CHAPTER 43

7.9K 173 2
                                    

CHAPTER 43

          “Quit staring.” Mahinang sabi ni Gift habang patuloy pa rin sa pagbabasa at hindi man lang pinagkaabalahang tanapunan ng tingin ang kaharap na si Light.

          Nasa malawak na garden sila ng mga Montreal. Matapos kasing magmerienda ay mas pinili ni Gift na tumambay doon kaysa ang mag-gala sa hacienda gaya ng ginagawa ngayon ng iba nilang kasama saka medyo kumikirot pa ang sugat sa braso niya kaya ayaw niyang masyadong gumalaw pero hindi pa siya nagtatagal roon ng sumunod sa kanya si Light. Kaya ngayon magkaharap silang nakaupo sa may gazebo roon.

          “Hmm.”

        Iyon lang ang naging sagot ni Light pero randam pa rin niya ang tingin nito kaya kahit hindi gusto ay napilitan niyang ibaba ang hawak na libro para lang makita ang malalim na pagkakakunot ng noo nito habang nakatingin sa kanya. “What?”

        “Who is your first kiss?”Ang seryoso at walang kangiti-ngiti nitong tanong.

       Hindi napigilan ni Gift na mapaikot ang mata. Dalawang araw na sila sa Hacienda at dalawang araw na rin siya nitong kinukulit tungkol doon at sa totoo lang siya ang mas napapagod sa pangungulit nito. “Iyon pa rin ang iniisip mo?” She said in a tired voice.

        “Sagutin mo ako at titigil ako.”

        Napasimangot siya bago muling ipinagpatuloy ang pagbabasa.

        “Gift!” Ang naiinis na sabi ni Light matapos ang ilang sandaling hindi niya pagpansin dito.

        “Quit it Light hindi ko sasabihin sa iyo at saka hindi mo naman kilala kung sino kaya pwede ba move on!”Kahit na hindi nakatingin alam niyang nakasimangot na ngayon si Light.

        “Hindi ko kilala ibig sabihin hindi ang Ylac na iyon ang first kiss mo?”

        Muli siyang napatingin kay Light dahil sa sinabi nito at gaya ng inaasahan nakasimangot nga ito pero punong-puno naman ng katanungan ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “Si Ylac? No hindi siya.”

        “Kung gano--”

        “So here you are.” Anang isang tinig na kahit hindi lingunin ay nahuhulaan na niya kung sino ang may-ari base na rin sa pagdidilim ng mukha ni Light. Isang tahimik na buntong hininga ang napakawalan niya, mula ng dumating sila ay naging hobby na yata ng kakambal ni Light na bunutan siya at kulitin kaya nga halos hindi na siya lubayan ni Light eh.

        “Anong ginagawa mo dito?” Ang masayang bati ni Cloud na parang hindi man lang naramdaman ang pagkapal ng tensyon sa paligid.

        “Reading.” She answered dryly habang patuloy lang na nagbabasa pero kahit na hindi tumitingin parang nakikita na niya ang matatalim na mata ni Light habang nakatutok iyon kay Cloud na tiyak niyang may malawak pa rin na ngiti habang nakatingin sa kanya.

        “Why don’t you join me and let’s explore the scenery together?”

        Ibinaba niya ang hawak na libro at masusing tiningnan si Cloud. Gaya ng hinala malawak ang pagkakangiti nito pero iba pa rin ang nakikita niya.

        “Well?” Ang nakangiting sabi ni Cloud habang iniintay ang sagot niya.

        “She is not interested so leave her alone!” Ang matigas na sabi ni Light para sa kanya at kitang-kita ni Gift kung paano nito itinikom ang dalawang kamao tanda ng nababadya nitong galit.

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon