sariling napatango na lamang siya habang nakatingin pa rin sa malaking painting sa harapan niya.

                 Halos mapatalon si Gift sa matinding gulat ng naramdaman ang kamay ng lalaki na banayad na hinaplos ang kanyang pisngi dahilan para mabilis siyang mapatingin rito.For the second time muli niyang nakita ang familiar na emosyon na iyon  sa mga mata nito. It was full of sadness and longing na pilit nitong itinatago pero malaya niyang nakita. Unconsciousy her fingers moves on its own to gently caress his face.

                 Light can’t help but close his eyes when he felt her fingers and it was enough para muling magbalik ang emosyong iyon na naramdaman niya ng una niya itong makita sa mall.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon