CHAPTER 23

11.2K 236 1
                                    

CHAPTER 23

          Payapang nakahiga su Gift sa tabi ng isang puno sa campus nila. Wala siyang klase kaya tulad ng dati mas pinili na lang niyang mag-isa kaysa makisama sa kaingayan ng iba na tiyak na sakit lang ng ulo ang kanyang makukuha.

          Kahit nakapikit randam at rinig pa rin niya ang nangyayari sa paligid kaya naman pati ang papalapit na yabag ay rinig niya lalo pa at mukha namang hindi gusto ng mga itong ilihim ang pagdating nila sa kanya sa lakas ng mga yabag na nililikha ng mga ito.

          “Bakit ba kailangan naming umakyat lagi sa bakod nitong school na ito para lang hanapin ka!”

          Mabilis niyang naimulat nag kanyang mga mata ng marinig ang pamilyar na iritadong boses na iyon para lang mabungaran ang pitong sugo ni Light. She sighed boredly bago mabilis na bumangon para harapin ang mga ito.

          “Is it too much to ask for some peaceful and quite time without anyone of you bothering me?” Napapagod niyang sabi sa mga ito.

          “Well princess believe us hindi talaga namin gustong pumunta dito  but something is wrong with our boss.”

          Agad siyang napatingin sa nagsalita. “Red alam mo---”

          “Sinong Red? Blue ang pangalan ko!” Naiiritang sabi nito.

          “Fine! Blue! Alam mo there is always something wrong with him.” Balewala niyang sabi.

          “Hindi mo naiintindihan!”

          “And you are?” Hindi na siya magkukunwaring kilala ang mga ito.

          “Grrhh…are you that stupid to forget our names. Ang daming babeng nagkakandarapa para makilala kami tapos ikaw na kusa naming pinagbigyan ng aming mga pangalan kinalimutan lamang iyon ng ganoong kabilis.”

          Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa nagsalita bago lumapit dito. “Let’s get something straight. 1. I really don’t care 2. I’m not one of those girls and lastly don’t ever call me stupid!” Iyon lang at malakas niyang inapakan ang isa nitong paa dahilan para mapasigaw ito ng malakas at mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya habang pinagmamasadan ang pag-aringking nito dahil sa sakit, mukhang napalakas ang ginawa niya.

          “Nate!” Sabay-sabay na sigaw ng anim nitong kasama habang tila iniisip kung paano tutulungan ang kaibigang tila nagsasayaw sa sakit.

          “Okay Princess, seryoso na kami mula ng manggaling dito sa festival ninyo  si Boss nag-iba na siya. Palagi siyang irritable at---”

          “Palagi naman talaga siyang irritable diba? Sobrang moody pa nga eh.” Aniyang muli sanang hihiga pero marahas lang nitong hinawakan ang kanyang kamay.

          “Yujuan anong gingawa mo?” tanong ni Luke na mabilis sanang pipigilan si Yujuan pero isang masamang tingin mula sa huli ang nagpatigil ditt.

          “Sasama ka sa amin at aayusin mo si Boss!”

          “Geez why are all so forceful! At saka bakit ako!”Aniyang  pilit inaalis ang pagkakahawak nito sa kanya.

          “Dahil alam naming na ikaw ang dahilan kung bakit nagkakaganoon si Boss.”

          Napatigil siya sa sinabi nito. “Bakit ba inaassume ninyo na may kinalaman ako sa anumang nangyayari sa kanya! Hindi ba pwedeng tinotopak lamang iyon tulad ng kadalasang ginagawa nito!”

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon