CHAPTER 46

7.7K 148 9
                                    

CHAPTER 46

          Buong na ibinaba ni Light si Gift sa kama nito at maingat din itong kinumutan bago naupo sa tabi nito.

          “Ano bang gagawin ko sa iyo Gift?” Ang mahina niyang bulong habang masuyong hinahaplos ang maamong mukha nito. Kaya niyang manatili sa pwesto niyang iyon kahit na gaano katagal para lang pagmasdan ang mukha ni Gift ng hindi nagsasawa.

          Kahit na tulog na tulog na ito at walang kamalay-malay sa presensya niya randam pa rin ni Light ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso niya na nagiging normal na sa kanya sa tuwing malapit sa kanya si Gift.

          Ang dami niyang nalaman tungkol dito dahil sa larong iyon na pakana ni Lumina at ang dami ring mga katanungan ang nabuo sa kanyang utak para kay Gift pero hindi-hindi niya ito pwepwersahing magsalita, mag-iintay siya hanggang sa maging handa na ito para magkwento sa kanya kahit na gaano pa katagal ang ipaghintay niya ay wala na siyang pakialam dahil para sa dalaga handa siyang maging pasensyoso.

          “You really like her, don’t you Light?”

          Agad na napahinto si Light sa paghaplos sa mukha ni Gift bago pilit na pinigil ang sariling gumawa ng kahit na anong ingay na maaaring umistorbo sa mahimbing nitong. Maigat siyang tumayo at matalim ang mga matang hinarap ang kakambal. Mas lalong tumalim ang kanyang mga mata ng mapansing hindi sa kanya nakatutok ang tingin nito kundi sa natutulog na sa Gift kaya naman mabilis siyang kumilos para takpan si Gift mula sa mga mata ni Cloud gamit ang sariling katawan. Hindi niya nagugustuhan ang interest na nababasa sa mga mata nito.

          Hindi naman napigilan ni Cloud ang mapatawa ng mahina dahil sa inasal na iyon ng kapatid. Sa ikinikilos nito mas lalo niyang natitiyak kung ano si Gift para dito at mas lalo siyang nacha-challenge para patunayan iyon. “Chill, Light. I’m not here to fight you so you can relax.”

          “What do you want Cloud!”

          Naiiling na naglakad si Cloud palapit  dito para lang mapatigil ng mabilis na lumakad palapit sa kanya si Light at harangan ang dadaanan niya. Para itong protective mother hen na pinoprotektahan ang inakay nito laban sa kanya.

          “Hanggang diyan ka lang!” Ang mahina pero punong-puno ng talim na sabi ni Light.

          Muling napailing si Cloud kung makaasta ang kakambal para bang may gagawin siyang masama sa girlfriend nito. “Ang init ng ulo mo, kapatid.”

          “Sabihin mo na ang pakay mo ng makaalis ka na!”

          Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ni Cloud. “Why do you like her so much Light? Okay she is definitely a  beauty but I still can’t see anything special to her?” Ang seryoso na nitong sabi habang tuwid na nakatingin sa kapatid totally ignoring his piercing glare.

          Sandaling hindi umimik si Light bago naglakad pabalik sa tabi ni Gift. “I don’t expect anyone of you to understand…and honestly I really don’t care about anyone’s opinion. Ang masasabi ko lang, Gift is the most important person in my life at hindi ko hahayaan ang kahit na sinong pumagitna sa amin.” Ani Light na tumingin ng makahulugan sa kapatid.

          Cloud smirks at this. “You sounded like you are falling for her already.” Ang nakakaloko nitong sabi.

          “I am in love with her…madly and deeply at hindi na iyon mawawala sa sistema ko kahit na anong mangyari. She is my gravity and without her I afraid that nothing can hold me anymore.”

"My Possessive Devil"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon