CHAPTER 59

6.3K 135 13
                                    

CHAPTER 59

          Mariing naipikit ni Giordan ang kanyang mga mata habang napapagod na ibinagsak ang sarili sa mahabang sofa ng kanilang bahay. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa sitwasyong kinalalgyan niya ngayon.

          Kanina habang kausap niya si Yujuan hindi niya na niya napigilan ang sarili na magsalita. Pinilit niyang manahimik pero napakahirap pala. Paano niya gagawing magpaubaya kung buong buhay niya hinintay niya ang taong iyon para lang mahanap ito, pero may hindi na nakikitang markang inilagay dito ang isa sa pinaka importanteng tao sa buhay niya.

          Nang imulat ni Giordan ang kanyang mga mata hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa labas ng bintana kung saan nakikisabay yata ang ulan sa kaguluhang nararamdaman ng kanyang puso at isip. At habang nakatingin sa pagpatak ng ulan hindi niya maiwasan ang mga ala-ala kung saan nagsimula ang isnag tagong kabanata ng kanyang pagkatao.

          PInipilit niyang tumayo mula sa pagkakahulog pero sadyang ayaw sumunod ng kanyang mga paa. Sa mga pagkakatong tulad nito hindi maiwasan ni Giordan na muling magalit sa Diyos dahil kinuha nito sa kanya ang kakayahang makalakad.

          Walong taong gulang lang siya pero hindi ibig sabihin noon madali siyang mauto! Hindi na siya tulad ng ibang paslit na basta na lang maniniwala sa fairytale dahil lamang iyon ang sinasabi ng matatanda. Diba nga ilang beses ng sinabi ng mga doctor na tumingin sa kanya na makakalakad pa siya matapos ang car accident na sumira ng buhay niya, pero ito siya ngayon! Makalipas ang tatlong taon wala pa ring pagbabago! Isa pa rin siyang lumpong walang silbi! PABIGAT!

          Muli ay tinangka niyang itayo ang kanyang wheel chair na kasabay niyang natumba kanina pero kahit iyon ay hindi na rin niya magawa.

          “ASAR!” Hindi niya mapigilang hiyaw! Makakalakad! Mga sinungaling! Kung makakalakad pa siya sana matagal na! Ang dali para sa mga tao sa paligid niya na sabihing kaya niyang lumakad siya dahil hindi alam ng mga ito ang totoo niyang nararamdaman! Hindi alam ng mga ito kung gaano kahirap gawin ang mga sinasabi ng mga ito! Mahirap umasa pero mas mahirap ang mabigo!

          Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang kanyang ama pero sadyang siya lamang ang tao sa pasilyong iyon na lalong nakapagparamdam sa kanya how alone he is. Naiinis na naihiga niya ang sarili sa may sahig. Wala naman siyang ibang magagwa eh, kaya muli ay pinili na lang niyang sumuko at mag-intay sa kanyang ama na alaman niyang anumang sandali ay mahahanap siya.

Bakit ba kasi humiwalay siya dito! Right…ayaw kasi niyang manood ng piano recital! At habang buhos na buhos ang atensyon ng kanyang dadday palihim siyang tumakas bagay na madali niyang nagawa lalo pa at kapag nasa recital sila buong atensyon ng daddy niya ay doon lang nakatutok.

          Pinilit niyang makaupo kahit napakahirap ng marining ang nagmamadaling  munting yabag  na iyon tanda na may paparating para lang makita ang isang batang babae na mukhang kasing edad niya na humahangos palapit sa kanya.

          Wala siyang masyadong makitang interesante sa bata kahit pa nga napakacute nito pero ng magtama ang mga mata nila at makasalubong niya ang matingkad na berdeng mata nito agad niyang nabawi ang una niyang tingin dito. Nope she is definitely interesting dahil kappag tinitigan mo ang mga mata nito agad ka noong mahohook tulad ng mga mata  ng kanyang daddy.

          Agad na tumigil ang batang babae ng makita siya. “Ayos ka lang ba?” Ang nakakunot noong tanong nito.

          “Do I look okay!” Naiinis niyang sagot. Mqbilis niyang iniiwas ang kanyang mga mata dito dahil ayaw niyang makita ang matinding awa para sa kanya roon.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon