CHAPTER 39

8.5K 175 4
                                    

CHAPTER 39

            Okay…Bakit ba may mga taong sadyang napakahirap na kausap! Ang simpleng bagay lumalaki dahil sadya nilang pinalalaki! May solusyon naman pero ayaw lang yata talagang makinig! Kaya naman minsan kahit na sobrang haba ng pasensya mo may mga oras talagang umaabot ka sa iyong hangganan at limitasyon tulad na lang ngayon.

            Nasa labas na sila ng sasakyan ni Yujuan at kanina pa sila doon.

            “Kung nahihilo ka sa likuran then dun ka sa unahan.” Pilit man niyang pigilan ang sarili na mainis randam na ni Gift na malapit na siya sa hangganan ng kanyang pasensya.

            “Ayoko!”

            Isang marahas na buntong hininga ang napakawalan niya sa maikling sagot na iyon ni Light habang seryoso itong nakatingin sa kanya. Ilang taon nab a ito at daig pa nito ang batang paslit na umaayaw sa isang bagay na ipinipilit rito.

            “Bakit!” Naiinis na rin niyang tanong. Maayos na sila eh. Nag-sorry na ito kanina sa ilog tapos ngayon parang mag-aaway na naman sila dahil sa mga sagot nito na wala namang kwenta.

            “Bakit hindi na lang natin pag-usapan ito ng mahinahon at---” Agad na naitikom ni Luke ang kanyang bibig ng sabay siyang tapunan ng matalim na tingin ng dalawa. Tumabi siya sa anim pa niyang kaibigan at pinili na rin lang manahimik sa isang tabi kaysa pakialaman ang dalawa. Nakakatakot silang pareho!

            Muling tiningnan ni Gift si Light at alam niyang makikita na rin sa mukha niya ang pinipigil na inis para dito. “You’re being stubborn! Mas magiging komportable ka kung nasa unahan ka! Magpalit na lang kayo ni Blue! Saka kung sa simula pa lang sa unahan ka na umupo eh di sana hindi na tayo nagtatalo ngayon!”

            “NO!” Malakas nitong sabi.

            Isang naiinis na ungol ang napakawalan niya. “Why not!”

            Ilang sandali muna siya nitong tinitigan bago ito nagsalita na sa sobrang hina ay kahit yata multo sa tabi nito ay hindi iyon maririnig.

            “Pardon?”

            “Do you want to die!” Galit nitong bulyaw na ikinagulat niya pero ang ikinakunot ng noo niya ang pamumula ng pisngi nito.

            “Sa hindi ko narinig eh! Lakasan mo kaya ang boses mo!” Naiinis na talaga siya konti na lang at kakalmutin na talaga niya ito.

            “Ang sabi ko….” Muling huminto si Light bago iniiwas ang mata sa kanya. “Ang sabi ko ayaw ko sa unahan kasi ang sabi mo mas g-gusto mong maupo sa likuran.” Ang mahina pa rin nitong sagot pero this time maayos na niya iyong narinig.

            Tiningnan niya ito ng blanko kasi kahit na anong isip niya ay hindi talaga niya alam kung ano ang koneksyon noon sa pinagtatalunan nilang dalawa kanina pa. Tama naman ang sinabi nito ayaw talaga niya sa unahan kasi kahit noong bata pa siya ay ayaw na niyang umupo sa unahan ng kahit na anong sasakyan kapag malayo ang pupuntahan nila, mas komportable kasi siya sa likod at mas nakakapagpahinga siya doon ng maayos.

            “So?” Ang hindi na niya mapigilang tanong.

            Kung may lumalabas lang na lazer beam sa mga mata nito ay malamang na kanina pa siya patay sa talas ng tinging ibinigay nito sa kanya. “YOU ARE SO STUPID!”Ang napakalakas nitong sigaw sa kanya na tila pumutol sa katiting na lang niyang pasensya para dito.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon