CHAPTER 9

20K 370 5
                                    

CHAPTER 9

          “Princess wake up…please wake up…”

          Bakit ba kanina pa may parang tumatawag sa akin? Pero hindi naman Princess ang pangalan ko ah.

          “Just please wake up…”

          Then naramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay. Napakainit ng kamay na iyon habnag masuyong hinahaplos ang kanyang kamay. Gusto niyang magsalita o kaya imulat man lang ang kanyang mata pero bakit ganoon? Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa aking mata?

          When she tried again to open her eyes muli siyang napapikit ng salubungin siya ng nakakasilaw na liwanag.

          “Boss she is waking!”

          Kahit nakapikit hindi niya maiwasan ang mapasimangot dahil sa napakalakas na boses ng nagsalita. Hindi ba pwedeng magsalita ng tahimik?

          “Shut up Ash.”

          Muli niyang iminulat ang kanyang mata para lang mabungaran ang napakaraming mukhang nakatunghay sa kanya particular na si Light.

          “Woh…have any of you heard personal space…” She asked quietly habang unti-unting bumabalik sa kanya ang nangyari. “What happened?”Ang nakakunot niyang sabi.

          “Simple princess we save the day.”

          Napatingin siya sa nagsalita pero hindi niya ito makilala maging ang iba nitong kasama. Ang tanging kilala lang niya doon sy si Luke at Light na parehong may mga gasgas sa mukha at katawan pero higit na grabe ang pinsala kay Light na nakabalot sa ulo ang isang benda at ang iba naming parte ng katawan nito ay may mga gasa.

          “What happened to you?” Hindi niya napigilang tanong.

          “Obviously our boss risked his life to sav-”

          Hindi na nito natapos ang anumang sasabihin ng masama itong tingnan ni Light.

          Pero hindi iyon ang nakagaw ng pansin sa kanya kundi ang kanyang kanang kamay. Tinangka niyang igalaw ito pero hindi niya magawa. Tinangka niya muli pero hindi talaga niya iyon maramdaman na para bang hindi na iyon nakakonekta sa kanyang katawan.

          “I can’t feel my right arm…” She whispered habang titig na titig doon.

          “Someone called the Doctor.” Light commanded with so much authority.“You need to calm down.” Ang sabi naman nito sa kanya na hindi niya alam kung bakit eh hindi naman siya nagpapanic.

          Ilang sandali pa ay dumating na ang doctor at sinuri ang kanyang kamay. “Kailangan manatili ka pa dito para mas lalo ka naming maobserbahan. May past injury ka ba dito o kaya naman may tumamang mabigat na bagay dito?”

          Blanko niyang tiningnan ang doctor dahil halos hindi na niya naririnig ang sinasabi nito. Ang buong atensyon niya ay nasa kamay niya.

          “Doc tinamaan ng baseball bat ang kamay niya.” Luke said na ikinakunot ng noo niya dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito.

          “Kung ganoon mas makabubuti kung manatili ka muna dito sa ospital par-”

          “Ihanda nyo na po ang discharge slip ko.” She said with a poker face.

          “Princess ang sabi ni Doc dito ka muna daw.”

          Tiningnan niya ang nagsalita pero hindi niya ito kilala at hindi rin niya alam kung bakit Princess ang tawag ng mga ito sa kanya kaya muli siyang tumingin sa doctor na sumuri sa kanya. “Uuwi na ako doc…”

          “Kung aalis ka it will be home against medical advise ang ibig sabihin noon ay kahit na anong mangyari sa iyo ay walang magiging pananagutan ang hospital o kahit na sinong tao dito sa hospital.”

          Isang maikling tango lang ang naging sagit niya.

          “Kung ganoon kailangan kang pumirma ng weiver mo.”

          Again isang tango lang ang naging sagot niya.

          “Okay kukuha lamang ako ng HAMA form pa--”

          “There is no need for that dahil hindi siya aalis.”

          Lahat sila ay napatingin kay Light na walang kangiti-ngiti sa labi.

          Agad na uminit ang kanyang ulo.“Aalis ako at walang makakapigil sa akin!” Sino ba ito para pakialaman siya!

          “I’d like to see you try it!” Nakuha pa nitong ngumisi na para bang hinahamon talaga siya.

          Tiningnan niya ito ng masama bago mabilis na tumingin sa dextrose na nakakabit sa kaliwa niyang kamay. Marahas niya iyong hinila sa pagkabigla ng lahat. Kitang-kita niya ang mabilis na pagdaloy roon ng dugo niya pero wala na siyang pakialam ang alam lang niya gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon.

          “Are you crazy!”

          Hindi niya pinansin ang galit na sigaw ni Light. Sa halip ay dahan-dahan siyang bumangon pero hindi pa man siya nakakatayo ay may mabigat na na bagay na dumagan sa kanya.

          Her eyes widen matapos siyang daganan ng walang pakundangan ni Light habang marahas nitong hawak-hawak ang kamay niyang tinanggalan niya ng swero.

          “Ano ba! Umalis ka nga dyan!”

          “You are so stubborn dapat sa iyo pinapalo ng matuto kang makinig sa iba!”

          “Jerk! Wala akong pakiaalam sa opinion mo!”

          Agad na dumilim ang mukha nito at aminin man niya o hindi ay sadyang nakakatakot ang itsura nito ng mga sandaling iyon.

          “Gustong-gusto na talaga kitang turuan ng leksyon but for now mananatili ka ditto sa ayaw at sa gusto mo.”

          Agad siyang nagpanic sa sinabi nito kailangan na niyang umalis. “A-alis ako.” Kailangan niyang makaalis. Kung mananatili siya dito matatapos ang lahat at matatalo siya at hidni iyon pwedeng mangyari

          Ilang saglit siya nitong tiningnan ng matiim pero maya-maya lang ay nanlaki ang mga mata nito bago unti-unting umalis sa pagkakadagan sa kanya.

          “Fine pero ihahatid kita sa inyo.”

          Hindi na niya ito pinansin sa halip ay pinilit niya ang sariling tumayo at maglakad patungong banyo at doon magpalit matapos kunin ang damit na nakapatong sa may lamesa.

          Doon rin lang niya napansin na huminto na ang pagdudugo ng kamay niya mukhang dahil sa pressure kanina na nagawa ni Light ng hawaka siya nito. Kung hindi ganoon ang ugali nito iisipin niya na sinadya nito iyon para patigilin ang pagdurugo ng kamay niya pero kung ang pagbabasehan ay ang ugali nito napakaimposible noon.

          Pero agad siyang natigilan ng makita ang luhaang mukha. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya at hindi niya maiwasang magalit sa sarili dahil sa pagpapakita ng kahinaan. Pero habang pinagmamasdaan ang umiiyak niyang mata hindi niya na maiwasan ang mas lalo pang mapaiyak hanggang sa mapahandusay na siya sa may sahig habang pilit na kinokontrol ang mga hikbi sa kanyang bibig.

          Bakit ba nangyayari sa kanya ang lahat ng ito! Hindi siya pwedeng huminto…hindi…

ITUTULOY…

         

         

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon