CHAPTER 13

15.3K 317 5
                                    

Chapter 13

          Sa kanilang pagpasok sa loob ng nakakatakot na bahay medyo nakahinga sila ng maluwag dahil maliwanag sa doon pero hindi nila inaasahang ang lawak noon pati na din ang madaming papasukan kaya hindi nila alam kung saan magsisimula.

          “Now what?”Hindi mapigilang bulaslas ni Blue.

          “Kung gusto nyong umuwi…umuwi na kayo.” Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na rin si Light patunay lamang na kanina pa ito aware sa presensya nilang lahat.

          Muli silang nagkatinginang lahat na para bang tinatanong sa bawat isa kung susundin ba ang sinabi nito o ipagpapatuloy ang ginagawa. Pero bawat isa ay isa lang ang sagot.

          “Umabot na kami dito sige na nga sasamahan ka na naming hanggang huli boss.”

          “Hindi naman siguro aswang o mananaggal ang babeng iyon diba?”

          “Hindi rin naman siguro iyon  ang serial killer na napabalitaang gumagala dito sa atin.”

          “Bahala kayo.” Nakatalikod pa rin si Light at hindi pa rin sila hinaharap pero sanay na sila dito. Light is a man of a VERY FEW WORDS…

          Tahimik nila itong sinundan, pero halos nakakasampo na yata sila ng pinasukang pinto pero pabalik-balik lang silang lahat sa simula.

          “Diba may kasabihin ang mga matatanda na dapat daw hubarin ang damit kapag naliligaw.”

          “Puro ka kalokohan Luke at saka hindi hubarin ang damit baligtarin lang!”

          “Oo na Nate ikaw na ang matalino!” Ang nakangusong sabi ni Luke, sa iyon ang narinig niyang sabi ng matanda sa kanila eh.

          “Tumahimik na kayong dalawa! Hindi kayo nakakatulong.” Blue snapped in an irritable voice.

          Ang totoo halos lahat sila ay unti-unti ng nauubusan ng pasensya lalo pa at kanina pa sila paikot ikot.

          “Guys pwera biro kinakilabutan na talaga ako sa lugar na ito.”

“Hindi ka nag-iisa Ashton.” Ang mahina ding sabi ni Nashon.

“Wala naman sigurong multo dito ano?” Ang kontroladong boses na tanong ni Nate.

“Hindi totoo ang multo.” Sagot naman ni Luke para lang mapasigaw ng malakas ng pagharap niya ay makita niya ang isang matandang lalaki na matalima ng mga matang nakatingin sa kanila habang may hawak na isang malaking itak.

“Sino kayo!” Ang mabalasik  nitong tanong na hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha habang mahigpit ang hawak sa itak nito..

“Ikaw sino kang matanda ka!” Ang matalim ding sabi ni Light na hindi man lang kakikitaan ng takot ang mukha.

Iyon yata ang kauna-unahang pagkakataon na gusto nilang lagyan ng busal ang bibig ng kanilang boss, hindi ba nito kitang may hawak na itak ang matanda na tiyak na kapag tumama saang mang parte ng katawan nila ay malalagot na talaga sila.

          “Wala kang galang na bata ka ah! Anong ginagawa ninyo dito!”

 Bago pa magsalita ng hindi kaaya-aya si Light ay mabilis na itong inunahan ni Yujuan. “ Kasi po Lolo ---.”

          “Huwag mo akong tawaging lolo hindi kita apo!”

          Ilang libong pasensya yata ang inipon ni Yujuan para hindi patulan ang kasungitan nito. “Kasi po sir may hinahanap lang po kami.”

          “Sa lugar na ito!”

          Hindi naman nila masisisi ang matandang magduda  sa sagot nji Yujuan lalo pa at parang napakalabo nga ng sagot niya.

          “Opo. Babae po na maganda, maputi pos aka kulay gree-”

          “Ang mata” Mabilis na putol ng matanda sa sinasabi ni Nashon.

          “Kilala mo sya!” Ang mabilis na tanong nil Light.

          “Sino ba kayo.” Mahinahon na ang boses ng matanda pero may pagdududa pa rin sa mukha nito.

          “K-kaibigan po nya kami.” Ang mabilis na sabi ni Luke at sa kanilang pagkagulat biglang umaliwalas ang mukha ng matanda.

          “Kaibigan?” Anitong mabilis na binitawan ang hawak na itak bago masayang lumapit sa kanila. “Bakit hindi ninyo agad sinabi? Halina kayo at sasamahan ko kayo sa kanya.”

          Saglit silang nagkatinginan at pinag-iisipan kung susunod ba rito pero ng makita nila ang kanilang boss na walang pag-aalinlangang sumunod dito ay wala silang nagawa kundi ang sumunod na rin.

          Ilang pasilyo rin ang nadaan nila bago sila huminto sa isang may kalumaan malaking pinto.Dahan-dahan itong binuksan ng matanda bago tahimik silang pinasunod.

          May tinuro ito sa ibaba at ng tumingin sila doon lang nila nakita na nasa isang balkonahe sila habang sa baba naman ay kitang-kita nila ang babaeng iyon na parang walang ibang nakikita kundi ang target board nito habang nagpapakawala ito ng arrow gamit ang kaliwang kamay nito.

          “Anong ginagawa niya?” Hindi mapigilang tanong ni Yujjuan lalo pa at kityang-kita nila na hindi pa ito sanay gamitin ang kaliwang kamay nito.

          “Ang batang iyan sobrang kulit. Bigla na lang sumulpot dito at pilit na nagsasanay gamit ang kaliwa niyang kamay kahit na kanan naman talaga ang gamit niya. Halos nakakalimutan na nga nyang kumain dahil sa pagsasanay.”

          “Pero nahihirapan siya.” Ang mahinang obserbasyon ni Giordan.

          Mahinang napatawa ang matanda. “Basta ginusto niya kahit anong hirap binabaliwala niya. Ayaw niya kasing sumusuko dahil para sa kanya ang pagsuko ay pagtanggap na tapos na ang lahat.”

          “Ano po bang pangalan niya?” Wala sa sariling tanong ni luke dahilan para makatanggap ito  ng masasamang tingin mula sa kasaman.

          Mahinang napatawa ang matanda. “Alam ko na na hindi niya kayo kaibigan…ang batang iyan kahit noon pa mas gustong mag-isa pero kahit na ganoon maihahambing ko pa rin siya sa isang DAMO.” Masuyong sabi ng matanda habang nakatingin sa dalagang wala pa rin kamalay-malay sa kanilang presensya.

          “Damo?” Si Light lang ang nagkalakas loob na magsalita ng iniisip nilang lahat.

          “Oo damo..kasi tulad ng damo napakabilis niyang tumubo sa puso ng isang at kapag nandoon na siya napakahirap na niyang tanggalin.”

          Blankong tingin lang ang ibinigay ng mga ito sa matanda kaya muli itong napatawa.

          “Matigas ang ulo niya at ginagawa niya ang gusto niya.” Ang bigalang sabi ni Light.

          Napangiti ang matanda. “Tama ka. Pero napakalambot ng puso ng batang iyan  kailangan mo lang buwagin ang harang doon at kapag nagtagumpay ka huwag sanang ikaw ang maging dahilan para magtayo uli siya ng panibagong  harang doon na mas malaki at higit na matibay.”

          Napakunot ang noo ni Light sa sinabi nito pero anuman ang sasabihin niya ay naputol ng makarinig sila ng malakas na tunog mula sa baba at halos manlaki ang mata niya sa nakita….

ITUTULOY….

         

            

         

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon