CHAPTER 10

19.2K 390 1
                                    

Chapter 10

          Habang nasa labas ng pintuan ng banyo rinig na rinig pa ni Light ang hikbi ng hindi pa rin nakikilalang dalaga sa loob ng banyo kahit pa nga natitiyak niyang pilit nito iyong pinipigil.

          Mariin niyang naipikit ang kanyang mata habang nakasandal sa pinto ang noo. Hindi niya alam kung bakit parang sumisikip ang dibdib niya habang nakikinig ang hikbi nito.  niy

          Napaupo siya sa tabi ng pinto habang iniintay niyang lumabas ang dalaga. Kahit ano kasing pilit niyang utos sa sariling umalis upang sa kinatatayuan ay hindi niya magawa na para nakapako na siya sa kinapupwestuhan.

          “Ano bang nangyayari sa akin?”  Muli niyang naipikit ng mariin ng kanyang mata ng mas lalong naging malinaw ang hikbi ng dalaga. Ang bigat bigat ng dibdib niya habang pinakikinggan ang impit nitong mga hikbi.

Infinity Gang POV

          Habang tinitingnan ang kanilang boss habang nakasandal sa tabi ng banyo hindi nila mapigilan ang magkatinginan lalo pa at kitang-kita sa mukha ng kanilang boss ang samot saring emosyon na hindi nila akalaing makikita nila dito.

          “That girl is big trouble.” Ang mahinang sabi ni Nashon na malinaw naming narinig ng iba. Nasa dulo silang bahagi ng kwarto pero kahit na malayo sila kay n Light mas pinili pa rin nila ang magsalita ng mahina.

          “She is interesting.” Luke said defensively.

          “Look at boss, he’s been acting weirdly ever since he saw that girl.”

          “What are you trying to say  Blue?” Nate asked.

          “That maybe Nashon is right.That maybe that girl’s presence will only bring troubles.”

          “So what are we going to do?” Nate asked again kahit na parang nahuhulaan na niya ang gustong mangyari ng mg kaibigan.At mukhang nahulaan din iyon ng iba na tahimik na sumasang-ayon

          “Hey..hey…hey…ano ba kayo. Wala namang ginagawa sa atin yung tao ah.”

          “Shut up Luke don’t forget our number one rule.”

          Sa sinabing iyon ni Nashon tuluyan ng hindi nakaimik si Luke.

          “There is just a very large factor that will make whatever plan we will form a big Failure.”

          Ang lahat ay napatingin kay Yujuan ng sa wakas ay magsalita na ito.

          “Anong ibig mong sabihin Yujuan?” Nakakunot na tanong ni Blue.

          “If any of us touch her, Boss will kill us.” Ang mahina pero puno ng kaseryosohang sagot ni Giordan na sa kauna-unahang pagkakataon ay inalis ang tingin sa binabasang libro.

          “That’s absurd.”

          “Is it Nashon?” Ang seryoso na ring sabat ni Yujuan.

          Pero bago pa amn masagot si Nashon at ang kahit na sino sa mga ito naagaw na ang pansin nila ng biglang pagtayo  ng kanilang boss at maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng banyo at lumabas doon ang dalagang topic ng kanilang usapan.

          Nakabihis na ito  at walang bakas ng kahit anong emosyon ang mukha.

Gift POV

          Matapos maiiyak ang lahat pilit niyang ibinalik ang lahat sa wisyo. Pero hindi niya mapigilan ang mapakunot ng noo ng makita ang lalaking iyon na nag-iintay sa kanya sa labas ng banyo. Pero muli niyang pinili ang magsawalang kibo at sa halip ay tahimik na nilapitan ang kanyang bag na nakita niya kanina sa paanan ng kanyang hospital bed.

          Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at mabilis na denial  iyon. “Hello nandito ako ngayon sa St.Lukes pwede mo ba akong sund---” Bago pa niya matapos ang sasabihin ay may mabilis ng umagaw ng kanyang cellphone pero mas nanlaki ang kanyang mata ng makitang lumipad sa labas ng bintana ang kanyang cellphone.

          Mabilis siyang napatakbo sa may bintana pero ni hindi man lang niya nakita ang kahit na maliit man lang na bahagi ng kanyang cellphone at doon na tuluyang nasira ang kanyang composure.

          “Are you really crazy!” Nanlalaki ang mga matang sigaw niya kay Light.

          “Diba ang sabi ko sayo ako ang maghahatid sa iyo.” Madilim ang mukhang sabi nito.

          Parang gusto niyang sabunutan ang sarili sa matinding frustration para dito. “Ano bang gagawin ko para lang lumayo ka sa akin!”

          Kung posible ay mas lalong dumilim ang mukha nito pero wala na siyang pakiaalam dahli ang alam lang niya mula ng pumasok ito sa buhay niya ay kung anu-ano ng kamalasana ang nangyayari sa kanya at hindi siya masokista para iwelcome ang posibleng maging dahilan ng maagang pagkamatay niya.

           “Anong sabi mo!”

          Her instinct is telling her to shut up pero mukhang sa dami ng nangyari sa kanya maski ang bibig niya ay hindi na rin magawang maniwala sa sarili niyang utak. “Hindi mo maintindihan pwes papaikliin ko para sayo! Leave me alone yung malayong-malayo na kahit anino mo ay hindi ko makikita!”

          “Shut up!”

          “No! Lumayo ka sa akin ayaw na kitang makita!”

          “I said shut up!”

          “I’ll shut up once you leave me alone you jer-”

          Hindi na niya nagawang matapos ang anumang sasabihin ng walang abbalang suntukin nito ng malakas ang dingding na malapit sa mukha niya ng sobrang lakas.

          “This guy totally lost his mind!!!”

 

ITUTULOY…

         

         

         

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon